

en·vy [énvee] (noun) wanting what somebody else has: a feeling of wanting somebody else’s success, good fortune, qualities, or possessions.
Simula ng ako ay ipinanganak di talaga ako marunong mainggit. Tinuruan kasi ako ng mga magulang ko na maging masaya kung ano meron ako. Kahit na yung iba ko kalaro noong bata pa ako may mga Transformers at Voltron na laruan, di talaga ako naiingit. Okay na sa akin ang laruan na gobots at GI Joe o kaya yung goma na laruan na lumalaki pag binabad sa tubig. Minsan nga sila pa naiingit dahil daw, bakit ako di naiingit samantalang sila naman ay inggit na ingit dahil nga daw di ako naiingit haha magulo ba? Pero ang punto ko lang pinakita kasi sa akin ng mga magulang ko na makuntento ako. Kaya naman sa dami ng dinaanan kong hirap sa buhay, kasama na dyan yung pag kaon ng pagkain ng baboy araw araw nung elementary ako sa mga kapitbahay at bulubundukin ng Quezon ay dinanas ko dahil tanggap ko noon sa sarili ko na mahirap lang kami. Minsan nga pahirapan pa ako sumama sa fieldtrip kasi, ang dahilan ng magulang ko wala kami pera. Kaya pag pasok sa skul, kahit ano pang-i-inggit sa akin ng mga kabarkada ko.. wa epek. Walang talab kung baga. At bakit naman kasi ako maiingit?
wafu naman ako nung bata pa ako (oo iclick mo para makita mo haha). Madami naman ako kebigan, kumikita naman ako sa blogging sa pamamagitan ni ka pepe, Nar-Es naman ako at rehistrado pa, may malilikot ako at mga wafung at wafang pamangkin, may astig na aso, may business at may bahay na tinitirhan. So ano pa ba naman ang hahanapin ko sa buhay para mainggit? Pero kanina di ko akalain na darating sa punto na mararamdaman ko ang inggit. Tipo bang biglang may dumating na Pingback saken galeng kay Kapatid na utoy habang nagkaka pepe ako. Sabi ko ano kaya yun. Madali ko syang tiningnan agad. At yun bumulagta nga sa akin ang latest entry ni utoy na ayaw ko makita haha. Bakit kanyo? eh kasi nga sa inggit! at bakit naman ako maiingit?
Aaminin ko sa inyo, pers time ko naranasan ang inggit, para akong si Daimos na naiingit kay Voltes V. kaya ayan gumawa ako ng sarili kong entrada LOL at May Sampung dahilan ako kung bakit ako nai-inggit!
1. Di ako nakarating sa Balangga, Bataan - Dapat kasi dalawa kami ni utoy na magkasama papunta bataan sa Ordinasyon ni Jhoen. Mahilig pa mandin ka ako umatend ng mga ordinasyones kesa sa mga kasal, kasali, at kasalo, Kaya nga lang di ba sabi ko sa previous post ko, may mga bagay na palagi dumadating kaya di ako nakakarating. At isa doon ay naoperahan ang ama ko sa katarata, dumating ang Tiya ko galing sa amerika upang makita ang unti-unti ng humihina kong lola at naospital din ang tiyuhin ko na may sakit sa atay. Naganap yan yung 2 araw bago kami umalis papunta Bataan ni Utoy.

2. Di ako naka chibog ng mga pagkaing luto ng mga taga bataan – hilig ko pa mandin ka lumamon. Kaya nung Pinipilit ako ni Pareng Vergel na sya ay 200lbs din, sabi ko sa sarili ko, buti nga ikaw di mo kailangan na iforklift para lang makatayo LOL

3. Di ko nakita ng Personal si Bishop Soc - Usapan na namin kasi ni Jhoen na ipapakilala nya ako kay Bishop Soc by hook o by Crook kasi naman si Bishop ang isa sa mga iniidolo ko na pari noong bata pa ako. I always read his book of homilies at yun ang isa sa nakapagsanay sa akin sa pulpito nung nasa seminaryo pa lang ako. Di tuloy ako nakapagpa picture at autograph.

4. Nakapagtaas na si Jhoen ng Kalis – Isa kasi sa mga panagarap ko ay maitaas ang kalis na naglalaman ng Dugo ni Kristo ng abot ng aking makakaya. Kung maari ngang magsuot ako ng 20 inches na takong maitaas ko lang hanggang kisame ang kalis ay gagawin ko. Isa kasi sa mga nakapagpa-anga sa akin sa oras ng misa ay ang pagtatas ng kalis. Duon ko kasi na-aapuhaw ang pagiging Diyos ni Hesus. Sayang kung di ako lumabas baka ngayon may scaffolding na ang lahat ng altar ng pagmimisahan ko.

5. Nakapagsubo na si Jhoen ng Komunyon sa mga mananampalataya - Panagarap ko din balang araw ang magsubo ng komunyon sa dila ng may dila. Di naman dahil sa gusto ko makita kung kulay pink nga ba ang uvula o tonsil ng mga ngumanga-nga pag nag cocommunion, kungdi dahil sa talagang gusto kong iemphasize sa bawat nasubo ng komunion na “Ito ang katawan ni Kristo” at hindi anting-anting para sa sabong o kaya naman ay biskwit na marie na tinutunaw lang sa dila. Noon kasi nasa loob ako, ako kalimitang nag hohomily pag tamad ang superior ko, kaya naman di ako pwede magsubo ng komunyon at iba kong kapatid na ang gagawa nun dahil malamang baka suotan na ako ng istola ng superyor ko sa sobrang epal ko.

6. Nakapag ispich na uli si Jhoen sa harap ng altar – na matagal tagal ko na din namimiss. Matagal na panahon na ng ako ay makatapak sa pulpito kaya naman hangang hanga ako sa kapatid kong si Jhoen. Ang totoo nga nyan, naiisip ko din, na baka dun pa nagsinging bee yun dalawa ni verge eh. May usapan kasi kaming tatlo na magpapanubok kami sa videoke.

7. Nakadaupang palad uli ni Jhoen ang kanyang mga kapatid – Matagal na kami di nagkikita magkakapatid na seminarista. Ang totoo nyan ay namimiss ko na sila isa sia dahil iba sila pag nakakausap ko. Sila yung mga tipo ng tao na di ka huhusgahan kahit ano pa baho mo. Ang totoo nyan, mga kapatid ko ang may alam ng mga tunay na baho ng aking nakaraan. Kailanagn mo muna silang patayin bago lumabas ang baho na yun. ganun kami mga magkakapatid sa loob. Ang totoo nyan mga weirdo kami. may mga sarili kaming mundo. kahit di kami nagkikita pa ng personal ay alam na namin ang turing namin sa isat isa. Ang isa pa ay magkita man kami sa personala ay para kaming magkakakilala na ng matagal. kasi nga magkakaiba man ang order at seminaryo namin, iisa naman halos ang kultura at palakad. Isa pa, pare-pareho kasi kami adik.

8. Nakaranas dumapa si Jhoen sa harap ng altar – para kasi sa akin itong ang pinakamabagbag damdaming parte ng ordinasyon. Bukod kasi sa naka dapa ang oordenahan, inaawit dito ang litanya ng mga santo at kung minsan mga awit na pang alay kaya dito tumutulo ang luha ko. Ito kasi yung pagkakataon na iaalay na nung oordenahan ang sarili nya sa Panginoon. Kaya wala na itong bawian. Kung sa kasal, ang iyakan ay sa parteng “I Do”, sa ordinasyon malamig na semento o karpet ang kausap mo. Isipin nyo kung halimbawa ako natuloy at nag ordinasyon din ako, malamang nakalutang ang paa at ulo ko sa ere, dahil tyan ko lang ang lalpat sa semento sa laki nito. Baka gawin pang wheel of fortune ako ni bishop habang kinakanta ang litanya. Di ba nakakatawa yun?

9. Kasi Diakono na si pareng Jhoen - sinabi ko sa kanya dati na pag-inordenahan sya para ko na rin natupad ang panagarap ko. Masaya kasi pag nakakakita ako ng inoordenahan. At dahil dyan ay may Rev. na kladugtong ang panagalan ni Pareng Jhoen. Di ko na pwedeng biro-biruin yan haha kailanagna pag nakita ko yan mamano na ako. Feeling ko kasi pag hindi ako nagmano sa diakono o pari, kahit pa mas bata sa akin o kaedad ko lang, para ako nambabastos. Kaya ayan, mamanuhan na kita Jhoen pag nagkita na tayo. Siguro kung natuloy ako eh malang Pope na ako ngayon.

10. At syempre dahil sa slim at wafu ang aking mga kapatid - alam nyo ba na mas matanda ang dalawang ito sa akin? pero once na magpapicture ako kasama nila eh pihadong milya milya ang layo ng itsura ko sa dalawa. Kumbaga yung dalawa pang main course, ako appetizer lang haha. Nakakainggit na nagkita na itong dalawang ito. sana tatlo kami pero sa dami ng ginagawa ko sa likod ng akong monitor (oist hindi yung iniisip nyo na malaswa) eh hindi ko masiguro sa bawat magyayaya sa akin kung makakasama pa ako o hindi.

Sa sampung dahilan na aking inilatag sa taas kung bakit ako naiinggit, may isa ako dahilan kung bakit di dapat ako mainngit.. yun ay dahil sa Deserve nila kung ano man yung blessing ng Panginoon na binigay sa kanila. Kung makakausap nyo lang ang dalawa na ito sa telepono at sa email, napaka down to earth sobra. dami ko na nakausap na tao pero eto dalawa na ito ang talagang masasabi ko na sasaluduhan ko pagdating ng panahon. Maraming tinatawag pero kakaunti lang ang pinipili, at maswerte ako na dalawa sa napili ng dyos na maglingkod sa kanya sa dinami dami ng tinawag ay naging kaibigan ko pa sila. Di man tayo magkita, sa espiritu ng kapatiran kaisa nyo ako sa inyong tagumpay at serbisyo sa Dyos at sa tao.
CONGRATS REV. JHOEN BUENAVENTURA. ISANG ONOR AT KAGALAKAN NA MINSAN AY NAGING BAHAGI KA NG OTWOMD. SA SUSUNOD SI UTOY NAMAN ANG ATING (NAKOW ETO NA NAMAN AKO) PUPUNTAHAN SA KANYANG ORDINASYON. PERSEVERE MGA KAPATID. KAYO ANG SD AT CONFESSOR KO, MAALIN SA INYONG DALAWA.
Tumataginting na PAX ET BONUM!
For the full story of Jhoen’s ordination please visit Bro. Utoy’s Blog
Congrats Rev. Jhoen!
Panjeet parang nakaramdam din ako ng envy … Kasi ang gwapo pala ni Bro. Utoy
. Ang tagal ko na binabasa blog nya ngayon ko lang nakita sa picture.
libays last blog post..Francism
Reply
congrats rev. jhoen!
bluep, kainggit-inggit nga ano? pero tingin ko naman may ibang rutang nakalaan sa iyo ang Diyos at dun ka mamamayagpag ng husto (malay mo, bigyan ka ni God ng transformer or voltron, tapos sila naman maiinggit sa iyo hehe!)
ikaw naman papasyalan ko today!
Reply
hahahaha! need i say more, bro? may nagsabi na ng sinabi ko sayo… pero kahit ano pa, hindi mo kailangan mainggit kasi… kasi… dami mo na rin biyaya eh…
habang tinatype ko ito nakangiti ako.. naalala ko yung utang ko sayo at…. alam mo na… phase lang to kaya pagbigyan mo na ako.. next week iba na naman ang pagsasmilelan ko… hihihi!
ifoundmes last blog post..who?
Reply
congrats kay Rev. Jhoen=)
wag ka ng maiingit kuya bluep!
para sa akin e mas pogi ka sa kanilang lahat..hehe
rios last blog post..Paalam na
Reply
sobra na ito, kapatid! ako ang nalula sa mga papuri mo! grabe, pakiramdam ko eh kulang na lang, magtatag ka na ng fans club para sa amin ni Jhoen ah. hehehe… uy, 200lbs talaga ako. payat lang ako tingnan kasi nung iwasan ko na ang salty foods, nawala ang water retention ko (read: pagkamanas). gayunpaman, di maipagkakaila at di-maitatago ng pigil-hininga ang bilbilan ko as pointed out by the arrows.

kidding aside, salamat, salamat! kapatid, any praise from you humbles me. truth to tell, you were sorely missed by Jhoen and me on that occasion. ti’s a moment we’ve been expecting for months na. nakahanda pa naman sana yung list ko ng pamatay na kanta para sa bidyokehan natin. anyway… marami pang panahon. bata pa tayo (mas matanda si Jhoen sayo, anokaba). magkakakita rin tayo’t magkakasingilan ng mga pangako.
teka’t madrama na ako.
uy, I do prayed for your dad, uncle and lola. ikaw pa eh malakas ka sa akin. kung sasabihin mong iuwi ko ang buong bangkay ni Bernadette sa Lourdes, gagawin ko. mahuhuli nga lang ako sa customs. hehehe… God bless!
brotherutoys last blog post..?Dikon?
Reply
ayaw kong sabihing ikaw kasi e ..kasi desisyon mong umalis sa seminaryo…okey lang yan pwede ka pa namang bumalik e ..kung gusto mo lol!
kaya pala ang saya saya ng mukha ni Jhoen sa pic…kasi ….yun pala lol!
Reply
Baligtad naman tayo bluep. Ako kasi may sakit na inggit paminsan minsan although medyo matagal na ring di umiiral. Ewan ko ba.
May sumpa kasi pamilya namin kay inggit ako dun sa mga walang ganun. May sumpa kaming maging wafu habang buhay! LOL
monacos last blog post..the Water-Powered Car by Daniel Dingle
Reply
waaaahh prend ang kulet mo lol!
manilenyas last blog post..Bubbly
Reply
Tama ka doon Bro, INGGIT for lack of a better term. ilang taon na akong lumabas (before perpetual vows ha) pero binabangungot ko pa rin mga kasamahan ko sa sem. sobrang saya kasi ng seminary life ko and the community spirit and the crazy sense of humor,nakakamiss…nakakainggit ayon sa yo.congrats to jhoen!
Desertfishs last blog post..A Grain of Desert Sand
Reply
haha matinik sa chicks yan LOL simple yan pero rock.
Hindi ako naiingit sa itsura nya dahil tanggap ko na lamang yan sa aking ng sampung paligo haha, ang kinaiinggitan ko ay yung “weight” nila haha.
Reply
wala na nga ako meeya na mahanap na laruan ng voltron at transformers na ginawa noong panahon namin, meron sa ebay pero delikado naman minsan bumili kasi bukod sa mahal eh minsan defective pa.
sana nga may nakalaan sa akin. malay natin, baka mag lay minister ako haha
bluepanjeets last blog post..Inggit
Reply
positive envy lang siguro nararamdaman ko. biruin mo Reverend na si Jhoen hehe
haha by all means sis. ako nga natatwa sa conversation nation nung isang araw eh haha
madami na kayos sis dumadami pa haha. Pero my lips are sealed. itaga mo sa batobalani.
bluepanjeets last blog post..Inggit
Reply
haha sep sep ka doc.
pero mas lalo kita labs ngayon haha
bluepanjeets last blog post..Inggit
Reply
LOL di ko na pare kailangan magtatag ng Pans Klab, meron na nagtatag para sayo… kanya kanya nga sila LOL Ang dami nila nag eemail sa akin haha. dapat bayaran mo ako bilang PR mo. if ever na lumabas ka (knock on wood at malabo naman), di ka na mamomroblema sa magiging bride mo kasi may mga pinasa na sila na resume. Pero di ko sasabihin sayo kung sino sino. Naka padlock bibig ko kahit pitpitin pa yagballs ko haha
honga eh. may sumpa kasi ako na di mawalawala. and sometimes the obstacles and hindrances are worth listening to. Nung time ng ordination ni Jhoen eh bumaba ang bp ng tiyo ko sa ospital. and I have to rush at his side para mangamusta at bisitahin.
sali natin si bishop soc sa singing bee natin LOL sayang aawit pa naman sana ako ng walang kamataynag “This is the moment” hahaha
thanks for the prayers tol. we really need it. sabay sabaw sila sa ospital. para nga kaming stock holder ng hospital haha
bluepanjeets last blog post..Inggit
Reply
haha di ako nagsisisi ate bebe, eto isa parte ng buhay ko na di ko pagsisishan. pero sa isang banda pala, kahit tanggap mo na desisyon mo, kahit papano pag nakakita ka ng ganito mapapaisip ka pala na…”kung kaya ako ay nagtuloy siguro ganito na rin ako etc etc…”
ay guisto ko yung sinabi mo na ikalawang sentence. magdilang anghel ka sana sis.
iba talaga glow ng mukha pag masaya at inordenahan ano? dami ko na naatendan na ordination at profession and pag nakikita ko yung mga mukha nila, hanggang tenga ang ngiti nila.
bluepanjeets last blog post..Inggit
Reply
hahaha tol mas nakakaingit yang ganyang sumpa haha. kakaiba yan. pwede bang isumpa nyo rin ako haha
bluepanjeets last blog post..Inggit
Reply
Tama Kapatid, minsan akala mo move on na ano? pero pag nakakakita ka ng ganitong mga eksena nagbabalik ala-ala lahat. pati yung familiar feeling na at home ka and everything nagsusurface uli. ganun pala yun. kaya nga nung makita ko mga picture nila talagang nag flashback uli sa akin ang lahat eh.— ayun bigla nainggit. nasa loob pa kasi itong dalawa na ito eh. LOL
bluepanjeets last blog post..Inggit
Reply
Oo nga eh, lalo na yung mga kalog na alaala. kunwari, weekend “pastoral exposure”, yun pala lasing na pag-uwi.kung wala lang contact sa loob, siguro
labas na ng gate nagpapalipas-gabi. syempre, yung taguan panahon ng manualia, pag makita ni formator,biglang kiskis ng inidoro, haha.syempre alam ng formator mo yun kasi yun din ang gawain nila noon,hehe.
Desertfishs last blog post..A Grain of Desert Sand
Reply
haha Kami naman lumalabas kami ng compound, sinasabi namin sa gwardya, akala naman ng gwardia alam ng formator. bibili kami sa tindahan tapos sa bewang namin may tig aapat kami na redhorse in can na nakasaksak sa bewang. hindi kami nagiinum sa labas kasi matinik ang formator namin. ginagawa ko, umuupo kami sa gitna ng basketball court, liwanang lang ng buwan ang ilaw namin, then kita namin from a distance kung sino ang pumapasok at lumalabas ng dorm. ang sakit ko lang noon, pag katapos ko malasing, nakatok ako sa office ng superior ko tapos sinasabi ko yung totoo na naginum ako. then binibigay ko sa kanya yung basyo ng beer haha. kaya di ako mapalabas sa seminary eh, kasi dahil sa honesty haha
Reply
naalala ko tuloy isang kasamahan ko, huling huli pababa ng pader hatinggabi, lasing, sabay padausdos.tumahol kasi yung lintek na aso so nagising si formator. napaHEHE lang ka-batch ko.tulala na lang formator namin.i can imagine,tulala din siguro formator mo nang inabot mo yung bote…kaya world, kayo na bahala magkilatis kay Bro.Utoy at lahat ng sem na kilala nyo,hehe.may mga Bab-side (Pugad Baboy) din ang mga yan…
MGA CHICKS pagpapariin nyo na ang mga yan…
Desertfishs last blog post..A Grain of Desert Sand
Reply
lol! ganyang ganyan ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng malakihang rally, minsan nga nadaanan ko sa Mendiola e, bigla ako bumaba sa sasakyan..nakitayo sa gilid, naghahanap ng mga kakilala, nakikinig ng programa..naki chant at nakisigaw..sa isip nga lang lol!
Reply
hahaha… siguro kung natuloy na mag-aral ako sa UPLB o uST eh baka magka-kapitbisig pa tayo LOL Danagan kasi sa forestry ako nilalagay haha
pero sa bandang kanan o kaliwa walang pagsisis ano ate bebe. Tama na yung dito na lang muna sa blog natin ilabas ang ating mga naunsyaming nakaraan haha
bluepanjeets last blog post..Inggit
Reply
Tama! hindi natatapos sa paghinto sa pagkilos and prinsipyo…kahit saan, kahit kailan, kahit anu paman…..tulugan na mag aala una na e lol!
manilenyas last blog post..Bubbly
Reply
ako pangarap ko ring makapanood ng ordination.supposedly pupunta ako sa Ordination ni bro.jhoen kaya lang may emergency kaya hayun…hai one month ko ring hinintay tapos di rin ako nakapunta…sad!
“isipin nyo kung halimbawa ako natuloy at nag ordinasyon din ako, malamang nakalutang ang paa at ulo ko sa ere, dahil tyan ko lang ang lalpat sa semento sa laki nito. Baka gawin pang wheel of fortune ako ni bishop habang kinakanta ang litanya.”
wahaha..isang wheel of fortune nga yan
Reply
hehe
ako taga bataan
haha
um,
kilala mo ba si bro. noel
hehe
pren nmen ng kapatid ko yun eh
prinsesa musangs last blog post..The Cat was possessed by an Evil Spirit
Reply
ok ang kwentuhan dito ah. seminaristas anonymous! hehehe… desertfish, peace na tayo ha!
as for the ladies’ resumes, naku, crush lang nila ang seminarista kasi my mystery daw at tipong mahirap kunin. kung alam lang nila, wala naman talagang mystery. hehehe…
kapatid, we three (or four or five or six…) still must meet. pero kelan kaya? let’s pray for it…
brotherutoys last blog post..?Dikon?
Reply
waaaaaaaaah
konti lang ang gwapo sa mundo. kung walang gf…may bf naman hahaha and the rest are…mga gaya ninyo…may higher calling. waaaaaaaaahh
nakakahinayang di ba ahahaha
grabeng tawa ko sa number 8 hahahaha na-imagine ko waahahahahahaahah
chuvanesss last blog post..The Return of the Comeback: Dear Chuvaness Segment
Reply
tsk! tsk! gwapo nun ah! ba’t di mo ko tinawag nun? di ba dadaanin muna sa kwan… ahhh tukso hehehe
Reply
ipinabasa ni deacon jhoen tong post mo. ang galing! sabi ko nga sa kanya, gusto ko ‘to kasi nakakita yata ako ng kakampi sayo. na taong malapit sa Diyos pero hindi pari hindi deacon. (ano to? hulaan mo??) ahihi.
ganda ng post mo! hayaan mo silang blessed kung sa ano man ang tinahak ng dalawang mokong. kung ano ka man ngayon. panigurado may sarili kang misyon! may sarili kang lakad at diskarte at alam ko na THANKFUL kadin dun!
CHEERS!!
Bons
boni stations last blog post..usapang gusto natin.
Reply