RSS Feed for This PostCurrent Article

Bilog ang Mundo

 

 “Ever Since The World Began”
cover by Arnel Pineda Live at Hard Rock Cafe

 

litrato-pinoy.png Gusto ko muna’ng magpaumanhin sa aking mga kasamahan sa Litratong Pinoy sa pagkakahuli ng lathala nitong kauna-unahan kong entrada para sa ating grupo. Ako po kasi ay galing ng bakasyon, malayo at napagod ng husto kaya’t pagdating ko ng Abril 3 ng hatingabi ay di ko na ito nailathala. Ngunit sabi nga nila, huli man daw at magaling ay naihahabol din.

Tungkol naman sa litrato, hindi talaga ito ang nakaukol ngayon kungdi isa pang larawan na aking kinunan noong bakasyon. Kaya rin ako nagtagal ay di ako makapagdesisyon kung ano ba ang aking ilalathala. Pero dahil sa kaunaunahan ko itong lathala para sa LP ay minabuti kong ito ang aking piliin.

Ang larawan na yan ay kuha ko pa noong taong 1994 sa Talisay Batangas nuong panahon ng retreat namin. Nasa tuktok ako ng tore at takipsilim noon kaya minabuti kong kunan ang senaryo na ito. Makikita sa larawan ang Lawa ng Taal at ang Bulkan ng Taal. Ang gamit ko lamang dito ay Camera na 110mm film na hiram ko pa sa kaibigan sapagkat naiwanan ko sa amin ang sarili kong 135mm na Camera. Ngunit ng ito ay aking ipadebelop ay laking gulat ko sa ganda ng aking nakita. Sabi nga ng aking mentor na Photographer noon ng makita nya ito ay akala nya ay sopistikadong kamera ang ginamit ko dito.

Itong larawan na ito ay pinili ko dahil na rin sa inspirasyon ng kantang “Ever since the world began” ng Bandang Survivor na isinaling awit magmuli ni Arnel Pineda. Matagal ko nang paborito ang awit na ito ngunit ngayon lang ako nakakuha ng magandang tyempo para bigyang lalim ang ibig sabihin nito sa pamamagitan ng larawan. At sapagkat lubos ako nabighani sa boses ni Arnel Pineda ng marinig ko itong bersyon ng awiting ito ay minarapat kong pagsamahin ang larawan at tema ng musikang inyong naririnig.

Ang buhay daw ay bilog. Minsan ikaw ay nasa ilalim, minsan naman ikaw ay nasa ibabaw. Tulad nga ng mensahe ng awitin, manalo man o matalo sa buhay, ay tuloy pa ring ang paglalakbay. Bawat isa sa atin ay nakakahipo ng buhay ng iba at sa kabilugay ng ating mga sariling buhay ay marami tayong nabibigyang ng inspirasyon, natatagpuan at nakikilala sa ating mga paglalakbay.

Tulad ng larawan, sinasabi nito na kahit ano pang bilog ng mundo at ng buhay, lumubog man ang araw sa dapit-hapon, tuwing umaga ay sisikat pa rin ito upang magbigay ng pag-asa sa bawat isa sa atin. Mula ng nagsimula ang mundo, kaakibat nang tao ang tamis ng tagumpay at pait ng pagkatalo. Ngunit tulat ng Haring Araw, dapat lahat tayo ay matutong sumikat uli pagkatapos ng paglubog sa kadiliman…







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2007 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License










Trackback URL

  1. 15 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By Ambo on Apr 5, 2008 | Reply

    Wow nice photo kapatid. Hanef sa background music. Si idol! :wink: Alala ko tuloy ung mga kaibigan kong bilog nung nasa japan ako. Hay buhay kakamiss. :sad:
    Ambo’s last blog post..4th Philippine Blogging Summit

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 5th, 2008:

    hay natapos din pare. kala ko di na ako aabot dahil may ooops ako na 400 words kanina.

    Hehe idol ko boses ng mamang yan. Ang galing talaga. Ala-sting at bryan adams, tipo bang paos pero napakataas ng boses. Tapos kinanta pa ang “search is Over” at “ever since the world began” e di lalo na ako napahanga

    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

    bluepanjeet reply on April 5th, 2008:

    teka, pwede ba mag english sa susunod kasi mas gusto ko ang english pag nagiinterpret ako ng photo?

    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

    Ambo reply on April 5th, 2008:

    Nakow kapatid kelangan tagalog. Ako nga napagalitan ni KK sa ambothology ko hahahaha.

    Ambo’s last blog post..4th Philippine Blogging Summit

    Kotsengkuba reply on April 5th, 2008:

    hinihintay ko pang magload ang music pero nakita ko na kayong nag-aaway dito dahil english at tagalog. :twisted:

    sabi naman pwede mag-english, basta may tagalog sa umpisa. hehehe :mrgreen:

    kulitin natin si LP admin para i-give-up na nya ang rule for tagalization.

    kaya ako 3-line haiku lang para di masyadong nosebleed ;-)
    Kotsengkuba’s last blog post..Thou shall not hasten your domain transfer

    Kotsengkuba reply on April 5th, 2008:

    ayos nga palang kanta ni arnel pineda e ano. ngayon ko lang napakinggan yan. pwedeng ipalit kay ramiel :shock:
    Kotsengkuba’s last blog post..Thou shall not hasten your domain transfer

    bluepanjeet reply on April 6th, 2008:

    @KK galing ni Pineda ano.

    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

  4. MyAvatars 0.2
  5. By Thesserie on Apr 5, 2008 | Reply

    Bluep, ang ganda naman ng napili mong entry photo! Gustong gusto ko talaga na tinitingnan ang takipsilim…sabay sabi ng ‘ Isang araw ng pagsubok, tuwa, lungkot atbp. ang dinaanan ko, nakaya ko! Bukas uli!
    Iwan mo sana agad ang link nito para madalaw ka ng ibang members. Marami pa ring naglilibot.

    Totoo sinabi mo, tuloy lang ang ikot ng buhay ano man ang mangyari.

    nga pala, ang panuntunan ay isulat muna sa tagalog at interpret mo sa english pagkatapos (dahil nga alam ng LP na madaming nagsusulat din ng babayaring patalastas)

    Ka Ambo at KotsengKuba, pag wala na ang ‘tagalization’ eh di ordinaryong photomeme na lang at walang saysay ang parteng ‘Pinoy’ ng grupo? odiba? :D At saka hanubekayo, hindi Italy ang tema..tingnan nyo maigi *Lol*

    ingat kapatid!

    Thesserie’s last blog post..By: lino

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 6th, 2008:

    ate thess, medyo nahuli nga ako sa pagpost nito eh pero next time di na mauulit hehe.

    ah okay parang may translation. gets ko na

    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

    Ambo reply on April 7th, 2008:

    Hayan napagalitan na naman tayo si Mommy Thess naman hahaha. Oo nga po eh, eto kasing dalawa ang kukulit. Kaya nga Litratong Pinoy un eh. *sabay kabig* hahahaha

    Ambo’s last blog post..The Pregnant Man Thomas Beatie

  6. MyAvatars 0.2
  7. By Fitz on Apr 5, 2008 | Reply

    Para namang nakaka-depress yung picture ng sunset. :sad:

    Anyway, sa mga photographers jan… kung kailangan niyo ng model… *ehem*. Meron akong kilala na mahilig magpa-picture. *ehem*

    :lol:
    Fitz’s last blog post..On Fire Poi, Facing Fear and Taking Risks

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 6th, 2008:

    hehe oo nga eh. medyo senti nga yung pic.

    Haha nagaapply para maging model. Yaan mo kaibigan kukunin kita model pag may DLSR na ako

    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

  8. MyAvatars 0.2
  9. By PIC Microcontroller on Apr 5, 2008 | Reply

    haha mukhang depressing nga yung sunset pero artistic naman

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 6th, 2008:

    Thanks PIC!

    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

  10. MyAvatars 0.2
  11. By iRonnie on Apr 6, 2008 | Reply

    minus 5 for being late. :mrgreen: have a great weekend kapatid! enjoy your shuffle. ;)
    iRonnie’s last blog post..220. Barya Barya Lang

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 6th, 2008:

    haha oo nga. Happy weekend too ron, punta ako sa bahay bahay maya.

    hehe naku ieenjoy ko talaga yang shuffle na yan haha

    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

  12. MyAvatars 0.2
  13. By nina on Apr 6, 2008 | Reply

    Dati, di ko nagagandahan sa takip-silim pero ngayon, lagi akong naghahanap ng magandang takip-silim para makunan ng litrato :) Hindi naman sya malungkot, nasa isip lang yon!

    nina’s last blog post..Litratong Pinoy - Ako ay Bilog

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 7th, 2008:

    napakadami kong larawan ng takip silim. ito yata ang pinaka gusto ko sa lahat

    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

  14. MyAvatars 0.2
  15. By Girlie on Apr 6, 2008 | Reply

    110? uy ganda ng labas ah…oo bilog ang mundo, pero asan? hehe joke lang, ayun bilog ang araw na lumulubog!

    Girlie’s last blog post..Weight Gain ;p

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 7th, 2008:

    oo nga po eh. di ko rin akalain ganyan labas nung larawan. Salamat tita girlie sa pagdalaw. :smile:
    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

  16. MyAvatars 0.2
  17. By manilenya on Apr 7, 2008 | Reply

    alam mo bang gustong gusto kong tumira sa malapit sa Taal? nadaanan kong minsan nung nagbakasyon ako ang lamig ang gaganda ng mga bahay at higit sa lahat kitang kita ang lawa waaaaaaahhh kaya lang pang mayaman yata yung lugar la ako pepe lol!

    manilenya’s last blog post..Unconscious Mutterings : Why I missed it last week?

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 7th, 2008:

    Naku maganda talaga ang tanawin dun. Minsan umakyat kami sa Bundok sa Cuenca, grabe kitang kita namin ang taal sa tuktok. halos kapantay lang namin yung crater. sobra ganda talaga ate melai.

    Mahal ang lupa sa tagaytay at sa palibot ng taal. pero dun mismo sa crater hinde hehe

    bluepanjeet’s last blog post..Bilog ang Mundo

    Ambo reply on April 7th, 2008:

    Mommylenya naku pareho tayo kasi ang lameg dun. Minsan dun kami breakfast ng mga kaptid pag trip namin. I love the place! tara tira tayo dun! lols

    Ambo’s last blog post..The Pregnant Man Thomas Beatie

  18. MyAvatars 0.2
  19. By nona on Apr 7, 2008 | Reply

    Hi blue, (iksian ko na lang tawag sa iyo ha :) ) ako rin first time dito, tunay namang maganda ang larawan mo at may kabuluhan ang iyong sinabi. Tutuo ka kapatid, ang mundo’y tunay na bilog! at umiikot… Proven and tested sa buhay, hindi ko na lang isalaysay at baka ang komento ko ay maging post ko na haha!
    Ikinagagalak kong makilala ka.
    Magandang araw :)

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 8th, 2008:

    hello Nona, welcome sa aking munting dampa hehe. Okay yung blue kasi yan din tawag sa akin nila o minsan naman ay bluep (bloop)

    Hindi talaga yan ang entry ko eh, pakwan ang entry ko kaya lang mukhang mas madrama ito haha. kaya eto pinili ko.

    bluepanjeet’s last blog post..Kami Naman (It’s our turn)

  20. MyAvatars 0.2
  21. By MissPinkBiik on Apr 7, 2008 | Reply

    Manong… labit as always… I tagged you … please find time to respond… thanks!

    MissPinkBiik’s last blog post..Culture Shock!!!!

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 8th, 2008:

    Miss pink salamat sa tag, gagawin ko yan may naka pila pa lang hehe. salamat nga pala sa pagdalaw

    bluepanjeet’s last blog post..Kami Naman (It’s our turn)

  22. MyAvatars 0.2
  23. By Sidney on Apr 7, 2008 | Reply

    To be honest I didn’t read you post since I would need a dictionary and a lot of time…
    but you title makes me think of Ginebra San Miguel & Manny Pacquiao.

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 8th, 2008:

    Oh sid i’m so sorry. I thought you can understand english. don’t worry next time I will include a full translation. actually we are required to translate but I didn’t complied because my entry is two days late already

    yeah that’s true. it’s a commercial of Ginebra San Miguel haha

    bluepanjeet’s last blog post..Kami Naman (It’s our turn)

  24. MyAvatars 0.2
  25. By Jen on Apr 7, 2008 | Reply

    110 na camera? Wow. Maganda pa rin ang kinalabasan. Naalala ko tuloy yung mga picture nung unang panahon, bago pa dumating sa buhay natin ang digital camera.

    Jen’s last blog post..Have you seen this?

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 8th, 2008:

    Jen welcome sa munti kong dampa.

    Mas magastos noon kasi kailangan mo pa ipadevelop. nung 2004 hindi pa masyado talamak ang digicam halos 5 thousand ata nagastos namin sa developing alone nung sa project namin and that was 4 years ago. ngayon di mo na kailanagn iscan, basta may digicam ka upload na lang ng upload.

    see you on thursday ulit

    bluepanjeet’s last blog post..Kami Naman (It’s our turn)

  26. MyAvatars 0.2
  27. By Meeya on Apr 7, 2008 | Reply

    hi blue, 110mm pa pala gamit mo dito, ang galing naman ng capture. :) pero mas na-appreciate ko yung journaling mo… na sa bawat paglubog, bangon lang lagi at may naghihintay na umaga (naks!). next week ulit! :)

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 8th, 2008:

    Oo meeya yun bang ang negative ay kasing lapad lang ng daliri. ang dami ko nga negative dito yung iba nasira na di ko na napreserve.

    hehe salamat, medyo nainspirekasi talaga ako sa kanta na yan eh kaya ginawan kong ng post isinabay ko na din dito sa ating bilog

    yep next week uli hehe, nagenjoy talaga ako sa bloghop. ang gagaling kumuha nung iba

    bluepanjeet’s last blog post..Kami Naman (It’s our turn)

  28. MyAvatars 0.2
  29. By Pinky on Apr 8, 2008 | Reply

    Grabe, Blue P, huli man daw at magaling - magaling pa rin!!! :mrgreen:

    Napaka-”profound” naman ng iyong post - tunay na nakaka”senti”. Excited na ako sa susunod mong post - promise!

    Ingat lagi.

    Pinky’s last blog post..One Band Meme

    [Reply]

    bluepanjeet reply on April 8th, 2008:

    Hello pinky. You are the better half of Chinois right? you should meet Kotsengkuba and Antipatika, they are also a couple who blogs. It’s nice that bothof you share the same hobby of blogging.. hehe kakatuwa naman.

    Pasensya ka na ganyan talaga ako mag senti pag naiinspire sa kanta hehe. Medyo nahirapan nga ako sa tagalog dahil hindi ko minsan makuha yung tamang termino. Pero di bale kakari-rin natin lol. Si hubby mo ata sasali rin hehe. dadami na tayo.

    see youon thursday ulit. 2 days na lang haha ang bilis.

    Pax et Bonum and salamat nga pala sa pagdalaw, taba puso ko.

    bluepanjeet’s last blog post..Kami Naman (It’s our turn)

  30. MyAvatars 0.2
  31. By lino on Apr 9, 2008 | Reply

    sunsets are always stunning… nice one!
    :)
    lino’s last blog post..yellow toy?

    [Reply]

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word