

Aray ko! sa taytol pa lang mukhang madami nang tatamaan sa post na to. Pero ang totoo nyan I really don’t go to friendster that often. Actually since my signing up on 2003 for my Friendster account, I haven’t really used it that often. Sometimes pag trip lang nag momodify ako ng profile ko dahil noon gusto ko talaga magkawebsite ng sarili. Eh dahil nga sa mangmang pa ako at hindi ko alam na pwede naman pala gawin yun sa blog eh yung friendster account ko ang pinagdidiskitahan ko. Nakalock naman ever since ang friendster ko kaya wala lang, kahit ano gawin kong racket sa profile ko eh ayos lang kasi ako lang naman at kaunti ng mga friends ko ang nakakakita. Pero nung 2005, nagsimula na ako mainis sa friendster dahil minsan ang hirap buksan, minsan pahirapan pa magupload ng pics kasi nga clogged ang system. Ang isa pa sa kinabuwisit ko sa Friendster na yan ay yung may nagbabasa ng blog mo pero di naman nagcocomment. Di mo tuloy alam kung pinagtatawanan ka na o nakikidalamhati sila sa sinusulat mo. At simula noon dumalang na ang pagpunta ko sa friendster. Pumupunta lang ako pag nakakareceive ako ng notification from it that I have a new comment, message o friend’s request.
Actually suplado ako sa friendster. Di ako basta basta nag a-add ng di ko naman kakilala. Kasi nga very private person ako. Ayoko na nakabuyangyang ang mga private details ko sa mga taong iaadd lang ako dahil sa gwapo ako sa pic ko (48 years ago haha) o di kaya naman eh naiintriga sa pangalan ko na “aRMY pOGi” sa profuile ko, na kadalasan ay nabibigo sila haha. Till now di makaalis alis sa 188 ang number ng friends ko at minsan pa nga nababawasan (dedma haha). Kung ako nga masusunod eh gusto ko sana kaunti lang ang friends ko dun dahil sa totoo lang halos 1/3 naman doon ay di ko pa namemeet ng personal.
Pero nito na lang, lalo ako naasar sa friendster. Kasi nga bukod sa sira at tinotopak ang profile ko, kadalasan error pa pag nagsesend ako ng message, nagpopost ako sa bulletin o di kaya naman ay nag aapprove ng mga friend’s request. Patimbanga ang tyambahan kung mag add ako ng friend’s kasi nga may topak ang friendster. Sira ang profile ko. kaya wala ako magawa kungdi antayin kung kelan maaayos ang friendster ko at iapprove ang halos 58 friend’s request na naka pending. Di ko naman makuhang idelete ang old account ko kasi may mga testimonies doon na very sentimental para sa akin. Pumupunta lang ako sa friendster ko pag may gusto akong ipabasa sa mga friends ko dito sa blog ko na pinopost ko minsan ang link sa bulletin.
Pero kaninang umaga humagalpak ako ng tawa kasi may nagforward sa akin sa email ko ng mensahe tungkol sa pagiging KSP sa friendster. Di ko tuloy maalis sa isipan ko yung mga taong tatamaan nito. Kaya minabuti ko na ipost ito. sayang din kasi na pang-in between sa Ka Pepe haha. Gusto ko lang klaruhin na di sa akin nag-galing ito at ni repost ko lang ito mula sa email na pinadala sa akin. Truth hurts pero sabi nga, acceptance is the first step to maturity. So kung isa ka sa mga ito, walang personalan, Ka Pepe lang haha.
“KSP KA BA SA FRIENDSTER?
Eto ang mga sintomas para malaman mo kung ikaw ba ay nagpapakita ng pagiging KSP sa frinedster:
Ang friendster ay ginawa para makipagusap at makipagugnayan sa mga kaibigang malalayo at matagal ng di nakikita, hindi para gawing lugar ng pagmamayabang at pangungulit sa iba. Dahil hindi naman lahat ng kaibigan mo ay kasing KSP mo!
One word is enough for a wise man. Gamitin ng tama ang bawat bagay ayon sa pagkalinang nito.
Ooops Bato Bato sa langit ang tamaan ay Pikon haha
THE AUTHOR: bluepanjeet is journeying in the secular world, blogging about his traversals in and out of the blogosphere which are often times accompanied by the moral lessons of life's humor and irony, the integration of the human and the Divine, his search for his proper place in the greater scheme of things and his never ending flight towards his aspirations, yearnings and goals on the wings of his dreams.
mixgloriosos last blog post..[Muntik] Paalam na sana pero malas ka?
oo na. passsoookkkkkk sa bannngaaaaaaaa!!!! kelangan kong magpa kunsulta sa doktor. hahahahahahhah
chuvanesss last blog post..Where To Buy Cheap Domains
hahahaha umamin hahaha
bluepanjeets last blog post..KSP ka ba sa Friendster?
haha may nagforward lang sa akin nito. malay ko ba kung tatamaan sila haha. Ang magreact nga daw ay Guilty. haha
bluepanjeets last blog post..KSP ka ba sa Friendster?
marami akong ganyan dati sa friendster kaya lang pinura ko na ang ilan sa kanila sa mundo ko….wahaha
pwede pong pa-kopya para sa ilang natitira….wahaha!
hehe..\”Wala kang umay sa pagsasagot ng survey sa bulletin kahit alam mo namang walang nagbabasa at walang pakielam ang tao sa mga gusto mo at mga sagot mo\”…pang patay kaya ito ng oras..at kadalasan naman ay may nakakapansin….
pasalamat ako sa Fs..ako ay dakilang istoker……haha
rios last blog post..Si boy, Si girl at ang balot
Bluep, naku mukhang maraming magre-react nga dito. “Add ka ng add ng kung sino sino kahit di mo kakilala masabi lang na madami kang friends” Hahaha! Ang daming ganyan.
Leap of Faith!s last blog post..HK Disney Pictures
ay naku. mag papapicture pa sana ako ng nakatingala, nasa bubong ang asawa ko hawak ang kamera, hintay na nga nya ako ngayon eh, habang nagbabasa nitong post. change of plans. ako na lang ang nasa bubong, picturan nya ako doon. hehehe.
kakahiya naman ng puro mukha ko na lang ang nasa friendster. magpapalit na lang ako ng puro paa.
aray aray aruy…natamaan ako dito ah. umuulan ng bato.
kung wala namang ksp ay sino ang mangangalantog sa friendster. makapag-simula na ngang gawin itong mga To Don’t list, makiisa sa mga KSP sa Friendster! Mabuhay kayo. Wag nyo lang po akong i-delete please.
*If you don’t repost this in 24 hours, you will lose a toenail*
Mahalias last blog post..He Watched Sarah Palin in Those Red Stilletos
ARAY KUH! hahaha! tinamaan ako! BWISIT! HAHAHA! ganyan ang gawain ko nung i was starting sa friendster tuloy walang makipagkebigan saken ayun chinugi ko tuloy account ko sa sobrang hiya hahaha
Ganun ba Reyns, kaya pla nde mo pa ako nia-add, tsugigable na pla yun?
Amors last blog post..Little Bowler
Anong kaguluhan na naman to Blue? hahaha, hayaan mo na lang – that’s what people do online, parang blogging din, we post photos, we do research for out posts, we leave comments, we click links – ganun na rin yun.
Sabi nga ni Malen, World Peace!
Teka, parang gusto kong ipost sa bulletin to ah! haha…
naku naiinis ako dun sa mga nag po-post ng sumpa at banta, akala mo kung ano tapos ganun lang mababasa mo, in fairness to me, di ko nmn pino-forward. Kung pwede ko nga lang burahin ginawa ko na.
Amors last blog post..Little Bowler
ayan, napa search tuloy ako sa Friendster at nakita ko si aRMY pOGi na taga Funky town Zimbabwe pala. O add mo ako ha! sapilitan yan!
Amors last blog post..Little Bowler
hahaha
by all means Kamoots. ako din minsan pag may topak ako delete delete lang ang katapat nila o kaya block block haha
bluepanjeets last blog post..Some people are just not that hungry for awards
hahaha Dra. Defensive ka ha haha. Siguro madalas ka magsagot ng survey ano haha. Honga minsan pag may matagal ka na hindi nakikita, igurgle mo lang makikita mo na sa friendster kung ano na sila ngayon
bluepanjeets last blog post..Some people are just not that hungry for awards
Biktima ako palagi nyang add add na ayn. Minsan nga nauumay na ako magtanong kung san kami nagkita eh haha
bluepanjeets last blog post..Some people are just not that hungry for awards
hehe palagi yan ang nababasa ko dun: if you repost this or dont repost that haha. Kaya pag may nagsend sa akin nyan, ginagawa ko send ko pabalik sa kanya 10x haha di biro. ganyan ako ka generous LOL
bluepanjeets last blog post..Some people are just not that hungry for awards
hahaha
Madame Reynz maglagay ka ng picture ni Vanessa Hudgens o kaya ni Cindy Crawford sa primary mo dadami ang friends mo haha
bluepanjeets last blog post..Some people are just not that hungry for awards
Hahaha, wala kuya K, ni post ko lang to galing sa email. sayang wala ako pang inbetween sa ka pepe haha. di saken galing yan LOl
bluepanjeets last blog post..Some people are just not that hungry for awards
ginagawa ko blinoblock ko LOL lalo na pag sos osbrang kulit LOL
bluepanjeets last blog post..Some people are just not that hungry for awards
haha Kapatid, di mo nabasa yung sinulat ko sa taas, ang sabi ko nasa 50+ ang pending na friends request ko kasi nga sira ang friendster ko, ayaw mag add kahit anong gawin ko, palagi error haha. Ayan dumagdag ka na sa mga maghihintay ng forever bago ako makapag add LOL
bluepanjeets last blog post..Some people are just not that hungry for awards
nabasa ko naman kung gano karami ang nasa ‘waiting list’ mo haha! kaya nga ako nakiki-sali sa mga naghihintay eh!
[...] Read the whole story —> [...]
wahahaha marami pala kami…
felmar fiel, svds last blog post..SIGLO, SIGLA, SAKSI
hi army! korek ka dyan sa blog mo, kainis nga minsan sa fs kasi daming ksp, heheeehe salamat naman at feeling ko di ako isa sa kanila…uyyy aminin….lalo na yung magpopost ng comment na may mga link na ewan…virus ata yun. haynaku.but thank you na din sa fs kasi dito tayo nagkita ulit. miss u na kapatid!
hi..1st tym q d2 sa blog u..
..nki2friendster lng aq sa friendster ng hubby q..nkakatawa tlga kc khit me edad ne eh nagniningning pa mga messages hehe..
..’yun nmang anak q nung gmawa ng friendster..gumawa din lahat ng mga kaklse nya ayun sila2 rin ng add haha buong klase andun sa mga friendster nilang lahat teacher n lng ang wala sa list hahaha!!!
[...] KSP Ka ba sa Friendster? – This entry irked some of my readers haha. Actually I was not pertaining to anyone. But I was [...]
[...] akong ayaw na gawi ng mga tao sa friendster. Obvious namn siguro kasi pinost ko pa dati yung isang natangap ko sa email about sa mga KSP sa friendster. Kaya ko lang di dinedelete ang friendster ko ay dahil nga sa mga “long lost and now [...]