RSS Feed for This PostCurrent Article

Malayang Isipan


ISANG NATATANGING PAGBABALIK-TANAW. PAGLILINANG, AT PAGBIBIGAY-PUGAY:
SAMPUNG PINAKA-KONTROBERSYAL NA LATHALA NG
NAGLALAKAD NA SALUNGAT

isang natatanging salaysay handog sa inyo ng
“Sa Pakpak Ng Aking Pangarap”

 

 

“Ang pinakasukatan ng isang tao ay hindi kung saan siya naninindigan sa mga sandali ng ginhawa at ka-alwanan, kungdi kung saan siya naninindigan sa mga oras ng pagsubok at kontrobersiya.”

(The ultimate measure of a man is not where he stands in moments of comfort and convenience, but where he stands at times of challenge and controversy.)

- Martin Luther King Jr.

Ang pagsulat at pagkatha ng isang lathalain ay hindi ma-alwan para sa isang taong hindi pamilyar sa pandaigdigang himpapawid. Kadalasan, ikaw ay nauubusan din ng mga nasa saloobin, mga muni-muni na iyong nais ipahiwatig at mga kuro-kurong minsan ay ikaw lamang ang nakakasalamin. Maraming nag-aakala na ang mga sinusulat ko dito sa aking talaang-himpapawid ay dala lamang ng aking mga damdamin at mga hinagpis sa isang lipunan na minsan ay binibigo ako sa aking mga inaasahan.

Ngunit, sa balintataw ng isang nilikhang may malayang isipan, ang bawat obra (sa aking palagay) na aking isinasalathala ay bunga ng isang malayang isipan na kahit kailanman ay hindi nasikil ng kahit anong pananakot at pagkabahala sa mga taongaking nasasagasaan, na minsan ay wala sa aking hangarin.

Tulad ng aking pasusulat ng lathalang ito, maraming nagaakala na ako ay walang puwang sa mundo ng pagka-makabayan. Marahil, dala na rin sa wikang banyaga na aking kalimitang ginagamit para lamang mabasa ng lahat ng mamamayan sa daigdig ang bawat talata ng aking isipan.

Ang lathalang ito ay minsan lamang. Sa kasaysayan ng “Sa Pakpak Ng Aking Pangarap”, ito ay kauna-unahang beses kong gagawin. Ngayon ko susubukan kung hanggang saan ang hangganan ng aking kakayanan na maipahiwatig ang bawat nararamdaman at nasasa-isipan ng walang bahid na kahit anong salitang banyaga, maliban lamang sa mga salitang kolonyal na walang tumpak na kahulugan sa wikang tagalog.

Marami sa aking ipinasa na mga sulating-pasa (meme), ngunit hayaan nyo munang isakatuparan ko ang matagal ko ng ninanais na magsulat, gamit ang wikang aking kinamulatan at inibig simula pa ng ako’y nilikha. Nagpapasalamat ako kay Reyna Elena sa pagtatalaga sa akin ng sulating-pasa na ito, na nagbigay sakin ng daan upang aking maipahiwatig ang malalim na kahulugan sa akin ng salitang “Malayang Isipan” sa mundo na aking ginagalawan sa kasalukuyan.

Sabi ng karamihan, ang paglilinang ng iyong kakayahan ay hindi namumutawi lamang sa kung anong meron ka ngayon, kungdi sa pagbalagtas mo sa mga hangganan na iyong kinatatakutan at para sa iyo ay hindi-pangkaraniwan. Samakatuwid, ang paglago ng isang nilalang ay naayon sa kanyang pag-lilinang ng mga bagay na kung saan siya ay payak at mahina. Masasabi ko na ang wikang tagalog ang isa sa aking kahinaan. Kung si Binibining Chuvaness ay dumurugo ang ilong sa pagsulat ng wikang ingles, ako naman sa kabalintunaan ay binabalinguyngoy at nagdurugo ang ngala-ngala sa pag-gamit ng Wikang Tagalog.
Sa mga naglipas na panahon, ang “Sa Pakpak Ng Aking Mga Pangarap” ay naglathala ng mga sanaysay, talaang-araw at mga muni-muni sa mga bagay bagay na sa aking palagay ay dapat lamang bigyang ukol. Hindi ko inakala na sa aking pagsususulat at hangaring makapag-bigay ng kaunting mumo ng karunungan ay may mga mangilan-ngilang tao ang magugulat, at minsan ay mamumuhi sa akin.

Simulat simula pa, binitiwan ko na ang mga katagang “wala akong hangaring makilala at mamayani, o dili kaya’y maka-apak sa damdamin ng tao”. Kaya nga’t sa bawat lathala ko ay tinitiyak ko’ng wala ako’ng mababangit na pangalan o katauhan ng aking bawat na tinutukoy. Ni wala sa isipan ko ang tunay na katauhan ng mga taong aking nababangit.

Sa bawat araw na nagdadaan sa aking buhay blagista, ay marami akong karanasan, na sa palagay ko lamang ay may karapatan ako’ng isa-himpapawid dahil sa payak na katotohanang lahat tayo ay may karapatan na marinig.

Wala sa aking pangarap ang maging matigas sa lahat ng opinion. Lahat ng kuro kuro ng tao ay aking nirerespeto at aking tinatanggap. Ngunit kadalasan, sa aking pagbibigay daan, ako ay napag-iisipang may sariling opinyon na walang sinumang makaka-balinto. Ito ay isang haka-haka lamang sapagkat ang bawat kataga ng aking mga sinusulat ay kadalasang nagmumula sa mga karapatang nakikita kong binabaluktot ng kayabangan at kataasan.

Ang tao ay sadyang may Malayang Isipan. walang sinuman ang may karapatan na salungatin ang bawat paniniwala ng isa, sapagkat sya ay malayang makapag-iisip. Ngunit sa bawat pag-kakaiba ng kuro-kuro, ay may karapatan din ang bawat tao na marinig ng lipunan ang kanyang tinig: maliit, payak at mahina, ngunit pinapalakas ng mga taong walang lakas at tapang na ipahiwatig ang katulad na saloobin ng talaang himpapawid, ngunit ninanais na marinig ang kanilang mga hinaing.

Inyong matutunghayan ngayon ay sampu sa mga pinaka-kontrobersyal na lathala na aking isina-himpapawid, ang dahilan ng aking pagsulat nito, at ang mga kwento sa likod ng mga lathala.

Hindi ko inakala na araw araw ay aabangan ang aking mga sinusulat upang masilayan kung ano ang susunod na kontrobersiya na aking susuungin. Ngunit ang katotohanan, ay wala akong motibo na maging kontrobersyal. Marahil hindi nyo nababasa o makikita sa mga komentaryo ang maa-anghang na pahiwatig ng ilan ukol sa aking mga sinusulat, sapagkat kadalasan, ito ay dinadaan nila sa sarili nilang talaang-himpapawid o di kaya ay sa kanilang mga lihimang-himpapawid na kanilang ipinapadala sa akin.

Kung hindi nyo pa nababasa ang sampung ito, ay mainam siguro na inyong halukayin ang mga lathalaing nasa aking nakatabing-lathala upang mabigyang linaw at kahulugan ng aking bawat sasabihin sa natatanging lathalang ito.

 

10

10. POLITIKANG PILIPINO: ISTAYL NG PIYESTA NG PELIKULANG PILIPINO SA KAMAYNILAAN SA TAONG 2006 - Ito marahil ang kauna-unahang kong isinulat para sa isang pamaskong lathala. Bunga marahil ng aking pagkagalit sa napipintong pagbabago ng konstitusyon noon taon ng 2006 kaya aking isinulat ang mga satiriko ukol sa mga politikong walang kupas kung mamulitika kahit panahon ng kapaskuhan.

Madami ang nakapagbasa nito sa aking dating talaang-himpapawid ngunit ang nakapagtataka, wala ni isa sa kanila ang nagkomento. Marahil ay takot mapagbintangan o mapagdiskitahan ng Gobyerno na noon ay namumuro ng mga pilipinong aktibista, at bigla na lang nawawala sa di malamang kadahilanan.

Bilang isang masayahing tao, idinadaan ko lahat ng paksang politikal sa biro at katatawanan na minsan ay nakakpagpaligaya sa aking mga mambabasa. Marami akong natanggap na pribadong mensahe sa aking lihimang-himpapawid ukol sa paksang ito.

Ito rin ang satiriko na aking ini-hinungod sa isang pahayagan. Ngunit dahil sa madaming sumusulat noon ay hindi na ito nailathala marahilay may mas may makabuluhang pang sananysay kesa dito.

Inihalintulad ko ang mga pelikulang lumalaban noon sa Piyesta ng Pelikulang Pilipino sa mga kaganapan noong huling mga araw ng 2006. Hindi ko alam ngunit ako mismo ay nagulantang ng natapos ko ang lathala na ito sapagkat halos lahat ng mga pangyayaring politikal noon ay may hawig sa titulo o takbo ng istorya ng mga Pelikulang kasali sa nasabing patimpalak.

 

9

9. SAMPUNG PAMASKONG REGALO SA SAMPUNG POLITIKONG KURIMAW NG PASKO - Ito ang aking sumunod na isinulat noong bisperas ng kapaskuhan. Mag-isa ako noon sa aming tahanan at walang kasama sapagkat ang aking mga magulang ay nasa ibayong dagat. Wala akong dekorasyon ng pasko, at kahit Noche Buena ay di ako naghanda sapagkat napakalungkot noon. Itong lathalang ito ang bunga ng aking mga lungkot ng mga panahon na iyon. Idinaaan ko sa katatawanan ang tila matamlay na pagdiriwang ko ng isa sa pinakamasayang panahon ng taon.

Marami din ang nakabasa nito sa aking lumang talaang-himpapawid ngunit tulad noong nauna kong isinulat, wala ni isa ang nagkomento, sa halip ay dinaan lahat ang kanilang pagkatuwa sa aking isinulat sa pamamagitan ng mga pribadong mensahe.

Ito ang marahil ang kaunaunahan pagkakataon na kung saan ay naisip kong umalis sa aking lumang talaang-himpapawid at humanap ng mas malawak na magbabasa ng aking mga isinusulat. Subalit takot, duda at panagamba ang namutawi sa akin noon kayat hindi ko agad ito naisakatuparan.

Bukod sa mga pribadong mensahe mula sa aking mga mambabasa, nakatanggap din ako ng mga pangungutyang-liham at mga komento panlilibak sa aking mga isinulat sapagkat nagkataong ang ilan pala sa kanila ay kamag-anak o taga-suporta ng mga nasabing pulitiko.

Noong panahon na iyon, ang aking friendster ay hindi nakasara at lahat ay maaring magbukas o magbasa ng aking mga sinusulat, kayat marahil marami ang nakabasa ng lathalang ito. Noon ko rin simulang napagtanto na ang bawat aking ilalathala ay dapat pala ay may kaakibat na paninindigan.

Ini-hinungod ko ito sa isa pang pahayagan at nakatanggap ako ng liham na sinasabing hindi nila maaaring mailathala ito sapagkat medyo may pagka sensitibo ang paksa at mapangahas ang mga salitang ginamit ko bilang satiriko. Ilang araw pagkatapo ng pasko, nabasa ko sa pahayagan ang isang kahawig ng aking sinulat. Hindi ito tumpak na tinulad ngunit ang paksa at mga taong aking mga nabanggit ay yaon din ang mga laman. Dito ako nagsimulang mawalan ng kumpiyansa sa mga pahayagang nanga-ngalap ng mga kontribusyong sanaysay.

Simula noon ay hindi ko na ini-hinungod ang aking mga sinusulat at nagpasya akong gumawa ng sariling lugar sa himpapawid kung saan ko maiilathala ang aking mga sinulat na may karapatang pagkilala sa may akda.

Isa ito sa pinaka-matapang kong pagsusulat na hanggang ngayon ay handa kong panindigan hanggang kamatayan.

Ng mabasa ito ng aking kamag-anak at naikuwento sa magulang ko sa ibayong dagat, nangamba sila sapagkat baka daw ako manganib ang buhay. Sa nakikita ko, mas mamarapatin ko na mabunutan ako ng hininga kesa itakwil ang sarili kong mga prinsipyo at adhikain na nagsusumigaw ng katarungan at hustisya sa lahat ng nangyayari sa aking kapaligiran.

Naniniwala ako na ang mga salitang naiilathala ay pang-habangbuhay at mas matalas pa sa magkabilang talim ng punyal. Ito ang aking paraan, ito ang aking isipan, ito ang aking nakasanayang pagtugon sa mga anomalya at kabuktutan sa lipunan.

 

8

8. LALIM NG BALAT - Nailathala ko ito matapos kong palitan ang pangunahing larawan ko sa friendster. Pinalitan ko ito ng isang mas batang larawan ni “Bughawin” (bluepanjeet).

Ako ay nagsubok ng dalawang buwan at aking inobserbahan ang asal ng mga taong tumitingin sa aking friendster. Dito ko napag-alaman na marami pa rin sa atin ang tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao.

Sa buong dalawang buwan ay nakatanggap ako ng ibat ibang pa-anyaya mula sa mga taong di ko kilala upang maging kaibigan nila. Marami din akong natanggap na mensahe na nagmumungkahi ng kung ano-anong kabalintunaan at kabastusan, mapababae o mapa-pusong babae.

Itong lathala na ito ang masasabi kong isa sa mga una kong pagtuya sa namamayaning kaugalian, gawi, asal at kaisipan ng lipunan.

Madami akong natanggap na mensahe mula sa sinulat kong ito at sa unang pagkakataon dumami rin ng bahagya ang mga nagkomento sa aking blag. Ang pagkakaroon ng higit na limang komento sa dati kong talaang-himpapawid ay masasabi kong isa nang tagumpay sapagkat wala talagang nagkokomento sa mga sinusulat ko kahit anong gawin kong pa-anyaya.

Ang lathalang ito rin ay sinulat ko alay sa aking iniirog na ipinabasa ko pa sa kanya. Ngunit ng mga panahong iyon, sila pa rin ng kanyang katipan kaya wala akong nagawa kungdi pawiin ang mga patungkol ko sa kanya sa huling bahagi ng lathalang ito. Marahil gusto kong ipahiwatig sa kanya noon na sa likod ng lalaking nagaantay sa kanya ay isang pusong kaya siyang gawing prinsesa at kailanman ay walang ibang hangad kungdi ang siya ay makasama sa habangbuhay.

Ang pagiging kontrobersyal ng sinulat kong ito ay hindi sa baitang ng mambabasa kungdi sa baitang ng aking naranasan sa babaeng inaasahan ko ay magbibigay sa akin ng kahit kaunting pagtingin.

Pinawi ko ang huling bahagi ng lathala hindi dahil sa ako ay nasaktan, kungdi bilang isang sagisag na siya ay akin nang pinauubaya at nangangako na magiging masaya sa kanyang kalagayan sa buhay.

Sa ngayon mahal ko parin siya ngunit maligaya ako basta’t maligaya lang siya, kahit sa piling ng iba.

Isinulat ko ito noong tatlong araw bago sumapit ang araw ng mga puso. Sa orihinal na lathala ay may larawan ng bulaklak na tulip sa ilalaim ng sanaysay na kasama sa mga salitang aking mga pinawi. Ang puting tulip na yaon ay ang kanyang paboritong bulaklak.

 

7

7. SI MIGUEL AT ANG DIYABLO (1/4) - Ang lathalang ito ay inukol ko para sa nalalapit na pagdiriwang ng kapiyestahan ni San Miguel Arkanghel na siyang aking Patron (Ipinanganak ako ng Linggo) at siyang rin na aking tinatawagan at hinihingian ng tulong tuwing lumalapit ang tukso.

Matagal ko ng hangarin na magsulat ng tungkol sa aking ispirituwal na karanasan, datapwat nagda-dalawang isip ako noon dahil baka kako hindi pa napapanahon. Kaya’t nang sumapit ang buwan ng setyembre ay akin ng sinimulang sulatin ang lathalaing ito, tatlong linggong pauna bago ang aktuwal na araw ng pagsasa-himpapawid.

Hindi madali sa akin ang pagsulat nito sapagkat ang nilalaman ng lathala na ito ay masyadong personal. Ngunit ang nakapagbigay lakas sa akin para ibahagi ang karanasan kong ito ay ang pagnanais na ipaalam sa tao, na totoong may mga nilikhang hindi nakikita ng ating mga mata, subalit malaki ang impluwensya sa bawat desisyong ating ginagawa sa ating pang-araw araw na buhay.

Bago ko ito isinulat ay alam ko na magagalit sa akin ang pwersa ng kadiliman sapagkat ayaw na ayaw nila na sila ay nalalaman ng tao. Ngunit ang katotohanan ay sila ay nakaksama natin.

Binansagan itong “babasahing katatakutan” ng aking mga mambabasa at karamihan sa kanila ay di nagkomento, bagkus nagpadala sa akin ng pribadong mensahe ukol dito.

Ang karanasan ko sa kamay ng pwersa ng kadiliman ay isang patotoo na si laya ay umiiral at ang lahat ay gagawin nila, huwag lang tayong bumalik sa Diyos.

Naging kontobersyal ito sa aking mga kaibigang seminarista sa loob at labas ng himpapawid sapagkat hindi nila lubos na inakala na may ganitong pangyayari sa aking buhay.

Ang lathalang ito ay halaw sa aking orihinal na talaarawan noong ako ay nasa seminaryo pa lamang. Akin itong hinanap at binasang muli upang maging tumpak ang bawat detalye na aking isusulat at upang malaman na din kung ano ang aking mga saloobin ng mga panahon na iyon.

 

6

6. KUDETANG WALANG HANGGAN - Isang oras matapos mangyari ang pagkubkob sa Manila Peninsula ay nag-ngitngit ako sa galit. Hindi ko maiwasang hindi isulat ang aking nararamdaman noon sapagkat tila wala ng katapusan ang kaguluhan sa ating bansa. Na-aawa ako sa kalagayan ng mga karaniwang tao sapagkat sila palagi ang nagagamit sa ganitong mga sitwasyon. Buti na lamang at walang nagpagamit, dahilan upang maging bigo ang kudeta na ito.

Naging kontrobersyal ito sa isang blag na lingid sa aking kaalaman ay isinulat pala ako ng patalikod. Hindi ko kilala ang may akda at may ari ng blag na iyon ngunit ako ay kanyang hinusgahan at kinutya dahil lamang sa basehan na ang aking kalimitang mga sinusulat ay pang-ispiritwal. Hindi daw nababagay sa isang tulad kong dating seminarista na maglabas ng galit sa aking blag.

Ngunit ako ay tao din na nagagalit at marunong pumalag kapag nakikita kong labis na ang kamalian ng tao sa paligid ko. Hindi ko pinatulan ang nasabing may akda sapagkat alam ko sa sarili ko na tulad ko, may karapatan din sya sa kanyang opinyon. Isa pang kadahilanan ay nabababawan ako sa kanyang mga sinabi, na wala akong nagawa kungdi mapangiti na lamang at magisip na kailangn ng taong ito ang atensyon ko. Marami ako noong mga bagay namas importante pang dapat asikasuhin kesa patulan ang walang katorya-toryang pangungutya.

Hindi ko sinabi sa aking mga kaibigan ang pangyayaring ito sapagkat ako ay nabababawan. Hindi dahil sa hindi ko sya ka-baitang o mas mataas ang aking katayuan sa kanya dito sa himpapawid, kundi sa kadahilanang iginagalang ko angkanyang karapatan na maipahiwatig ang kanyang opinyon ukol sa akin. Ayoko na ring palawigin pa ang muhi nya sa akin sapagkat noong panahon na yon ay abala rin ako sa pag-aaral ko sa aking nalalapit na pagsusulit.

Marami din sa aking mga mambabasa ang nagulat sa aking naging asal dahil sa pagkaka-alam ko, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglabas ako ng todong galit sa himpapawid. Hindi nila akalain na nagagalit din pala ako. Ngunit merong katotohanan na hindi ako bato, tuod o lumad na walang pakiramdam. Ako’y tao lamang na marunong din maglabas ng sama ng loob. Isang oras at kalahati ng makubkob ang Manila Peninsula, inilathala ko ang entradang ito.

 

5

5. MAGANDA ANG AKING BLAG, GAYUN DIN AKO - ALA-HOY!: UKOL LAHAT SA NARSISISMO SA BLAG - Itong lathala na ito ay isa ding maituturing na kontrobersiya sapagkat marami ang nagtatanong sa akin kung sino ang mga pinatutungkulan ko dito. Ngunit ang katotohanan ay wala talaga akong partikular na tao na tinutukoy. Kung meron man ay hindi ko sila pinangalanan o binigyang himatong sa tunay nilang pagkatao. Malimit ay pangkalahatan ang pagtukoy ko sa mga ganitong klase ng lathalain.

Ito ay aking naisulat halaw sa mga sariling karanasan ni Sasha at Beng na nakapagpa-ayon sa sarili kong mga karanasan dito sa himpapawid. Ang lathalang ito ay sinulat ko sa loob lamang ng dalawang oras. Isa ito sa aking pinakamabilis na pagsusulat para sa mga mahahabang sanaysay. Inihalintulad ko ang mga blagistang aking inilalarawan dito sa mga karakter ng griegong mitolohika, at mga pambatang pantasya.

Iniisip ko na maaring may mag-isip na sila ang pinatutungkulan ko dito ngunit lahat ng mga ganitong agam-agam ay mali. Maa-anghang man ang mga binitawan kong salita dito, ngunit akin pa rin isinasa-alang alang ang karapatan para sa kalihiman ng kanilang katauhan.

Nais kong linawin sa aking mga mambabasa na tuwinang may mga ganito akong lathalain ay hindi ko maaring isulat ang mga taong nilagay ko sa aking listahang pangkawil, hindi dahil sa meron akong kinikilingan o mga kaibigan ko sila, kungdi dahil sa hindi ako maglalagay ng isang tao sa aking listahang pangkawil kung siya ay ang isa sa mga karakter na aking nabangit sa lathalang ito.

Ang tangi kong kasalanan dito sa himpapawid na maaari ko sigurong aminin at ihingi sa inyo ng paumanhin ay ang aking pagiging pihikan sa aking mga babasahing blag. May mga sinusunod akong alituntunin, sukatan at pamantayan na ayon sa aking panlasa bago ko idagdag sa aking listahang pangkawil ang bawat blag na aking hinahangaan. Kayat kung halimbawa man na naramdaman nyo na kayo ang pinatutungkulan ko, marapat siguro muna ninyong siyasatin sa aking listahang pangkawil kung nandun pa ang pangalan nyo at kung wala na, ay saka kayo matakot.

Mahirap din ang magsulat ng ganito kakontrobersyal na lathalain sapagkat madalas ay nabibinggit ang may akda sa isang sitwasyon na hindi sila nagkakaintindihan ng kanyang mga mambabasa. Ngunit ang mga ganitong bagay ay hindi ko na hawak sapagkat nasa sa tao na kung paano niya palalawakin ang kanyang isip at pang-unawa. May mga kapakinabangan din naman ang pagsusulat ng ganitong mga lathala sapagkat nalalaman ng isang may akda kung sino ang sarado ang isipan at may pag-aalinlangan sa kanyang sarili.

Kontroberyal kong maituturing ang lathalang ito sapagkat dito ko nasukat kung hanggang saan maiintindihan at mapapalawak ng isang mambabasa ang kalayaan ng kanyang isipan. Ngunit kung sarado ito, nararapat lamang siguro na tayo ay magmuni-muni kung dapat ba tayong magdamdam sa isang lathala na walang pinatutungkulan at nais lamang ay bigyang linaw ang ibat ibang klase ng abnormal na sikolohika ng bawat tao. Isa ang lathala na ito sa aking pinakapaborito at pinaka-ayaw, marahil siguro ay sa iniisip kong kontrobersiya na maari ko na namang kasangkutan, marahil nga… marahil.

 

4

4. MALAHALIMAW - Ito ang kauna-unahang kontrobersiya na aking kinasangkutan mula ng lumabas ako sa aking lumang blag. Noong una ay kasali ako sa isang grupo ng panlipunang ugnayan para sa mga blag na kung saan ay makakapag bigay kaalaman ka sa iyong mga mambabasa sa pamamagitan ng lihamang-himpapawid. Hindi ko lubos akalain na may aktwal pala na magbabasa ng aking blag galing sa grupo na yaon sapagkat nagsubok lamang ako kung mabisa ba ang makaakit ng mambabasa ang ganoong klase ng pamamaraan.

Sa madaling salita, maraming nagbasa sa lathala kong ito at yung iba ay sinulat pa ang paksa na ito sa kanilang mga blag kahit hindi ako direktang pinatatamaan sa kanilang mga salita. Sino naman ako para magisip na ako nga ang taong iyon? marahil oo, marahil hindi. di natin alam.

Ito rin ang naging daan sa akin upang magamit ko ang kakayanan na makipagdebate at makipagbahagi ng aking kuro-kuro na walang halong damdaming palaban sa mga nagkomento rito. Hindi ko sila hinusgahan bagkos aking nirespeto ang kanilang mga sinabi at napagtagumpayan ko naman ito. Nagkaroon ng isang purong intelektwal na pagpapalitan ng kuro kuro na walang halong galit o kutya.

Isa ito sa masasabi kong kontrobersyal na tagumpay ng aking paniniwala na maari kang makapagdebate na pinananatili mo ang layusin at paksa ng isang usapin, na dapat naman talagang isabuhay ng bawat blagistang nagbibigay ng kanyang opinyon. Napakasarap ng pagtatalo namin sa kadahilanang may natutuhan ako sa kanilang mga sinabi kahit pa hindi ako sumasang-ayon dito.

Isinulat ko ito sa kadahilanang may mga taong lumilikha ng obra upang manlibak lamang ng mga paniniwala ng iba, ngunit ang katotohanan ay nagtatago lamang sa likod ng sinasabi nilang sining. Mabigat sa loob ko ang pag-gawa ng mga larawan sa lathala na ito sapagkat di halos kinaya ng sikmura ko ang aking mga nasilayan.

 

3

3. BUDHI AT PANALANGIN - Marahil ay na-aalala nyo pa ang lumaganap na Viral Tags noon na kung saan ay may kakayanan ang isang blagista na palawagin ang kanyang kapangyarihang-dutong sa pamamagitan ng pag-gawa ng isang lathala na kung saan ay wala itong laman at katas maliban ang mga kawil ng mga blagistang ni hindi mo kilala.

Ako noon ay sumali dito sa kadahilanang akala ko ay makakabuti ito upang makakuha pa ng mas maraming kaibigan sa himpapawid. Dala na rin siguro ng aking kamangmangan noon sa blag kaya ako nahikayat na subukan kung ano ang kahihinatnan sa pagsali ko dito. Ngunit matapos ang tatlong araw ay napagtanto ko na ang lahat ay isang uri lamang ng paraan upang makalamang sa iba kong ka-blagista.

Itong opinyon kona ito ay matinding tinutulan ng iba at sumalungat sa aking mga sinabi. Ngunit tulad ng nabanggit ko sa taas, napagtagumpayan ko din ang paniniwala ko na pwedeng magdebate ang dalawang kampo na pinananatili ang respeto sa bawat isa. Masidhi ang pagtatalo sa baitang ng intelektwal at rason ngunit tulad din ng nabanggit ko, natuto ako sa kanilang mga sinabi at katunayan pa nga ay naging mga kaibigan ko sila.

Itong lathala na ito ang nagtulak sa akin sa himpapawid upang mawala ang pangamba ko sa aking sarili na makasakit ng tao o maka-apak ng kanilang karapatan sapagkat nakita ko na posible pala na mag karoon ng malayang palitan ng mga kuro-kuo ng walang bahid ng muhi o panlilibak.

 

2

2. SI IKARO, ANG PANGIT NA TIKLING AT ANG TIRIRIT - Ito ang masasabi ko na ikalawa sa aking listahan ng pinaka-kontrobersyal na lathala na aking isinulat. Dito ko nakita ang tunay na kulay ng mga taong nagsasabing sila ang makapangyarihan at sila lamang ang may karapatang mamayani sa himpapawid na ating ginagalawan. Isinulat ko ito sApagkat nakita ko na hindi na tama ang mga ganitong uri na panlilibak sa kapwa na masyadong naging personal. Ito rin ang lathala na nagbigay daan upang mahati ang mga pilipinong blagista sa dalawang pangunahing pangkat: Ang mga elitista at jologs.

Isa-isang naglabasan sa lungga nila ang mga halimaw ng kayabangan, waring ipinagkakalandakan nila na sila lamang ang anak ng Diyos at wala ng ibang may karapatan na angkinin ang katayuan na yaon. Hindi ko nagustuhan ang trato ng mga ito sa masasabi nating mga baguhan o di kilalang mga blagista sa himpapawid. Dito ako nagsimulang ilabas ang tunay na bangis ng aking kasanayan mula sa seminaryo at sa aking kinalakihang mundo. Ibinunyag ko dito ang bawat mali at baluktot na rason upang bigyang hustisya ang ginawa nilang panlilibak sa isang tao dahil lamang sa pag-kakaiba ng opinyon.

Kung dati rati ay inaasam ko na maging tulad nila sapagkat sila noon ay tiningala ko bilang mga modelo ng mga bagong blagista, ngunit matapos ang kontrobersya na ito, paumanhin, ngunit isa-isa ko silang isinuka sa aking sikmura. Hindi ko matanggap na kung sino pa ang mga taong nakapagtapos sa matatas at dekalidad na unibersidad ng pilipinas ay sya pang mga walang modo, walang ugali at mga walang pinag-aralan. Tunay na nakakasuklam ang ganitong mga nilalang na nagsusulat ng tungkol sa karapatan ng mamayan ngunit sa napakasimpleng pagkakaiba ng opinyonay di nila maisabuhay ang kanilang mga naisusulat.

Karamihan sa mga taong nasagasaan ko dito ay may mga pagiisip ng talangka na mas masakit pa’ng manipit kesa sa aktwal na hayop ng karagatan. Sila ang mga pader na gawa sa adobe. Mga naga-astang di mabubuwag ngunit sa katunayan ay mababaw ang isip.

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong ganito ang mentalidad. Na kapag nalaman nilang ikaw ay hindi taga-maynila at kung taga saan lang dito sa Pilipinas ay ituturing kang mga timawa. Sa aking karanasan dito, lalo kong napagtanto na mas may dangal pa kaming mga lumaki sa hirap, galing sa probinsya, di nakapag-aral sa mga tanyag na unibersidad, ngunit may angking isip na makapagpasya kung ano ang tama mula sa mali na natutunan namin sa aming mga magulang. Tunay ngang ang paaralan na iyong pinaggalingan ay isang palamuti lamang upang masabi ng tao na ikay edukado.

Mahaba at masalimuot ang pinagmulan ng lathala na ito. Isang patunay lamang kung gano kalakas ang kapangyarihan ng huwad na impluwensya. Dito natin masasabing nagtitipon-tipon ang mga nagrurunung-runungan na sa katunayan naman ay mga walang alam kungdi ako isulat ang kanilang kasuka-sukang mga sarili.

Isa din sa dahilan kung bakit ko isinulat ang lathala na ito ay dahil sa isang insidente na ang isang labing-isang taong gulang na bata na naglinang ng kanyang kakayahan tulong ang kanyang ama sa himpapawid at naging tanyag ay nilibak ng mga bastos at mga halang ang bituka na ito. Pati bata pinapatulan. Nakuha pang kausapin ang bata, tanungin na parang kriminal at saka nilibak sa kanilang mga blag pagkatalikod nito. Tunay nga pala’ng lahat ay gagawin nila makaungos lamang sa iba.

May katotohanan ang sinabi ni Hesus ukol sa parabula ng nitso: puting-puti sa labas ngunit sa loob ay uma-alingasaw ang kabulukan. Mga ipokrito kung maituturing.

Matapos kong ilathala ito ay nagsimula ng matyagan ng mga papansin ang aking mga galaw sa himpapawid. Ito na marahil ang nagbinyag sa akin bilang isa sa mga taong walang takot na sumalungat sa kanilang baluktot na paniniwala.

At bakit naman ako matatakot? Sila ang mangamba sapagkat nagmula at lumaki ako sa probinsya na tanyag sa pagiging walang takot at pinamumugaran ng mga rebelde. Hindi ito isang banta. Nagsasabi lamang ako ng katotohanan sapagkat kantiin mo na ang lahat, huwag lamang ang tubong Quezon, sapagkat kami, gaya ng pangulo na ipinangalan sa aming probinsya, ay naniniwala sa kalayaan ng isipan kahit sa dulo ng kanyang buhay.

Datapwat ako’y maingat sa aking mga binibitawang salita sapagkat isina-saalang alang ko rin naman ang damdamin nila bilang tao at karapatan na magpahayag, ngunit kailanman ay di ko babawiin ang aking mga binibitawang pahayag sapagkat ito ay kulang pa sa mga ginawa nilang pang-aapi sa mga taong walang kalaban laban dito sa himpapawid. Nakahanap sila ng taong sasalungat sa kanilang mga kabuktutan.

Totoo na wala akong personal na sama ng loob sa kanila sapagkat ni minsan ay hindi ko sila kinutya o nilibak dahil lamang sa kanilang kaanyuan o sa kanilang personal na buhay. Ang tanging inasusuklam ko ay ang kanilang mga gawi na sana’y naisip nila na nasasalamin ng mga ito ang tunay na kanilang pinagmulan: masahol pa sa mga kriminal sa likod ng malamig na rehas na bakal.

 

1

1. DESPERADANG KABABAWAN - Ang pinaka-kontrobersyal sa lahat ng aking mga nilathala. Ito na marahil ang pinakamatapang ko’ng pagsusulat laban sa mga mapanglibak na mga blagista ng lipunan. Ito ay halos karugtong ng ng lathalang “Ikaryo” sapagkat ang alitansa dalawang pangkat ay tila pinalaki pa ng isang pandaigdigang kontrobersiya, na lingid sa kaalaman ng iba ay nagbungadin ng kontrobersiya sa loob ng pandaigdigang himpapawid. It na marahil ang Kontobersiyang bunga ng isa pang Kontrobersiya.
Nagsimula ang lahat sa isang palabas na nilibak ang integridad ng edukasyon at propesyonalismo ng mga Doktor at Narses na nag-aral dito sa ating bansa.

Bilang isang Nars, at nagmula sa angkan na kung saan halos lahat ay may kaugnayan sa propesyong medikal at kasamahang-medikal, ako ay isa sa nakisimpatya sa sa protesta laban sa mapangahas na palutuntunan.

Noong una ay ipinangako kosa sarili ko na hindi ako susulat ng isang kontrobersiya na siguradong tatalakayin ng halos lahat ng blagista sa himpapawid sa kadahilanang nasasawa ang mambabasa na halos lahat ng kanilang puntahan ay ganito ang paksa.

Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa sa ibang blag ukol sa kanilang opinyon sa usaping ito. Malaya ang palitan ng kuro-kuro, may sang-ayon at may hindi sa ginagawang protesta ng mga Pilipinong narses at doktor sa Estados Unidos. Tama na sana na sila ay hindi sumasang-ayon ngunit ang pagtawanan ang nararamdaman ng mga napektuahn sa usaping ito ay ang nagudyok sa akin upang isulat ang lathalang ito. Naisip ko na masakit ang ginawang panlilibak ng isang palabas sa aming mga Pilipinong manggawa sa kalusugan, ngunit ang libakin ka ng sarili mongmga kababayan, dahil lamang sa hindi silakabilang doon atkaramihansa kanila ay may kaya sa buhay,ay sa pakiwariko ay isa na sa pinakamababang katayuan na posibleng iyukod ngisang nagsasabing siya ay makabayan.

Kinalap ko ang mga kuro kuroat aking inilathala ang aking paglilinaw sa ibang paniniwala ng tao ukol sa usapin at ukol sa mga na-apektuhan. Bilang isangnars, sa palagay koay mas may karapatan akongmagsalitasapagkat alam ko ang ligoy ng aking propesyon.

Ngunit hindi dito natapos ang usapin. lalo itong lumawak sa kadahilanang ang iba sa mga elitista ay nagsama-samang muli sa “Tiririt” upang libakin naman ang mga blagistang nanindigan sa kanilang paniniwala. Dito ko natikman ang pinaka HAYUP na pagtrato nila sa mga tao dahil lamang sa isang malayang pamamahayag ng damdamin. Atang nakaktawa, ito ay nangaling sa mga blagistang isinusulat ang tungkol sa diktadurya sa bansang burma. Nakakatawang isipin na mas hahangarin pa nilangmakisimpatya sa mga banyagang ni hindi manlang nila kilala, kesa sa kanilang mga sariling kababayan. At sinasambit nila ang mga katagang “mahal ko ang aking bayan”.

Nagsimula silang magtawag ng mga kakatwang pangalan sa mga taong nanindigan para sa usaping ito. Meron pa ngang isang blagista na “Karbon Copy” ni Pao Chavez ang nagsabing kami ay mga “Idiota”, “Tanga” at “Estupido”. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ang kanyang prinsipyo ay tunay na bulok sa mata ngkaraniwang tao. Marahil akmaang kanyang mga sinabi sa hanay ng kaniyang lipunan at kaibigang ginagalawan, ngunit sa mata ng simbahan at ng nakararaming propesyonal, ito ay isang pagpapakita ng taong walang alam sa salitang “Makatao”.

Dahil sa lathalang ito, ninakaw nila ang isa sa mga larawan ng blag na ito at kanilang pinagtawana sa isang panayamanan. Itinuro pa nila ito kung saan matatagpuan ito. Kayat mula ng ilathala ko ito napakadami ng mukha ang aking nakikita na dumadalaw sa aking nilathala. Dumating pa nga sa puntong nasusulasok ako sa mga pagmumukha ng mga ito. Makakayanan ko anglahat ng libak ngunit ang makita ang kanilang mga pagmumukha ay tila di ko masikmura sapagkat kilala ko ang sarili ko na baka di ako makatiis ay lumabas ang bangis na isang hayup na matagal ko nang pinaamo simula ng pumasok ako sa seminaryo. Walang ka-alam alam ang mga taong ito na ang aking mga pinagdaanan at katarantaduhang nagawa ko sa aking buhay ay marahilhindi pa nila nagagawa.

Naisip ko na gusto kong lumaban sapagkat napagtanto ko na kung ako na may malayang pagiisip at may lakas ng loob na ipahayag ang aking mga gustongsabihin aynagawa nila sa akin ito,paano pa kaya sa aking ibang mga kaibigang blagista na takot magsalita atwalang lakas ng loob upang harapin sila ng mukha sa mukha. Ang tanong ko, pano kung gawin nila ito sa isa sa akingmga kaibigang blagista na wala naman ibang hangarin kungdi ang marinig lang din angkanilang mumunting tinig.

Ngunit napakadaling ipakita sa ibang tao ang iyong pagka superyor sa pamamagitan ng pisikal na laks, datapwat sa likod nito ay may isa pang lakas na masusukat ang tunay na pagkalalaki. Ito ay ang pagiging maginoo.

Ako ay nagpahinga sa pagsulat ng dalawang linggo at isinarang pansamantala ang blag na ito sa kadahilanang nais kong magisip kung ano ang susunod kong gagawin na hakbang.

At tunay nga, mula sa kaibuturan ng aking pinag-aralan, asal at gawing pinamana sa akin ng aking mgamagulang at ang pagsasanay na ginugol ko sa seminaryo, namutawi sa akin ang pagiging maginoo. Hinayaan ko na lamang silang libakin ako hanggat gusto nila sapagkat nakita ko na ang pakikipaglaban ay dapat lamang iukol sa mga taong karapat dapat na kalabanin. Ako man ay di mayaman, ngunit masasabi ko na hindi ko hahayaan ang sarili ko na bumaba sa kanilang lebel na animo’y mga halimaw na nagtatago sa banga.

Sa dami ng gulo at basag-ulo na aking pinagdaanan sa aking kasaysayan, sinisigurado ko na ni isa sa kanila ay hindi karapat dapat sumalo ng aking suntok sapagkat ang dinadampian lamang ng aking mga kamao ay mga lalaking alam kung ano ang ibig sabihin ng tapang. Hindi ko hahangarin na makipag tagisan ng lakas sa mga nakikita kong matapang lamang sapagkat sila ay madami at nagliliwaliw sa sari-sarili nilang teritoryo.

Simula noon tuluyan nang nagkaroon ng lamat ang aking blag sa kani-kanilang mga blag at ito ay hindi ko kailanman maaring panghinayangan sapagkat ang oras ko ay laan lamang sa mga taong may tunay na malayang isipan at hind lang basta dikta ng kanilang lipunang ginagalawan. Naa-awa ako sapagkat bilang isang sikolohiko at sikayatrikong nars, sa likod ng kayabanga nakanilang taas noong pinagkakalandakan, ay isang malungkot na buhay na puno ng mga pamilyang hiwalay, pagkakawatak-watak at mga mapapait na karanasan nungkanilang mga kabataan na nagbubunga upang sila ay mag-astang hayop.

Ito ang mga kwento sa likod ng Kontrobersyang aking mga kinasangkutan. Akala ng karamihan ang pagsusulat ay basta basta lamang ngunit ang katunayan ay ganito: sa bawat iyong ilalathala ay may ka-akibat na responsibilidad at paninindigan na kaya mong ipagtangol kahit saan pa daaning paligsahan. Duruginman nila ang iyong pagkatao at lahat ng tungkol sayo, ngunit ang tanging kakampi mo lang ay ang iyong prinsipyo at kredibilidad na kahit kailangn at hindi nila maaring yurakin at tapakan.

 

sarngola

Ang tunay na kalayaan sa pakikisama ay hindi nakikita sa pagsang-ayon sa kuro-kuro ng iba, bagkus ay kung paano mo maipapahayag ng maayos sa kanila ang iyong pansariling saloobin na walang halong damdamin. Ang kaibigang’ walang ginawa kungdi ang sumangayon sa lahat ng iyong sinasabi ay isang pagpakita na siya’y isang tau-tauhan o di kaya ikaw mismo ang alipin ng kanyang isipan. Ang bahaghari ay nabubuo di lamang ng iisang kulay kungdi ng ibat ibang lilim ng kulay. Sa pagkat sa pagkakaiba ng isipan. Doon nabubuo ang tunay na pagsasamahan at pagkakaibigan sapagkat may malayang pagbabahaginan ng kaalaman.

Ako’y kailanman di naging miyembro o nabibilang sa alinmang grupong pang aktibista o binagtas ang lansangan para magprotesta. Walang ako nakikitang masama dito, marahil lamang ay huli ko na nakita ang aking lugar sa aktibismo. Ang aking aktibismo ay sa aking sariling kakayahan, bulong ng aking malayang isipan na aking inilalathala, hindi upang kumutya o magsamantala, kungdi magbigay daan sa alternatibong pagiisip na di kailanman takot sumalungat sa dikta ng lipunan at ng matataas na kayabangan. Ako man ay magisa, ngunit ang bawat kataga ng “Sa Pakpak Ng Aking Pangarap” ay kabuuan ng mga munting tinig na di naririnig ng mga taong dapat sana ay ay may responsibilidad na pakinggan ang hinaing ng maralita at na-aapi.

Kung ang iyong isipan ay nakatali lamang sa karamihan ng kuro-kuro ng lipunan, o di kaya’y nakagapos sa kabantugan ng mga nakapaligid sa iyo, ay daig mo pa ang tiririt na mababa ang lipad sa himpapawid, ng dikyang napa-padpad sa tabi ng dalampasigan at mga anay na nagtatago sa kailaliman ng lupa.

Sa pagkakaron ng isang kalayan sa sarili, hindi lamang karapatan sa pamamahayag ang kinakailangan, hinihingi rin nito na tayo ay Lumipad sing-taas ng Lawin, sumisid kasing lalim ng pawikan at magpataba ng lupa tulad ng mga uod, dahil kung hindi, kailanman, hindi magiging malaya ang iyong isipan. Buong buhay kang bilanggo ng iyong sarilng kamangmangan at kababawan.

Huwag matakot na baguhin ang sumpa ng kasaysayan. Liparin ang ulap, sisidin ang dagat, hukayin ang lupa at kumawala sa pagkakatali ng pisi upang malayang linangin ang himpapawid ng Malayang Isipan, baka sakaling naroroon…

“Ang pagkaduwag sa tawag ng moralidad na naghahadlang sa atin upang sabihin ang mga ating nasa sa isipan at saloobin ay kasing mapanganib sa bayang ito tulad ng isang salitang walang paninindigan. Ang tamang daan ay hindi laging tanyag at madali. Ang paninindigan sa isang karapatan kapag ito ay hindi tanyag ay isang tunay na pagsubok sa katauhan at moralidad.”

(Moral cowardice that keeps us from speaking our minds is as dangerous to this country as irresponsible talk. The right way is not always the popular and easy way. Standing for right when it is unpopular is a true test of moral character.)

- Margaret Chase Smith

 

 

border

Itong lathalang ito ay isang pagbibigay pugay sa mga blagistang pilipino na gumagamit ng wikang tagalog sa kanilang mga lathala, lalong lalo na sa aking mga kaibigang pinakahinahangaan sa larangang ito, si Melai, si Isagani sampu pa ng aming mga kasamahan sa WordPress Pinoys na buong tapang na sinusuong ang pagsubok ng buhay at itinatala ang kani-kanilang pananaw at karanasan sa sariling wika.

Bisitahin po natin at pagkapugayan ang mga blag na naglilinang ng ating pambansang wika. Sa Panahon natin ngayon na masyado na tayong nahahawahan ng kultura ng kanluran, marahil kayo ay sasang-ayon sa akin na ang mga blagistang ito ang siyang bagong bayani ng ating Wikang Pilipino.

Ito po si bughawin, nagbibigay pugay sa lahat ng mga blagistang nagtatagalog at mga buhay na halimbawa ng Malayang Isipan! Saludo po ako sa inyo!

Mabuhay ang Wikang Pilipino! Mabuhay ang Malayang Isipan!

border

 

 

border

border

_____________________________________________________________________________

  • Ang mga larawan para sa lathalaing ito ay mga hiram mula sa ilan sa mga magagaling na baguhang pilipinong litratista ng bansa.
  • Ang mga titik nanakasulat sa ibabaw ng larawan ay ang katutubong titik na “Alibata” o “Baybayin” na bumubuo ng isang salita na ang ibig sabihin ay “Lathala”. Ginamit ito ng may akda upang ipahiwatig ang kanyang pagka-hanga sa wikang tagalog na isinilang pa mula sa mga probinsya ng Timog Katagalugan (Batangas, Laguna, Cavite, Rizal at Tayabas na ngayon ay tinatawag nating Quezon).
  • Ang awit na inyong napapakinggan ay may pamagat na “Naroon”, na inawit ni Dong Abaya ng bandang Yano na siya ring may akda ng titik at himig nito. Ito ay pinasikat noong dekada nobenta at siyang naging insipirasyon ng may akda at ng kanyang mga kaibigan noong siya ay nasa mataas na baitang pa lamang upang kumawala sa dikta ng isipan ng lipunan: Isang Naglalakad Na Salungat (Walking Contradiction).
  • Si Dong Abaya ay isang Pilipinong Mang-aawit na nagmula sa Unibersidad ng Pilipinas at kilala sa industriya ng musikang pilipino bilang isang magaling na kompositor at makata.
  • Ang salitang “Yano” na ginamit ng banda bilang kanilang pangalan ay nagmula at tubong Quezon na ang kahulugan ay sobra o labis. (hal: yanong bait = Sobrang bait).
  • Si Jefferson “Epoy” Desembrana ay kaibigan at kaklase simula pa ng elementarya ng barkadang Visionaries (Bisyo-Naris) na kinabibilangan ng may akda, . Isa si Epoy sa pinakamatalino sa klase at may pinakamalayang isipan sa kanilang barkadahan na syang nakapagbigay impluwensya sa may akda. Si Epoy ay namatay sa sakit na Cancer noong 2001, isang buwan matapos lumabas ang may akda sa seminaryo at hindi na nya ito nanaabutan ng buhay sapagkat huli na ito ng kanyang mabalitaan. Nasilayan na lang nya si Epoy noong mismong lamay na nya. Noong si Epoy ay inililibing, ang mga awitin ng mga Pilipinong Banda (kasama ang awiting nabanggit sa taas) ang syang tinutugtog habang tinatahak ng karwahe ang daan patungong himlayan ng mga namatay. Ito ay isa sa kahilingan ni Epoy bago siya malagutan ng hininga.

Glosaryong Tistis (Operative Definition of Words):

  • baitang ng intelektwal - intellectual level
  • balagtasin - to pass by
  • blag - blog
  • blagista - blogger
  • himatong - clue / hint
  • inihinungod - submit
  • kalihiman - confidentiality
  • kapangyarihang-dutong - technorati authority
  • kawil - link
  • lihamang-himpapawid - email
  • listahang pangkawil - blogroll
  • maalwan - madali / easy
  • nagulantang -surprised
  • nakatabing-lathala - archives
  • nangangalap - soliciting / to gather
  • napagtanto - realized
  • pandaigdigang himpapawid - blogosphere / world wide web
  • pangungutyang-liham - hate mail
  • panlipunang ugnayan - social network
  • patimpalak - contest
  • pauna - in advance
  • sanaysay - essay / post / article
  • sulating-pasa - meme / tags
  • talaang-araw - journal
  • talaang-himpapawid - blog
  • talaarawan - diary

 

 

signature3







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2005-2008 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License









Trackback URL

  1. 15 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By ambo on Jan 24, 2008 | Reply

    Kapatid napahanga mo ako sa panulat mong ito. Kung nuon dati labas masok lang ako sa dito at malayang nagbabasa ng mga sinusulat mo. Ngayon lalo mo akong pinahanga sa katapangan ng iyong loob. Tunay kang ehemplo bilang isang blogista at isang taong may paninindigan at prinsipyo. Wag kang mag-alala kapatid, wala kang sinagasaan sa mga sinulat mo. Nasa demokratikong bansa tayo, malaya tayong makakapagsulat at ilabas ang tunay nating mga damdamin para ipahayag sa buong mundo. Andito lang kami kapatid handang sumuporta sayo.

    Teka, simula ba ito ng pangangampanya mo at tatakbo ka na bang senador ng bansa natin? :mrgreen:

    Keep it up Brother! Saludo ako sayo!

    ambo’s last blog post..Happy Slip is in Manila!

    [Reply]

  4. MyAvatars 0.2
  5. By chuvaness on Jan 24, 2008 | Reply

    “I’d prefer reading in my native language, because my knowledge of your languange is not so well. But it was interesting!”

    HAHAHA!!!

    nosebleed! nosebleeeeeeeeeeddd!! nooooooooosssseeeeeeeebbbblllleeeeeeeeeeeddd!!

    chuvaness’s last blog post..TAG: 7 weird facts about me

    [Reply]

  6. MyAvatars 0.2
  7. By mogLi on Jan 25, 2008 | Reply

    Napakahusay na lathalain Ka BPJ! Malinaw mong nailahad ang iyong mga paniniwala at hangarin sa bawat sulatin. Dangan nga lamang at kapos ako sa panahon upang basahing isa-isa yaong mga tinuran. Sinilip ko ang ilan at ako’y nabighani sa talas ng iyong panitik. Ipagpatuloy ang pagiging kritikal. Huwag alalahanin kung mayroong nasasagasaan habang binabaybay ang pinagtutuunang landas.
    Ang daigdig sa kasalukuyan ay daigdig ng pagtutuos ng napakaraming uri ng kaisipan. Kung kaya’t hindi maiiwasan ang magkaroon ng katunggali. Ganunpaman, itong tunggalian ng mga kaisipan ang patuloy na nagtutulak upang umusad ang sangkatauhan palapit sa lubos na katotohanan. At katulad ng lahat ng temperamental na bagay-bagay, panahon ang huhusga kung alin ang maiiwan. Ipagpatuloy ang pag-katha at binabati kita sa sulating ito!

    [Reply]

  8. MyAvatars 0.2
  9. By Blogoloco - Win $250 on Jan 25, 2008 | Reply

    Pwede kang maging isang propesyonal na manunulat. Ipagpatuloy mo brother.

    Blogoloco - Win $250’s last blog post..PinoyUnited Online Raffle Promo - Win as much as $250

    [Reply]

  10. MyAvatars 0.2
  11. By joy on Jan 25, 2008 | Reply

    I see why your blog is so popular - because you freely and passionately speak about things close to your heart and those you deem important. You remain true to yourself and that is why you are well loved.

    joy
    A Pinay In England
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo

    joy’s last blog post..Gratitude Thursday

    [Reply]

  12. MyAvatars 0.2
  13. By chuvaness on Jan 25, 2008 | Reply

    Linggo ng Wika ba?

    Hahaha :grin:

    natawa ako kay PAO CHAVEZ kilala ko yan!!! ahahaha

    chuvaness’s last blog post..TAG: 7 weird facts about me

    [Reply]

  14. MyAvatars 0.2
  15. By ambo on Jan 25, 2008 | Reply

    Malen ang kulit *lol *rofl :lol: Pakiramdam ko Agosto na! at pakiwari ko’y nanumbalik ako sa panahon ng pagpupunit ng cedula at mga guwarya sibil!

    ambo’s last blog post..Happy Slip is in Manila!

    [Reply]

  16. MyAvatars 0.2
  17. By manilenya on Jan 25, 2008 | Reply

    kapatid na panjet,

    nakagugulat hindi nakakagulat. Isa yan sa ginawang pagtama sa aking Filipino ni ka-close na Isagani.

    susme dito nagdugo ang uhog ko..este ilong ko pramis kasi…sa totoo lang hindi ko kaya ang ganitong pananagalog. wala akong ginawang entry na ganito kalalim yung mga salitang ginamit.

    Tagalog ngang masasabi ang manilenya pero karamihan naman doon e mga salitang hinabi lang..gawa-gawa ng “sabi nilang” malikhain daw sa pagsusulat o pagbablag gamit ang lengwaheng Filipino. Kung mapapansin mo ang “lengwahe” ay hindi naman Tagalog, pero sa pag-usbong ng “Filipino” naging pasable (isa na namang salitang dayuhan na ginawang tagalog)

    Kung ating susuriin…..hehehehe mabaliw-baliw ako lol!! ano nakainnnnnnnnnnnn mooooooooooooo???

    Touched ako at special mention ang pangalan ko….ah lab u kapatid na panjeeeeeeeeeeeeeeeettttttttttttt!!!!

    Maraming Salamat! Mabuhay ka at ang Filipino!

    manilenya’s last blog post..Dream Dream Dream

    [Reply]

  18. MyAvatars 0.2
  19. By malen on Jan 25, 2008 | Reply

    hoy TAGALUGIN MO ANG VIRAL TAGS

    malen’s last blog post..TAG: 7 weird facts about me

    [Reply]

  20. MyAvatars 0.2
  21. By rino on Jan 25, 2008 | Reply

    Ang dami ko ng utang sa iyo. Anyway, unang una salamat sa comment mo sa unang entry ko for the year. Talaga namang hinugot mo sa kaibuturan ng iyong kaluluwa at kamalayan ang mga katagang ginamit mo.
    Pero itong sinulat mong ito ang pinakamatapang sa lahat, hindi lang bilang isang pagsubok na isulong ang wikang Filipino kundi pati na rin sa kanyang nilalaman. Dito ko lang medyo naunawaan kung ano yung issues na nagtulak sa iyo upang iwanan sandali ang pagbablag. Tama nga ang tinuran mo na hindi lang sa pisikal na pamamaraan maipakikita ang katapangan. Tama nga na pinipili kung kanino makikipaglaban, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagiging karapatdapat ng katunggali sa labanan. Hindi nga lahat ng lumalaban ay patas at ayon sa alituntunin at dapat sugurin ng walang pakundangan.
    Mahalagang maunawaan nga nating lahat na sa malayang pagpapaimbulog ng kaisipan ay may kaakibat ding responsibilidad. At dito marami at hitik ang iyong mga sinulat. Ang responsibilidad para sa mga isinusulat ay hindi lamang nagsisimula at natatapos sa panulat din. Dapat itong nakatatak sa buhay at prinsipyo ng nagsusulat.
    Mabigat na tungkulin ang pagiging kritiko; isa iyan sa tungkulin ng isang alagad Kristiyano. Ang isang kritiko ay bukas din sa kritisismo ng lahat ng pinupukulan ng kanyang kritisismo mismo. At kung may pagkukulang ang kritiko sa pamumuhay at prinsipyo, kulang din sa lakas at kredibilidad ang kanyang kritisismo. Dito ko nakikita ang lakas na iyong nais patunayan sa mundo ng mga blog. Mayroon kang nais iparating at ito ay nasusuportahan ng lakas ng iyong pananampalataya, na sa aking palagay ay sapat na upang maging karapatdapat kang bigyan ng pansin at puwang.
    Mabuhay ka kapatid!

    rino’s last blog post..January Critical Mass Ride

    [Reply]

  22. MyAvatars 0.2
  23. By ruthie on Jan 25, 2008 | Reply

    BLUEP naman eh!!!!

    Sa lalim ng tagalog mo, magnonosebleed ang free-translatorsonline.com sayo…hahaha!

    Sa salitang kanto naman! ASTIG!

    Pangarap ko: Mabasa ang isa sa mga entry mo na purong “curly” yung language. wagi yun! :)

    happy weekend! :)
    ruthie’s last blog post..in need of cash?

    [Reply]

  24. MyAvatars 0.2
  25. By ateEllen on Jan 26, 2008 | Reply

    medyo pinawisan ako sa pag absorb ng cnulat mo kapatid…may dugong manunulat ka talaga …malalim pero kayang arukin…makatotohanan pero may puso…hmmm saludo ako sau

    [Reply]

  26. MyAvatars 0.2
  27. By Beng on Jan 26, 2008 | Reply

    nag swell ang gamunggo kong utak dito sa sinulat mo BlueP. hanep talaga sa lalim.

    Beng’s last blog post..Some Words To Ponder

    [Reply]

  28. MyAvatars 0.2
  29. By joy on Jan 27, 2008 | Reply

    Hey, bluep! Maramin salamat sa pakikinig kanina sa Usapang Pinoy! Sa uulitin.

    Please visit A Pinay In England and read my post Getting Married (26 January 2008) and tell me what wedding gift you are getting for Reynz and Ambo.

    joy
    Your Love Coach
    The Goddess In You
    Norwich Daily Photo

    joy’s last blog post..Getting Married: Reynz and Ambo

    [Reply]

  30. MyAvatars 0.2
  31. By joanjoyce on Jan 27, 2008 | Reply

    parang na vertigo ako saglit ang hirap mapagtanto ng mga salitang namutawi sayong keyboard brader at salamat din dahil ngayon alam ko na ang ibig sabihin sa tagalog ng clue at link :razz:

    maligayang linggo din sayo bughawin :grin:

    [Reply]

  1. 2 Trackback(s)

  2. Apr 14, 2008: Too Hundreth | OTWOMD | Bluepanjeet.Net
  3. Jun 11, 2008: Ang Tunay na Kalayaan | OTWOMD | Bluepanjeet.Net

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word