RSS Feed for This PostCurrent Article

Tula ng Naluluma

471

Sa haba ng panahon ang isang bagay ay naluluma
kapag bago, di magtatagal ang kinang nito ay mawawala
parang tayo na tao, na sa paglipas ng mahabang panahon
kumukulubot ang mukha at balat ay tumatanda

Ngunit dapat nga bang limutin ang taong nakagawian?
na sa ating buhay ay gumabay at tinuran na magulang
kung lahat ng naluluma ay dapat ng palitan
lahat ng matatanda sa home for the aged mo na lang matatagpuan

kaya’t habang may panahon pa, habang bago ka pa
maging ka-ayaya at kapaki-pakinabang sa tuwi-tuwinana
sapagkat di mo alam ang iyong hahantungan sa dako paroon
maluluma’t-maluluma ka paglipas ng kahapon

nawa’y magsilbing aral ang mga lumang bagay sa’ting mga bata pa
na dapat itong pahalagaahan kahit sa wari ito ay patapon na
sapagkat di mahihigitan ng ano pa man ang pakinabang nitong alay
sa ating dapit hapon na darating din sigurado sa ating buhay







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2005-2008 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License









Trackback URL

  1. 5 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By iris on Oct 9, 2008 | Reply

    how right you are, bluep. madalign i-take for granted ang mga bagay (o taong) nakagawian mo ng laging nandiyan. pero minsan pa nga, pag nawala sila saka mo lang marerealize kung gaano sila kaimportante.

    iriss last blog post..Street Pulse

    [Reply]

  4. MyAvatars 0.2
  5. By Jay on Oct 9, 2008 | Reply

    dapat lang talagang alagan para kahit maluma, magagamit parin :)

    eto aken lahok

    magandang araw ka-litratista :) Salamat sa pagbisita :)
    Jays last blog post..LP#28: Luma na! (it’s old)

    [Reply]

  6. MyAvatars 0.2
  7. By marites on Oct 10, 2008 | Reply

    ganda ng kuha mo sa litrato kahit na nangangalawang siya. cool!

    maritess last blog post..Litratong Pinoy#21 Luma (Old)

    [Reply]

  8. MyAvatars 0.2
  9. By JO on Oct 10, 2008 | Reply

    napakaluma nga naman niyan.

    Eto ang aking lahok. Salamat po.

    [Reply]

  10. MyAvatars 0.2
  11. By Leap of Faith! on Oct 21, 2008 | Reply

    Nice message, bluep. I hope hindi gulong sa kotse mo yan…hoke lang.

    Leap of Faith!s last blog post..First (and hopefully the last) Time

    [Reply]

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word