RSS Feed for This PostCurrent Article

Minimithi

414

Lahat tayo ay mayroong mithiin sa buhay. Ako ay napakasimple at babaw lang ng mga mithi ko tulad nga nitong larawan sa taas. Malamang nagtataka kayo kung bakit eto ang napili kong bala para sa linggong ito. Hindi ko po mithiing maging aso haha, Ang totoo po nyan ay may aso ako na beagle na Mielle ang pangalan. Napakatagal ko na po minimithi na magkaanak siya sa isa pang beagle ng mga tuta. Ngunit sadyang ang lahi nila ay madalang at tila mahirap makakuha ng babaeng beagle kaya nagexperimento po ako.

Dahil sa kating kati na ang Mielle ko na makabarako, ay ipinareha ko po siya sa isang aso namin na cross breed naman ng german shepherd. Eto po ang resulta, limang tuta na bunga ng sapilitang pagmamahalan nila para lamang mabigyan nila ako ng tuta. Sa aking pagmamasid sa mga tuta ay tila nakuha nila mula kay mielle ang katangian. Una po kasing tinitingnan sa beagle ay ang kanilang tenga at paa na sya namang lumabas sa limang tuta. Ang hindi ko lang sigurado ay kung sa paglaki nila ay kamukha pa rin ni Mielle. Nawa naman ay kamukha sana ni mielle ng ako naman ay mapaligaya nila ng lubusan.

Sa ngayon ay naiipon ako ng pambili ng asong beagle na ipapareha ko kay mielle ng sa gayon ay maging puro ang anak nila at dumami pa ang lahi nya. Ito ang aking napakasimpleng mithi para sa aking pinakamamahal na aso na si Mielle.

Share and Enjoy:
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Live
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Yahoo! Buzz
  • YahooMyWeb


If you like what you read, you can subscribe via email. Enter your email address:



Trackback URL



  1. 11 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By Mahalia on Aug 23, 2008 | Reply

    congratulations! tatay ka na. pahingi ng bilot.

    Mahalias last blog post..Tornado

    [Reply]

  4. MyAvatars 0.2
  5. By Amor on Aug 23, 2008 | Reply

    Pareho pala tayong makahayop hehehe. yan din ang umuubos ng oras ko at baka maging dahilan ng pagkasisante ko sa trabaho. Nanganak din ang panganay kong asong shih tzu nung May at sila ang bagong stars ng pamilya namin.

    Congratulations sa pagiging lolo mo! :lol:
    bisitahin mo ang aking munting kaharian ng mga hayop.
    http://zohalkennel.multiply.com/

    Amors last blog post..Ika 23 ng Agosto 2008

    [Reply]

  6. MyAvatars 0.2
  7. By Rebecca on Aug 23, 2008 | Reply

    aawwww cutipie lahat!
    ;)
    Rebeccas last blog post..Gentle PETALS of Love

    [Reply]

  8. MyAvatars 0.2
  9. By jojitah on Aug 23, 2008 | Reply

    ang cute!!!! pahingi naman ng isa! pa-LBC mo na lang. lols!

    jojitahs last blog post..restrictions?

    [Reply]

  10. MyAvatars 0.2
  11. By JoyD on Aug 23, 2008 | Reply

    Pano ba yan lima lang ang mga tuta,, pero sigurado santambak ang nang hihingi,, hihingi sana ako,, kaya lang mauuubusan ka na,,, Binabati na lang kita… naway maparami mo pa ang kahi ng mga aso mo…
    Eto ang sa akin http://aussietalks.com

    JoyDs last blog post..Litratong Pinoy (Mithi/ Wish)

    [Reply]

  12. MyAvatars 0.2
  13. By vacuum cleaner on Aug 23, 2008 | Reply

    mga hayop! and to be precise, puppies. hehehe. yung labrador ko minsan na pina-stud pero hindi nagbuntis. anyway, matagal pa siguro ako magkakaaso. pag nagkaron ako gusto ko golden retriever naman.

    [Reply]

  14. MyAvatars 0.2
  15. By libay on Aug 24, 2008 | Reply

    huwaw puppies!!!! penge isa :P kuhanin ko sa december… para may kalaro yung japanese spitz ko.

    libays last blog post..Do i need to wear a new hat?

    [Reply]

  16. MyAvatars 0.2
  17. By Jules on Aug 24, 2008 | Reply

    cute naman ng puppies! may mga pangalan na ba silang lahat?

    Juless last blog post..I?m here? if only you remember

    [Reply]

  18. MyAvatars 0.2
  19. By Meeya on Aug 25, 2008 | Reply

    uy mahilig ka pala sa mga doggies. :) ako rin. ako naman miss ko na ang aking mga shih-tzu na iniwan ko sa pilipinas.

    ang cute naman nila, para silang pansit na nasa bilao, hehe.

    Mithing Paghimbing sa MyMemes
    Mithing Pagpanalo sa MyMemes

    [Reply]

  20. MyAvatars 0.2
  21. By fortuitous faery on Aug 26, 2008 | Reply

    ahaha…ang kukyut nila! sa bilao pa nakahiga!

    fortuitous faerys last blog post..let your technorati explode!

    [Reply]

  22. MyAvatars 0.2
  23. By kamotenista on Aug 26, 2008 | Reply

    kuya bluep pahingi…..

    kapalan na po ng mukha ito….wahaha!

    hayzzz namimiss ko yung aso kung nawala.noong estudyante pa lang ako kahit wala akong pang recess basta maibili ko lang ng pagkain yung aso ko masaya na ako….

    [Reply]

Post comments


*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture.
Anti-spam image



Creative Commons License

© 2009 OTWOMD | Bluepanjeet.Net
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License


Help us build quality blogs