RSS Feed for This PostCurrent Article

Hamon ng Panuntok kay Pepeng Agimat

211

Pabayaan nyo akong maglabas ng aking himutok sa tagalog sapagkat talagang puputok na. Naalala nyo siguro mga sinasabi ko noon na hirap ako dito kay ka pepe dahil nagaadjust ako. Ang totoo nito di ko to susuungin kung di ko lang talaga nais makaipon para sa pambili ng camera at sa aking mga plano na binabalak sa mga susunod na buwan. Iniisip ko kasi na siguro magandang kumita rin habang nag-aabang at gumagawa ako sa aking mga balak. Noon talaga ayokong gawing bayaran ang aking blog sapagkat natatakot ako na mawala ang essence nito sa madlang pipol. Pero dahil na rin sa hagaring makaraket ng kaunti dahil di biro ang binabayaran ko sa kuryente at sa internet connection eh na isip ko na rin na sumali sa trend na to. Tinagalog ko ito para di mabasa ng mga mokong sa ka pepe. Wala namang translation service na tagalog kaya ayos lang. Isa pa gusto ko talagang magwala di ko lang magawa sa ingles dahil baka di ako bayaran, sayang naman yung mga kuko ko na namatay at mga brain cells na natuyo dahil lamang sa pesteng ka pepe yan.

Noong una kala ko makakapag adjust ako ng mabilis di pala. Di kasi ako sanay na dinidiktahan ako kung ano siusulat ko. Mas sanay ako sa mga tipong “inspirasyon” na nagaganap sa buhay ko at ilalathala ko ito. Pero nitong mga nakaraang lingo nadama ko pagkadismaya ko sa blog ko kasi nagmukhang talipapa. Kung maari nga wala dapat mga picture na animoy parang SM para di magmukhang tindahan blo gko at nagawa ko naman pero itong pagsusulat talaga ang mabigat sa akin.

Una sinabihan ako ni Pepeng agimat na kailangan ko daw na ideklara na pambenta itong blog ko kaya makikita nyo sa ikatlo sa huli ng nav-bar ko ay may nakalagay na disclosure. Dahil pag di ko daw nilagay ay di ako babayaran. So kahit labag sa loob ko ginawa ko. Ikalawa, sinabihan ako na maglagay ako ng “Hire Me” sa blog ko, di ko ginawa, nakalusot naman. Ikatlo, di daw nila ako babayaran pag ang post ko ay hindi sal-itan. Ibig sabihin dapat ang post ay pagitan ng hindi bayad na post. Ibig sabihin pa, kapag gagawa ako ng tatlong Pepeng agimat ay dapat may tatlong post na di bayad. Anim bale sa isang araw ang gagawin ko na entrada. Ginawa ko din kahit talagang nakakatuyo ng utak. Ikaapat, kanina mabilis ako nagreserve ng Ka Pepe. Sinulat ko ng 300 worde kahit isang daan lang hinihingi (ganun ako magpahalaga sa Ka Pepe na yan) pero nung isinabmit ko na, nawala reserve ko at di ko na nakuha. Laking inis ko. Kaya kung makikita nyo sa aking feed, mayroong doon na entrada na pag clinick mo ay error na kasi pinahi ko na. sa sobrang galit ko. Nagpakapagod ako magsulat tapos mawawala lang. Pag di ka naman na-alta!

At kanina lang binalaan ako ni ka Pepe na isususpende ako dahil daw minamanipula ko ang petsa ng mga post ko. Kasi kung mapapansin nyo, yung estasyon ng krus eh naghinayang ako kasi ang daming pwedeng isangat na mga ka pepe. Pero dapat daw pala ilalathala ko kapag may pang ka pepe na. Ayun binago ko pa mga petsa ayon sa gusto nila. At ang huli nga biglang bumaba ang technorati ko. Napansin ko ito dun sa mga nagpapabayad din sa paglalathala ng ka pepe. Biglang binabawasan ang mga technorati ranks.

Dito na talaga ako nabuwisit. Sa akin kasi pakiramdam ko Si ka pepe na ang nagdidikta ng nilalaman ng blog ko. Parang wala na akong kalayaan para piliin kung ano gusto ko pagkakasunod sunod ng aking lathala. Dito ako talaga na-titirong. Gusto ko sanang murahin yung Victor na nasulat sa akin sa email kaya lang may kapangyarihan sila na hindi bayaran ang mga nagawa ko. Ano naman ako tanga? Papakapagod ako tapos di ko rin makikita pinaghirapan ko.

Kaya suma total pinalilipas ko lang lahat ng hinagpis ko dahil pag natapos na ito lahat, ipapa sekyu ko na si ka pepe sa blog na ito. Pansamantala lang ito dahil nangngailangan talaga ako dahil may plano ako na niluluto. Pero pag natupad ko na mga plano ko, asahan nyo lahat ng mga Ka pepe dito burado. Kaya mapapansin nyo na sa mga imahe ng bawat post ay walang nakalagay na numero ng entrada ayon sa pagkakasunod sunod sapagkat inihihiwalay ko ang ka pepe. Para burahin ko man sila pag nagsawa na ako at di makatiis ay di maaapektuhan ang bilang ng mga tunay na entrada ko. Hindi ko rin itinuturing na entrada yang mga alipores ni “Tolits at Lumen” dahil sa totoo lang sapilitan at hindi ko talaga gusto mga pinagssusulat ko. Maari sabihin nyo sa akin na di ako magaling na blogger dahil di ko maiakma sa blog ko ang mga ka pepe na iyan. Marahil nga, sapagkat kung ang ibobloig ko naman ay tungkol sa mga pampatigas ng ari, mga sugalan sa internet at mga gamot na ipinagbabawal ng batas ay wag na lang. di baleng di na ako kumita. Di ko rin makaya na gumawa pa ng isang blog spagkat wala ako naiisip ilagay. Nadito ang buhay blogger ko. Dito ako nagsimula at dito rin ako magwawakas. Naririto lahat laman ng puso ko at mga ideya ko kaya hindi ko kayang gumawa at ihiwalay pa ang para kay Ka Pepe. Isa pa sa dami ng pinagkaka-abalahan ko di ko na kaya magpalago pa ng isang blog pa uli. Siguro sa mga susunod na buwan pero di sa ngayon.

Biruin nyo nakakatangap ako ng mga offer na worth 30-50 dolyares para lang iblog ko ang mga sugalan at pampatigas, pero di ko ito kinukuha sapagkat talagang suklam na suklam ako. Kung maaari nga ihack ko si Pepeng Agimat para lang matigil ang mga katarantaduhang pinagagawa sa akin.

Kumuha lang ako ng bato na ipinukpok ko sa ulo ko at sa totoo lang masakit sya talaga sa kukote.

Di ko pa alam kung kelan ako titigil at kung kelan to magtatagal pero isa lang sasabihin ko, ginagamit nila blog ko, gagamitin ko ng lubusan din sila. Sa halagang 5 dolyar me nagpapablog ng tatlong daang salita. Tingnan nyo kung gaano kagarapal mga hinayupak. Sige lang, kaya ko pa, pero hinding hindi ko talaga pagagandahin ang sulat ko sapagkat naniniwala ako na ang sulat ko ay pang-libre lang talaga. Yung iba nasisiyahan sa ganitong sistema pero ako hindi. Kaya pansamantala, pagpasensyahan nyo po ang OTWOMD kung may mga patalastas dito, wag nyo lang basahin kungdi nyo gusto, ang sa akin lang ay tingnan nyo pag ang entrada ko ay nakalagay sa kaunaunahan sapagkat isa itong paraan para ipaalam sa mambabasa na di ito bayad. Yun lang at sana nauunawaan nyo ako. Kung pwede lang ba na magsayaw ako ng hubot hubad sa internet bakit ba hindi wag lang dito sa blog na ito. Pero dahil sa ako naman ay normal at walang sayad ang utak ay hinding hindi ko yun gagawin.

Medyo ma-alwan na pakiramdam ko ngayon at nakapaglabas na ako ng mga hinagpis. Napakahirap ng pakiramdam na ikaw ay napipilitan. Kaya tuloy tinatamad na rin ako mag bloghop dahil naiisip ko na ang laman ng blog ko ay wala na rin naming kwenta hindi tulad ng dati. Hay naku talaga. Kung pwede lang hamunin si Pepeng Agimat ng panuntok, matagal na bugbog sarado sa akin yan.

Pero dahil sa nangangailangan talaga ako at malaking tulong ito sa aking pinaplano ay pikit mata ko na ginagawa. Ngayon ko mas lalo naintindihan pinagdadaanan ng mga taong kapit na sa patalim. Ayaw nila gawin pero kailangan upang matupad mga sarili nila pangarap.

Ang sa akin, nagrereklamo man ako ngayon, naiinis at nasusuklam man ako, pero pasasaan bat matutupad ko rin mga balakin ko. Kaya yang pera na malilikom ko dito, naku, itaga nyo sa bato, di ko ipang mo-mall of asia, o kaya wawaldasin sa Oceanarium o sa G-54 (babaehan dito sa amin) sapagkat dugo pawis at utak ginamit ko dito at ito’y di ko gagastusin sa walang kabuluhang bagay. Yang pera na kikitain ko ay palalaguin ko para mas makatulog ako sa iba at mabigyan naman yung iba ng kahit kaunting biyaya.

Ka Pepe, Namo! Yun lang!







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2005-2008 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License







Trackback URL

  1. 11 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By chuvaness on Mar 26, 2008 | Reply

    BWAHAHAHHAA

    Ganito yan, kunwari nasa corporate world ka… isipin mo may boss ka at yun si Ka Pepe…kaya kahit anong ipagawa sayong report or review or proposal….dapat lang na gawin mo noh dahil alipin ka! wala ng libre sa mundong ito! alam mo ang solusyon jan, gumawa ka ng isa pang blog…yung ang i-dedicate mo kay Ka Pepe para di ako nababanas sa mga rantings mo dito kase ako mahal na mahal ko si Ka Pepe!!!! Utang ko sa kanya ang pang laptop ko at pang HK ko this year!!!

    BWAHAHHAHAHAHHA

    chuvaness’s last blog post..To Dust You Shall Return

    [Reply]

    reyna elena reply on March 26th, 2008:

    agree! HAHAHA isa pang blog taz itapon mo dun lahat nang Ka Pepe! hahaha Wala naman talaga silang pekelam ki me mag-comment ki wala! hahaha

    reyna elena’s last blog post..My Unforgettable Semestral Break Stories

  4. MyAvatars 0.2
  5. By pusa on Mar 26, 2008 | Reply

    LOL ang haba ng litanya mo kapatid… pero i feel for you, hahahahaha hay nakow kaya nga ako tumigil na saka na pag kelangan ko na ng pera! charing!!!

    pusa’s last blog post..explode! spread the virus now na!

    [Reply]

  6. MyAvatars 0.2
  7. By Kotsengkuba on Mar 26, 2008 | Reply

    oist ka-rancho, kahit hindi ko talaga alam ang ibig sabihin ng “i feel you” i feel you talaga. hahaha!

    saludo ako sa’yo dahil sa kabila ng walang humpay na pakislap ng salapi sa harap ng bayagra ay hindi ka natuksong dakmain ang mga iyon. nahirapan din ako sa simula dahil yung kauna-unahang singkong duling na pinatulan ko :twisted:
    Kotsengkuba’s last blog post..Flores de Marso

    [Reply]

  8. MyAvatars 0.2
  9. By reyna elena on Mar 26, 2008 | Reply

    HAHAHA Grabe!!! HAHAHA! Pa-fire ka ni Ka Pepe! Di pa natatapos and pagiging casual mo! Pano ka mape-permanent nito? hahaha

    reyna elena’s last blog post..My Unforgettable Semestral Break Stories

    [Reply]

  10. MyAvatars 0.2
  11. By iRonnie on Mar 26, 2008 | Reply

    bwahaha! i feel you too panjeet. ako din hirap sa pagpapabayad. ang ginagawa ko na lang ay piliin ang mga paksa na kaya kong gawan ng paraan na mai-akma sa aking blog. gusto ko din kasi magka-camera. :mrgreen: kaso nitong mga huli ay parang wala akong inspirasyon magkukuha ng larawan kaya yung naipon ko ay ipinambili ko na lang ng sony psp. :twisted:
    iRonnie’s last blog post..A Soul Distressed

    [Reply]

  12. MyAvatars 0.2
  13. By bluepanjeet on Mar 26, 2008 | Reply

    hhaha maga kapatid mamaya ko sasagutin isa isa ang inyong mga komento, ako lang ay nagaayos ng blog at mali mali numero ng aking mga entrada gawa nyang si pepeng agimat. di ko na tuloy malaman kung nasan na ang 200th post ko. balik ako at may pesteng ka pepe na naman na nagapprove ng bid ko. Hmmppt! iinom na lang ako ng rugby para bangag. balik ako mga kapatid. pipilitin ko rin magbloghop kahit talgang wala ako sa kondisyones.

    (ka pepe, namo! namo! namo!) hmmpt!

    bluepanjeet’s last blog post..Recycling Plastics

    [Reply]

  14. MyAvatars 0.2
  15. By Ambo on Mar 26, 2008 | Reply

    Ganyan ako nung una kapatid. pakipot din ako hahahha. Pero hayun nasimulan ko sige lang sige! Habang may bukas arya ng arya! Pag me pambili na ng camera hala bura na ng bura hahahaha. Ganyan talaga ang buhay kapatid, gamitan! hahaha kaya saludo ako sayo at natuto ka na! Mabuhay si Don Bluep pautang nga! hahahahaha

    Ambo’s last blog post..My Friend Is A Cancer Victim : What Will I Do?

    [Reply]

    Kotsengkuba reply on March 26th, 2008:

    biruin mo yun ambo, dumaan ka pala sa pagiging pakipot. hahaha :evil:
    Kotsengkuba’s last blog post..PayPal Bank Codes in the Philippines

  16. MyAvatars 0.2
  17. By airwind on Mar 26, 2008 | Reply

    naku mainit po ata ang ulo niyo…. ok lang po yan .. ano man po yung balak nio alam ko naman na maganda yan .. aabangan ko yan.

    airwind’s last blog post..Im Home

    [Reply]

  18. MyAvatars 0.2
  19. By sasha on Mar 27, 2008 | Reply

    Truth is, the reasons why I don’t write for them anymore are the same reasons you just ranted about. Naku, nung mabwisit ako, goodbye! Besides, barya si Ka Pepe compared sa mga kinita ko sa ibang bosing dyan! Hahahah… Nung una nanghinayang ako. Pero nung kalaunan, mas enjoy ako sa iba kesa kay Ka Pepe. Sa iba walang agawang ganyan. Kapatid, ang reserve ni Ka Pepe ay di tunay na oras. Mabilisan talaga yan! Kaya kapag sinabing 100 words, sumulat ka ng 101 tapos submit! Hahahah

    Basta I don’t like Ka Pepe! And once maglagay ka ng Hire Me dyan… goodbye PR4 ka for sure! Kaya dedma! Hehehe

    sasha’s last blog post..QOTW Ed#4

    [Reply]

  20. MyAvatars 0.2
  21. By Tesya on Mar 27, 2008 | Reply

    hahahaha!! easy ka lang at baka makalbo ka :mrgreen: naalala mo sinabi ko s aiyo sa email na nadismaya ako sa itsura ng blogs ko dahil sa patalastas? ganuon talaga, sakripisyo yan para makuha natin ang gusto natin…pinasok kaya pangatawanan na!

    tiis na lang, at may camera ka ng pang Litratong Pinoy! (oh, libre patalastaa daw oh! :mrgreen: )

    Tesya’s last blog post..I don’t like me…right now

    [Reply]

  22. MyAvatars 0.2
  23. By Leap of Faith! on Mar 27, 2008 | Reply

    bluep, ramdam na ramdam ko ang galit mo. mahirap talagang kumita ng pera… walang libre, lahat may kapalit.

    pabayaan mo na ang importante ay alam mong may katapusan din ang pangaabuso sayo ni ka pepe… huwag kang mawalaan ng pagasa. kapag nakuha mo na ang gusto mo, ilaglag mo na sila! sorry, mukhang masama ang dating noon… pero alam mo na ang ibig kong sabihin.

    Leap of Faith!’s last blog post..Riyadh Update

    [Reply]

  1. 3 Trackback(s)

  2. Apr 1, 2008: Not Fooling Around -- I Set No Corner
  3. Apr 1, 2008: No Fooling Around -- I Set No Corner
  4. Jul 11, 2008: Inggit : OTWOMD | Bluepanjeet.Net

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word