RSS Feed for This PostCurrent Article

Kwatro Kantos


Sabi nila ang buhay daw ay parang gulog, minsan nasa ilalim minsan nasa ibabaw. Ngunit ang buhay ay para ding parisukat, apat ang sulok, apat din ang kanto. Sa seminaryo ay may itinuro sa amin na istratehiya kung paano mo papapalawak ang kaalaman sa iyong sarili sa pag-gamit ng Bintana ni Johari (Johari’s window).

1. Alam mo, alam nila
2. alam mo, di nila alam
3. alam nila, di mo alam
4. di mo alam, di rin nila alam.

Marami dumadaan sa buhay na hindi nila lubos nakikilala ang kanilang mga sarili. Marahil dahil na rin sa walang nagsasabi sa kanila kung paano. Ngunit ang tao talaga ay may angking kalikasan upang malaman ang sarili nya o ang mga pangyayari sa kanyang paligid.

Kung mas malalaman natin ang sarili natin ng lubusan, mas marami tayong tao na mahihipo, matutulungan at madadamayan sapagkat malalamannatin ang kanilang mga hinaing, hinagpis atmga panganagailanagn.

Tulad ng nasa larawan, ang mga kuwadradong kwatro kantos ay may mga nakaukit na pangalan at bakat ng kanilang mga paa na simbolo ng kanilang pagbibigay ng taos puso sa isang lugarna nagsisilbing Mecca ng mga uhaw sa salita ng Diyos at naghahanap ng malalim na kahulugan ng kanilang sarili. Pwede tayong pumanaw sa mundo na ito na hindi naytin nakikilala ang ating mga sarili o ang iba, at pwede din namang tayo ay lumisan ng may naiiwan na ala-ala sa ating mga taong natulungan, tulad ng isang pangalan na habang buhay ng nakaukit sa bato, na kahit kailan man ay hindi makakalimutan ng bawat tao.

Kilalanin ang sarili, at makikita mo na sa kaibuturan ng iyong puso ay naglalagablab ang pagnanasa na tumulong sa mga higit na ngangangailangan. Ating gawing makulay ang apat na sulok ng ating buhay.

(ang larawan sa itaas ay kuha sa Kamay ni Hesus Center sa Lucban Quezon sa pamamagitan ng Nokia 6630 Phone Camera noong kwaresma 2008. Ang mga animo’y lapida sa patyo na ito ay hindi pangalan ng mga yumao, kungdi libo-libong tao na ibinakat ang paa at nangako at nagbigay ng tulong sa mga taong nangangailangan, kasama na ang center na ito na sinimulan ng aking kababayan na si Fr. Joey Faller).







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2005-2008 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License









Trackback URL

  1. 25 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By Girlie on Apr 17, 2008 | Reply

    magandang ideya yan.

    talaga? camera phone lang yan? ang galing ha

    Girlie’s last blog post..Litratong Pinoy #3 : Apat and Sulok Ko (Square)

    [Reply]

  4. MyAvatars 0.2
  5. By Cathy on Apr 17, 2008 | Reply

    Pax et Bonum!

    Para sa akin, maganda ang paraan ng pagkilala sa mga tumulong, lalo na nagkaroon sila ng pagkakataon mabahagi ng personal na mensahe at sarili pa nilang gawa.

    p.s. Ex Capuchin seminarian ka pala. Natuwa tuloy ako bigla dahil may mga kakilala ako sa LSM. =)

    Cathy’s last blog post..A House is not a Home

    [Reply]

  6. MyAvatars 0.2
  7. By sasha on Apr 17, 2008 | Reply

    Magandang kuha, malalim na ideya… Nagustuhan ko sobra ang iyong entry, kapatid! :)
    sasha’s last blog post..Litratong Pinoy Ed#3 - Apat na kanto

    [Reply]

  8. MyAvatars 0.2
  9. By Pinky on Apr 17, 2008 | Reply

    Isa na namang “thought-provoking” na lahok mula sa iyo, BlueP! Kaya gustong-gusto ko dumalaw sa site mo e dahil bukod sa maganda na ang larawan e may pabaon pang mensaheng inspirasyonal.

    Isang makabuluhang Huwebes sa iyo!

    Pinky’s last blog post..LP #3: Apat na Kanto

    [Reply]

  10. MyAvatars 0.2
  11. By christine on Apr 17, 2008 | Reply

    nakakatuwa rin ang kwento sa likod ng litrato mo. ang ganda din ng kuha :)

    [Reply]

  12. MyAvatars 0.2
  13. By Linnor on Apr 17, 2008 | Reply

    sa biglang tingin,akala ko hindi sa pilipinas nakuha ang litratong yan :)
    Linnor’s last blog post..Apat na Kanto

    [Reply]

  14. MyAvatars 0.2
  15. By nona on Apr 17, 2008 | Reply

    Hanga ako sa ideya mo bro! kakabilib, pati ang iyong malalim na pagsasalaysay. ;)
    Mahusay ang iyong pagkakalarawan :)

    [Reply]

  16. MyAvatars 0.2
  17. By lidie on Apr 17, 2008 | Reply

    nakakatuwa naman! naalala ko tuloy nung ginawa namin ang johari’s window sa ateneo nung nasa college pa ako… masaya ito at talagang maraming matututunan sa sarili!
    magandang huwebes sa’yo!

    lidie’s last blog post..LP #3 :: Apat na Kanto

    [Reply]

  18. MyAvatars 0.2
  19. By lino on Apr 17, 2008 | Reply

    dami sigurong tao nyan… magandang huwbes po…

    lino’s last blog post..apat na kanto (four corners)?

    [Reply]

  20. MyAvatars 0.2
  21. By ettey on Apr 17, 2008 | Reply

    lovely capture!

    [Reply]

  22. MyAvatars 0.2
  23. By Ambo on Apr 17, 2008 | Reply

    Ayos ang pagkakakuha mo Bes. Ang akala ko din sa ibang bansa ito. Ang akala ko sa Hollywood ito haha. Maligayang Huwebes Bes!

    Mabuhay ka Kaibigan!

    Ambo

    Ambo’s last blog post..Black Suede Video Scandal

    [Reply]

    Ambo reply on April 17th, 2008:

    Teka bakit yan ang lumabas na link dapat eto. lol

    Ambo’s last blog post..Transistor

  24. MyAvatars 0.2
  25. By julie on Apr 17, 2008 | Reply

    Malalim, matalinhaga ang iyong entry.

    Maligayang araw ng Huwebes sa iyo.

    [Reply]

  26. MyAvatars 0.2
  27. By Kotsengkuba on Apr 17, 2008 | Reply

    naalala ko tuloy yung analogy na binigay ng teacher namin para sa third window - alam nila, di mo alam. para daw yang putok, pansin ng ibang tao pero ikaw di mo pansin dahil nasanay ka na sa amoy mo. hahaha, tama naman di ba.

    i think someone should be reviewing the johani’s window kase she might be falling into window 3. she thought she’s okay but the others are saying otherwise.

    parting question? which window does window shopping falls into? ;-) i’m serious.

    Kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0816 | Apat na kanto

    [Reply]

  28. MyAvatars 0.2
  29. By Munchkin Mommy on Apr 17, 2008 | Reply

    mabuhay, BP (hindi blood pressure ha!)! :D para ngang sa ibang bansa kinunan ang iyong larawan. ang ganda! kababayan mo pala si Fr. Faller! makailang beses ko na rin siyang nakita. :) magandang araw sa ‘yo!

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    Munchkin Mommy’s last blog post..LP #3: Apat na Kanto

    [Reply]

  30. MyAvatars 0.2
  31. By Clicking Away on Apr 17, 2008 | Reply

    Bluep, katulad ni Linnor at Ambo akala ko eh kinunan ito sa ibang bansa…ikaw ba ay nagiwan ng sarili mong yapak diyan?

    [Reply]

  32. MyAvatars 0.2
  33. By Clicking Away on Apr 17, 2008 | Reply

    Bluep, katulad ni Linnor at Ambo akala ko eh kinan ito sa ibang bansa (Hollywood?). Ikaw ba ay nag-iwan din ng iyong yapak sa lugar na iyan?

    Clicking Away’s last blog post..LP003 - Apat na Kanto

    [Reply]

  34. MyAvatars 0.2
  35. By Lizeth on Apr 17, 2008 | Reply

    i’ve tried johari’s window :)

    palagian na maganda ang iyong mga pahayag..ipagpatuloy mo, kapatid :)

    happy thursday!

    Lizeth’s last blog post..Litratong Pinoy #3: Apat na Kanto

    [Reply]

  36. MyAvatars 0.2
  37. By teys on Apr 17, 2008 | Reply

    makahulugan ang iyong parisukat at malalim ang iyong isinulat… :smile:
    Mabuhay ka! :smile:

    Deus Magnus Est!

    teys

    teys’s last blog post..LP#4 - Apat na kanto

    [Reply]

  38. MyAvatars 0.2
  39. By jeanny on Apr 17, 2008 | Reply

    mahusay na salaysay..maganda rin ang larawan….

    mabuhay ka :)
    jeanny’s last blog post..LP#3 Apat na Kanto

    [Reply]

  40. MyAvatars 0.2
  41. By Meeya on Apr 17, 2008 | Reply

    as usual, isang malalim na post mula sa iyo bluep :) akalain mong pati ang johari’s windows ay ma-tagalog mo, hehe! at syempre naibigan ko ang litrato. para sa akin naman, ang kahulugan na lumutang ay… lahat tayo dumaraan sa mundong ito. kahit papaano, sana ay makapag-iwan tayo ng bakas ng ating mga yapak na karapat-dapat sundan ng mga susunod sa atin. wala lang, hehe. :D

    MyMemes: LP Parisukat
    MyFinds: LP Parisukat

    Meeya’s last blog post..LP03: Parisukat

    [Reply]

  42. MyAvatars 0.2
  43. By alpha on Apr 17, 2008 | Reply

    akala ko sa ibang lugar ito, dito pala ito sa pinas :D
    alpha’s last blog post..By: mousey

    [Reply]

  44. MyAvatars 0.2
  45. By nina on Apr 18, 2008 | Reply

    ang ganda nung litrato. gusto ko makapunta dyan sa kamay ni hesus center na yan. gusto ko kasi mag-attend ng healing mass :)
    nina’s last blog post..Litratong Pinoy - Apat na Kanto

    [Reply]

  46. MyAvatars 0.2
  47. By Thesserie on Apr 18, 2008 | Reply

    pinag isip mo na naman ako sa iyong akda..mahusay kapatid!

    peace.

    [Reply]

  48. MyAvatars 0.2
  49. By yvelle on Apr 18, 2008 | Reply

    magaling! :)
    yvelle’s last blog post..LP #3 Apat na Kanto

    [Reply]

  50. MyAvatars 0.2
  51. By Dragon Lady on Apr 19, 2008 | Reply

    Bluep, una ko itong pagbisita sa iyong lahok sa LP. magaling ang konsepto mo nang apat na kanto pati ang kalakip mong akda rito!

    nais kitang isama sa links nang aking blog ~ sana’y okay lang ito sa yo. :)

    hanggang sa susunod na huwebes!

    Dragon Lady’s last blog post..L.P. #3: Apat na kanto

    [Reply]

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word