Tatlo Ang Sulok Ko, Iisang Bangka Tayo!
By bluepanjeet on Apr 10, 2008 in *Litratong Pinoy

Sa Mayo Uno ay ika-isang taon na ng OTWOMD sa blogosphere, ngunit ang blog na ito ay nagsimula pa noong Agosto ng 2005 at ito ang tunay na petsa ng kapanganakan ng akingpagboblog, At dahil sa naisipang kong lumabas sa luma kong blog para makahanap ng mas maraming kaluluwang aking maabot ay ipinagdidiwang ko rin ang Mayo uno bilang kaarawan ng OTWOMD at ng mismo kong kaarawan. Sa loob ng mahigit na labing isang buwan kong pakikilakbay sa inyo sa blogosphere ay aking nakita ang iba’t ibang klase ng blog. Dito ko rin nakilala ang iba’t ibang mukha sa likod ng bawat blog. At ang masama at mabuti pa nito, dito ko rin ako namulat sa mapait na katotohanang na may tatlong sulok ang blogosphere… ang mga totoong blagista, ang mga mapagkunwari lamang at ang mga nanatililing ligtas sa gitna o masasabi nating balimbing.
Mula’t sapol na nagsimula ako makihalubilo sa ibang mga blagista ay di ko talaga inalintana ang humingi ng kapalit sa pagtulong sa mga taong nangangailan ng suporta. at sa loob ng labing isang buwan ay iyon ang aking ginawang paninindigan dito sa blogosphere: ang iangat sa aking buong makakaya ang mga taong di pa kilala at nagsisimula pa lamang.
Noong nagsisimula pa ako di ko alam ang tatlong sulok ng mga blagista na aking isinaad sa taas. Akala ko ay pantay pantay tayong lahat. Akala ko ay may karapatan tayong lahat na sabihin ang bawat ating nararamdaman, may respeto tayo sa paniniwala at relihiyon ng bawat isa, at di alintana ang pagiging dukha at mahirap ng isang tao. Ngunit ako ay nagkamali. Sa loob ng labing anim na buwan ay akin mismo nakita ang pait ng sinapit ng mga baguhang blagista sa kamay ng mga mapagmataas, mapanlinlang, mapanggamit at mga matatapobreng mga naninirahan sa kamaynilaan (hindi naman lahat sapagkat marami pa rin ang mga blagista na totoo sa kanilangmga sinusulat). Magisa ako noon, ngunit sinuong ko ang daluyong na dala ng mga halimaw na ito, na mismong aking mga larawan dito ay ninakaw at pinagkaisahan dahil lamang sa iba ang aking opinyon sa kanila. Ngunit lahat ng iyon ay nalampasan ko, hindi dahil sa matapang ako, kungdi dahil na rin sa aking kagustuhang ipaglaban ang mga taong naapi at nasa katuwiran sa loob at labas ng Pinoy blogosphere.
Lubha akong nadismaya sa una pero sa kalaunan ay namutawi sa isip ko ang manatili dito, Hindi para lumaban at makipagaway lamang, kungdi para ipamukha sa mga taong ito na lahat tayo ay pantay-pantay, kesyo matagal ka na o nagsisimula pa lamang. Iisa ang uri ating iniihian at iisa ang uri ating tinataehan.
Ang aking entrada ngayon ay tungkol sa iisang bangka na may tatsulok sa gitna. Para sa akin ang tunay na tatsulok na ating ginagalawan ay hindi ang mga totoo, ang mga mapagkunwari at mga taong nasa gitna nito. Kungdi, ang tunay na tatlong sulok sa akin ay Ikaw, Ako at Tayo. Anuman ang iyong kinalakihan, anuman ang iyong estado sa buhay, ano man ang iyong paniniwala o relihiyon, magrespetohan tayo sapagkat pantay-pantay tayo… Iisang bangka tayo, sa daluyong ng dagat na ating ginagalawan.
Sa labas ng realidad ng blogosphere ay lubhang nakakalungkot na ang ibang pangyayari: pagtaas ng presyo ng bigas, harina at mga karne, pagtaas ng krudo, kabi-kabilang anomalya at korapsyon at daan-daang kriminalidad. Hindi pa ba sapat ang mga iyon upang kahit sa realidad ng blogosphere ay i-isang tabi natin ang ating pamumulitika at pangungutya sa mga baguhan at di mga kilalang blagista?
Ang larawan na ito ay isang paraan upang aking ipahiwatig sa lahat na may isa akong pangarap, na lahat tayo ay maging pantay pantay, sa konsepto ng karapatan ng malayang pamamahayag at malayang pagtanggap sa mga baguhan nagnanais ring marinig ang kanilang mga tinig.
Sa pamamamagitan ng Litratong Pinoy, dito tayo makakpagsimula ng panibagong adhikain na magkaisa tayo kahit man lang dito sa animadong mundo na ating ginagalawan sa blogosphere.
Tatlo ang sulok ko: Ikaw, Ako, Tayo. Iisang Bangka tayo!
(Ang larawan sa taas ay aking kinunan gamit ang Nokia 6630 Phone Camera noong isang linggo sa aking bakasyon sa Tanay Rizal. Ang bangkang ito ay nakadaong sa ibaba ng aming pinag-inuman ng aking mga pinsan, sa tabi ng dike sa lawa ng Laguna. Ang bangkang yan ay ginagamit ng mgamangingisda sa lawa tuwing gabi upang manghuli ng ibat-ibang kalse ng isadang tabang. Ang Musika at awit na inyong naririnig ay awitin ng bandang “The Dawn” na may titulong Iisang Bangka na sumikat noong ako ay nasa ikaanim na baitang. Ang kantang ito ay nagsasabi na ano man ang ating haharapin na unos, ay sama-sama tayong magalalakbay sa Iisang Bangka)
BluePanjeet Interactives 2007
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License















A mischievous and playful colossus, bluepanjeet hold a certain conviction in life, that “sometimes” there are no space for absolutes like yes or no, naughty or nice and black or white.
INFJs are gentle, caring, complex and highly intuitive individuals. Artistic and creative, they live in a world of hidden meanings and possibilities. Only one percent (or less than two percent) of the population has an INFJ Personality Type, making it the most rare of all the types.
This blog revolves around the psychological phenomenon of every human psyche and the spiritual enlightenment that comes with it. Every human experience is at the depths of the individual’s inner self and somehow it has something to do with the spirit.
"On The Wings Of My Dream" Official emblem/logo represents the ideals and convictions that the blog stands for. From color, shapes, positions and forms comes the meaning of everything the author adheres to.
Recognitions, no matter how insignificat and petty to others will always be important and precious to the beneficiary. Here lies in the OTWOMD cyber-shelf the various recognitions from other bloggers. petty and small. but big in the eyes of the giver and the receiver.
"What an excellent work of art! Taking a good look and ample lots of time reading, i will say you are brilliant . it reaches the people through modern tech in a modern way and what you have done is one way of educating people who spend most of their time in front of there pc."






LOOKING FOR GOD IN HARRY POTTER Using his knowledge of classic literature, pilosophy, and Christian tradition, John Granger, a devout Catholic, has decoded what he believes is the secret message of the Potter novels --a powerful message that could explain why the books have captivated the imagination of an entire generation. 
32 Comment(s)
By Kotsengkuba on Apr 10, 2008 | Reply
ayan na.. lumabas na ang pagiging uber photographer ni bluep. hehehe, at ang explanation - thesis parin. pati ba naman sa litratong pinoy? wahahaha
at may music parin. kaya ayaw kang puntahan ni anger mom e. hahaha
Kotsengkuba’s last blog post..Bloglines: Another tool for blasting The Great Firewall of China
[Reply]
bluepanjeet reply on April 10th, 2008:
haha oo nga eh sabi ayaw daw nya sa blog na may music, pwes tadtadin ng Musika ang bawat sulok ng blog. Di sya kawalan sa trapiko haha
Sensya na excited ako magpost, nwalan kasi dito ng kuryente mula alas otso hanggang alas singko ng wala man lamang paalam kaya medyo nadismaya ako. kaya ayan ang kinalabasan, thesis na naman haha
bluepanjeet’s last blog post..Presenting the OTWOMD custom t-shirt merchandise
Kotsengkuba reply on April 11th, 2008:
di parin ako nakakapagrounds at ang bagal parin ng internet dito. pero pansin ko lang pogi, camphone din kase ang gamit ko e. meron syang pink shade ano. kahit anong liwanag o dilim ng ambient light, nagkakaron ng pink shade yung mga beyond macro distance. tama ba?
Kotsengkuba’s last blog post..Bloglines: Another tool for blasting The Great Firewall of China
By pusa on Apr 10, 2008 | Reply
naks camfon pa gamit nya, pano na kung SLR na ang hawak ni bluep!!! bat walang world peace sa dulo ng entry
pusa’s last blog post..because of you
[Reply]
By alpha on Apr 10, 2008 | Reply
ang galing naman ng piktyur mo kahit kamera ng selpon lang ang gamit mo
alpha’s last blog post..LP: Tatlo Ang Sulok Ko.
[Reply]
By Buge on Apr 10, 2008 | Reply
Unang-una ay maraming salamat sa pagbisita sa aking blog at sa pag comment sa entry ko sa LP. Maganda yang tatsulok mo at gusto ko din ang isinulat mo… malalim at mapapaisip ka talaga. Naisip ko tuloy kung san ako kasali dun sa tatlong klase ng mga blagista at sana ay don ako mapabilang sa mga totoo. Maraming salamat sa pagbahagi mo ng nilalaman ng isip mo. Favorite ko din yang song na… isang bangka tayo!
Mabuhay ka!
Buge’s last blog post..Yen’s Questions of the Week 14
[Reply]
By julie on Apr 10, 2008 | Reply
BlueP, magaling ang iyong tinuran. Oo, maging sa blag at sa mga blagista, meron hindi pagkapantay-pantay. Merong mga mapanuri. Merong mapagpakumbaba. Merong walang katuturan ang ang mga isinusulat
Meron din namang mangilan-ngilang mamamangha ka sa kanilang kaisipan at saloobin.
Hindi na yata mawawala ang ganitong diskriminasyon kahit saan.
Oo nga pala, paborito naming lugar ang Tanay.
julie’s last blog post..Sulyap sa Tatsulok sa Pilipinas
[Reply]
By zamejias on Apr 10, 2008 | Reply
Mabuhay! Galing naman. Winner to a for innovation, craftmanshi and resourcefulness. Galing talaga.
zamejias’s last blog post..Tatlo Ang Sulok Ko
[Reply]
By Ambo on Apr 10, 2008 | Reply
hilo na nga ako kababasa ng kung ano ano kasi ang unang tingin ko ka isandaang taon mo sa pagbablog ahahaha. Tapos ang akala ko “ang baklang ito” un pala iisang bangka. Tawa ako ng tawa dito lekat. Yan pala ang inatupag mo sa Rizal kaya patext text ka pa kung sinong nanalo sa ipod hahaha.
Anyhoo, ang linaw ng camphone mo ha. Parang totoong photographer! Sabi na sa yo di na natin kelangan pang mag aral sa UP ng photography. Eh kitang kita naman parang gawa ng propesyonal! Haylabet kapatid!
Inayos mo ba talaga yan bago mo kuhanan? hahahaha.
Ambo’s last blog post..The Blogging Awards Challenge
[Reply]
By ZJ on Apr 10, 2008 | Reply
Amen - nakiki-uyon ako sa mga nakasaad na saloobin mo. Ako man ay nakaranas ng ganyan sa loob ng may apat na taon kong pagba-blog. Pero dedma ko na lang sila.
Siyanga pala, yung wat na nasa picture ko ay malayo pa sa Angkor Wat. Sa mga sumusunod na LP natin ay ibabahagi ko ang mga litratong kuha ko sa Angkor Wat kung may temang angkop dito. Sa muli, maraming salamat sa iyong pagbisita. Sa uulitin
ZJ’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo ang Sulok Ko
[Reply]
By brotherutoy on Apr 11, 2008 | Reply
anlalim, kapatid, ah. kahit bangkang naka-petiks mode sa pampang, nagamit for advocacy. go, tatsulok! (kaya lang, sabi sa pungsoy, malas daw ang hugis na ito.)
teka, I just can’t believe you’ve just compared me to a… clit. that’s another tatsulok for you, kapatid! LOL.
stay prolific!
brotherutoy’s last blog post..Retreat! Retreat!: Losing It in Tagaytay
[Reply]
By Munchkin Mommy on Apr 11, 2008 | Reply
BlueP! napakamalaman at makahulugan naman ng iyong panulat para sa linggong ito ng litratong pinoy. pati ang larawa’yn apakaganda. saan ka magaanyaya para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng iyong blog at ng iyong kaarawan?
mabuhay!
Mapped Memories
Munchkin Mommy
Munchkin Mommy’s last blog post..LP #2: Tatsulok
[Reply]
By nina on Apr 11, 2008 | Reply
maraming salamat sa pagbisita, kabisyo! makata ka rin pala
ipagpatuloy mo ang pagkuha mo ng mga magagandang litrato!
nina’s last blog post..Litratong Pinoy - Ako ay Bilog
[Reply]
By Thesserie on Apr 11, 2008 | Reply
Kapatid, tama si Bb. Pusa, camphone pa lang yan, paano na kung DSLR?
re: mundo ng blog at bloggers…ganuon talaga eh, iba’t ibang klase ng tao nasa likod ng mga blogs…malas na lang at may mga nagpapasaludo at nakaupo sa trono talaga
pero ako, saludo ako sa talento mo kapatid.
Thesserie’s last blog post..By: Dragon Lady
[Reply]
By Pinky on Apr 11, 2008 | Reply
Ang lalim naman ng akda mo ngayong linggo, Blue P, muntik-muntikan na akong malunod…buti na lang at nakakapit ako sa isang sulok ng bangka mo - hahaha!
Isang makabuluhang Biyernes sa iyo, kaibigan!
Pinky’s last blog post..LP #2: Tatlo ang Sulok Ko
[Reply]
By mousey on Apr 11, 2008 | Reply
ay salamat natapos din ang pagbabasa
makahulugan ang mga nakasulat.
magandang araw ng biryernes!
mousey’s last blog post..By: Grey
[Reply]
By Grey on Apr 11, 2008 | Reply
ANG GALIIIIING!!! Hanga ako sau!
Mabuhay Litratong Pinoy!
[Reply]
By christine on Apr 11, 2008 | Reply
makahulugan ang lahok mo ngayong linggong ito. maganda din ang iyong larawan. magandang weekend sa yo!
christine’s last blog post..LP 2: Tatlong Sulok (Three Corners)
[Reply]
By sardonic nell on Apr 11, 2008 | Reply
there’s so much meaning to your photo, and i like it. sa akin naman the triangle signifies God, Man and Nature
sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo Ang Sulok Ko
[Reply]
By nona on Apr 11, 2008 | Reply
Napakaganda ng larawan mo kapatid, at ang makabuluhang mensahe na iyong nais iparating.
Tutuo ka, maraming ganoong uri ng tao sa labas at sa loob ng teknolohiyang eto.*saludo*
Pahiram naman ng celphone mo…hehe, ang galing eh.
[Reply]
By Dyes on Apr 11, 2008 | Reply
naantig naman ang aking puso sa makabagbag-damdamin mong mga talata. naalala ko tuloy na miminsan ay may mga batang nagpalayog ng papel na barko sa ilog.
Dyes’s last blog post..LP # 2 - Tatlo Ang Sulok Ko
[Reply]
By star on Apr 11, 2008 | Reply
wala akong masabi. kung ihahalintulad ko ang iyong blog entry.. para syang si gary v.. total performer!
star’s last blog post..Litratong Pinoy #2: Tatlo ang Sulok Ko
[Reply]
By sasha on Apr 11, 2008 | Reply
Kapatid! Oo nga naman at tatlo ang sulok ng bangka mo dyan
Gandang araw ng Biyernes!
sasha’s last blog post..Litratong Pinoy Ed#2 - Tatlo ang sulok ko
[Reply]
By iRonnie on Apr 11, 2008 | Reply
ay naglalabas ka na naman ng sama ng loob. yaan mo na yung mga mapagmalaking sinasabi mo. baka wala lang silang ibang maipagmamalaki outside of their blogs. i think i wasnt suppose to say that.
happy weekend!
iRonnie’s last blog post..221. Rest In Pyramid
[Reply]
By lino on Apr 11, 2008 | Reply
nice, buti natyempuhan mong nakadaong ang bangka…
lino’s last blog post..tatlo ang sulok ko?
[Reply]
By Wangbu on Apr 11, 2008 | Reply
And Jose Rizal’s “Bapor Tabo” was converted into a bangka.
Hopefully a swifter less troubled one - I mean the bangka also represents the Philippine nation, floating I do not know where… but I wish scouting for the direction to better destination.
Wangbu’s last blog post..Reasons Why I Love Drowning into Blogging
[Reply]
By Clicking Away on Apr 11, 2008 | Reply
Bluep, nakakatuwa ka naman. Yan ang gusto ko sa iyo - walang makakapigil sa iyo. Hindi ka natatakot bumanga kahit sa mga pader. Bagamat hindi ko pa nararanasan ang mga sakit na dinanas mo sa pagblo-blog, ako pa rin ay nagpapasalamat dahil sa iyong pagtangol sa mga naaapi at sa iyong hangad magkaroon ng pagkakataon ang lahat ng Pinoy makablog.
Gusto ko rin ang iyong litrato. Na-inspire ako gamitin ang aking phone cam
Clicking Away’s last blog post..LP001 - Tatlo Ang Sulok Ko
[Reply]
By chuva on Apr 12, 2008 | Reply
hang galeng galeng naman talaga!! talagang camfone lang yan? ang vivid naman ng image..at saka sa waterfront pala ang bakasyon mo ha…
waterfront din bahay ko, kasi pag naglalampaso yung katulong ko, dun sa harap binubuhos yung maruming tubig.
chuva’s last blog post..DJ Montano defends himself against Brian Gorrell in Korina Sanchez …video
[Reply]
By joy on Apr 12, 2008 | Reply
Hi bluep! Gusto ko talagang sumali sa LP. Hindi ko lang maintindihan ang rules.
Please visit A Pinay In England dahil nakaka update na ako ngayon ng Pinay blog ko
I hope you will be able to listen to the show tomorrow to support our fellow Pinay who survived cancer but is being mistreated by her employer.
joy
A Pinay In England
I, Woman
Norwich Daily Photo
joy’s last blog post..A Filipina in the UK Needs Help
[Reply]
By stel on Apr 12, 2008 | Reply
nakakayamot talaga ang mga nang mamata…
tama ka, parang paglalakbay talaga sa bangka ang pakikipagsapalaran sa mundo ng blag…paminsan minsan mahirap malaman kung sino ba ang tunay na tao, at sino ang pating
[Reply]
By misyel on Apr 12, 2008 | Reply
Astig ng litrato, galing naman ng camphone at syempre yung photographer! Amen ako sa mga sinabi mo, kahit ano ka pa sa mata ng Diyos pantay-pantay lang tayo.
misyel’s last blog post..Ngiti
[Reply]
By Meeya on Apr 15, 2008 | Reply
paborito ko ang awit na yan ng the dawn. una dahil kahawig ng asawa ko si jet pangan, pangalawa dahil sa positibong mensahe ng awit.
dito sa mundo natin, hindi maiiwasan talaga ang hindi pagkakapantay - sa lahat ng bagay. pero pagdating natin sa harap ni God, lahat naman tayo hahatulan ng ukol sa mga kabutihang nagawa natin sa mundo. kaya yang lahat ng mga namumulitika na yan, lagot sila.
Meeya’s last blog post..WS07: Beauty Pegeant
[Reply]
By kaje on Apr 15, 2008 | Reply
mahusay na akda
kakabilib ka!!
kaje’s last blog post..LO Share - On Letting Go
[Reply]
By Ernie Dionela on Aug 2, 2008 | Reply
musta sa mga peeps
[Reply]