Friday, July 25, 2014 1:42 | OTWOMD is best viewed using Firefox or Google Chrome in 1024x768 screen resolution

Common Pinoy “Pamahiin” or supernatural beliefs during death and burial


Posted by on Tuesday, November 4, 2008, 18:49
This item was posted in Anatomy of the Soul, Faith, Hitlist, World Over and has 13 Comments so far.

11-pinoy-pamahiinLast week noong namatay ang Lola ko, naging abala ako sa pagtulong sa burol at lamay. Wala halos akong tulog dahil hali-halili kaming nagbabantay sa Chapel. Ako ang assigned sa mga technical side ng mga gadgets tulad ng lap top at mga component (opo, high tech po burol ng lola ko). Assign din ako sa liturgy, sa pagdadasal ng Rosaryo at sa pagpapraktis ng mga kakantahin sa misa ng libing ng Lola ko. Ito ang dahilan kung bakit halos tatlong linggo ata ako wala updates sa blog ko. Bahagya na ako makatulog. Pero sa loob ng mga araw na nabanggit ko, dito ko rin muli na-experience yung ibang pamahiin pag may patay. Ang pamilya kasi namin ay very religious sa side ng lola ko so hindi kami naniniwala masyado sa mga pamahiin. Although may mga sinusunod ang mother ko pati na mga uncle at aunts ko sa mga pamahiin, pero yung mga kakaiba at kakatawa ay di na nila sinusunod for practical reasons. Tinanong ko mga tiya at tiyo ko sa umpukan sa burol kung sino nagpasimula ng mga pamahiin na yan, ang sagot nila ay ay “matatandang bulaan” sabay tawa sila. Eto yung mga pamahiin na nalaman ko nung burol ng aking pinakamamahal na lola.

1. Huwag daw iiwanang magisa ang labi. Dapat daw at least may isa na nagbabantay o kaya may isa na hindi tulog.

2. Huwag patutuluin ang luha sa salamin ng kabaong. Kung iiyak daw ingatan wag matuluan ang kabaong.

3. Huwag magdadala ng anumang pagkain mula sa burol, mapa-candy o kape.

4. Pagmaglalagay ng Rosary sa kamay ng namatay, siguraduhin daw na ito ay pinatid. Kasi daw baka daw magsunod sunod ang patay sa pamilya.

5. Tatakluban ng anumang tela ang salamin ng bahay ng namatayan pag dito ito binurol para daw hindi magpakita ang namatay.

6. Kung sa bahay daw ibinurol ang patay bawal daw maglinis o magwalis. Dadamputin lang daw dapat ang mga dumi.

7. Bawal daw maligo ang mga namatayan.

8. Sa oras ng libing, hindi daw pwedeng ang mga immediate family ang magtatangal ng mga bulaklak at ribbon sa kabaong. Dapat daw ay ibang tao.

9. Yun daw tinaggal na mga ribbon na may pangalan at aspili, itatapon daw yoon at hindi dadalhin.

10. Bawal magsuot ng matitingkad na kulay sa loob ng isang taon. Dapat daw ay itim, puti at earth colors lang.

Hindi ko alam kung totoo ang mga pamahiin na ito o hindi. Kadalasan naman eh bunga na lang ito ng takot ng mga tao. Pero kung ikaw talaga ay naniniwala sa diyos at kung mamamatay ka na talaga eh walang anumang pamahiin ang maaring makahadlang sa kagustuhan ng Diyos. Yan ang dapat nating tandaan. Dahil kaya namatay si Kristo sa Krus ay para mapagwagiaan at magapi ang kamatayan. Siguro naman, kahit sinong tao na namatay, walang may gusto na ipahamak pa nila ang kanilang mga mahal sa buhay.




You May Have Missed Reading This...




Be the first to read! SUBSCRIBE to our email list

Read our Privacy Policy

13 Comments

  1. 5 November, 2008, 3:05

    Heart felt condolences bluep! God bless!

    libays last blog post..Trick or Treat

  2. daisy
    5 November, 2008, 8:19

    Condolence Bluep!

    kaya pala wala ka ng update sa blog kala ko nawalan na ako ng connection sa mga blogs mo hehehe.. kasi naman lagi ko binabasa ang mga blogs mo eh… Na-miss ko hehehe…

    God bless!

  3. 6 November, 2008, 4:48

    naalala ko tuloy ang pelikula ni Kris na Sukob.ü ginawa nilang horror pero ang tunay na dahilan daw kung bakit bawal ang sukob eh una, kapag dalawang kasal sa isang pamilya sa loob ng isang taon, masyadong magastos, at magkakaroon pa ng unwanted comparison. Yung sukob sa taon naman regarding patay at kasal, masama rin daw kasi di pa talagang natatapos magluksa ang pamilya, may kasiyahan na agad. pero infernes, takot na takot ako sa pelikula ni Kris na yun lalo na yung kamay sa ilalim ng mesa.

    hmmm… siguro ang ibig sabihin nito, bluep, baka may practical reasons din ang mga pamahiin.

    at langya, bluep, di matanggal sa isip ko yung picture ng moomoo! mapupuyat ako nito!aaarrggghh!!!!

    brotherutoys last blog post..All-Saint: Purely Pictures

  4. 3 December, 2009, 19:10

    maganda yung sinabi nang nag sulat nang pamahiin :!: :!: :!: :wink: 8) :mrgreen: :roll:

  5. 14 December, 2010, 21:53

    hala nakakatakot  8-O 8-O :roll: :cry: :!:

  6. maria deleon
    14 March, 2011, 13:50

    tama lahat ng pamahiin nayan..isa pang pamahiin, kung ang namatay ay sa bahay nakaburol kung araw ng libing wag na wag tatama ang kabaong sa pader or pintuan kapag linalabas ang patay..ibig sabihin magkakasunod ang mamatay sa pamilya o kamag anak.yan ang kasabihan ng matatanda.

  7. danica mayoni
    2 September, 2011, 18:26

    basta maniwala lang sa diyos :wink:

  8. Ana
    2 January, 2012, 15:38

    Ask ko lng po kung ung paglalagay ng rosary sa kamay ng yumao ay kailangan ng patirin o before ng libing n?plz answer me!!!!!!!!!!1

  9. 2 January, 2012, 15:53

    Hello Ana,

    It depends upon the family of the deceased. Usually bago ilagay sa libingan yung kabaong, binibigyan muna ng kaunting minuto sa sementeryo ang pamilya para makapagpaalam for the last time sa kanilang mahal sa buhay. Kadalasan dito ginagawa yung pagpapatid ng rosary, just before na iclose yung casket at ipasok sa nitso.

  10. angel
    4 October, 2012, 8:47

    e bakit nga po ba kaya bawal mapatakan ng luha ang patay po?ano po daw mangyayari?thank you po!

  11. Kenneth Casio
    24 July, 2013, 19:59

    Bawal magsuot ng matitingkad na kulay sa loob ng isang taon. Dapat daw ay itim, puti at earth colors lang.  
    This kind of pamahiin has a positive and negative side. Let’s talk first the positive side,avoid wearing bright colors in 1 year , para masabi ng tao ng patuloy ka pa din na nagluluksa sa isang taong pumanaw na. For the negative side naman, if you are wearing bright colors after the burial they might say na ang bilis mo naka move on sa taong pumanaw na. Lahat ng pamahiin ay nakadepende sa magiging interpretasyon ng bawat indibidwal , ito’y nasasaiyo lamang kung iyong paniniwalaan o di kaya’y ipagsasawalang bahala.

    Kenneth Casio, AB Poitical Science
    Contributor

  12. Okra
    17 March, 2014, 10:29

    Curious lang ako dun sa pamahiin number 1 na sinabi mo.  Kung nakatulog ang lahat ng tao sa lamay, anong mangyayari sa patay?  May kukuha ba nito at papalitan ng kahoy na kaimahe ng patay? San mapupunta ang bangkay at ano ang dapat gawin para mabawi ito kung sakali man.  Please enlighten me.  Thanks.

  13. answer
    28 March, 2014, 5:54

    bumulong po aq sa father after nya mismo mamatay na sana un taong nanloko skin sya ng bhala at sna tulungn nya ko na mkuha un perang pra skin, sa maayos na praan khit matgal ksi kaylngn ng pmilya nmin un at sna mwl n un spot sa bga ko pra makaalis aq at makapgtrabaho sa abroad. Nangyari nmn po nkpasa ko sa medical un pong isang ko binulong posible po kyang mangyari un sa taong nkasama ko sa negosyo ng 8 years at naging ka leavein ko rin na ipinagpalit aq sa dti schoolmate na syang nkikinabang sa lht ng pinaghirapan ko at maraming anak.

Leave a Reply