RSS Feed for This PostCurrent Article

Ha-Ha-Ha

398

Di ka ba naiinis na minsan talaga puro mga Kakupalan na lang ang nangyayari sa ating bayan? Di na nga ako nakikinig ng balita dahil sa isip ko, yun at yun din naman ang laman ng usapan.. eskandalo, eskandalo at eskandalo. Walang katapusang eskandalo. Sa sobrang hilig ng pinoy sa eskandalo, pati itong blog ko tumataas ang trapik dahil sa mga hayok na naghahanap ng ibang kalseng eskandalo. Mga website na halos di ko alam na nageexist at mga search engine na nasa web pala ay parating itinuturo ang blog ko na naglalaman ng eskandalo. Pero ang post na ito ay hindi tungkol sa eskandalo kasi wala naman talagang kabagay bagay na pagtuunan ng pansin ang mga eskandalo. Pampalasa lang ang mga yan sa mga taong walang magawa sa buhay. Pero balikan natin yung sinasabi ko sa taas kanina, na sa dami na ng pangit na nangayayari sa bansa natin ay di na siguro natin kailangn pang ipagluksa ang mga yan. Sayang lang ang araw at maa-alibadbaran ka lang. Kaya ako, ang ginagawa ko, ay tinatawanan ko lang talaga ang mga balita ngayon. Masarap kayang tumawa dahil nakakapagpabawas ng stress, nakakapagpabata at nakakapagpaganda ng araw. Kaya kung bad trip ka sa mga balita ngayon, tara, samahan mo akong tawanan sila isa-isa…

  • Umpisahan natin sa SONA na yan. Bakit naman Fuchsia ang gown mo madame? Wag mo sabihin yung tela nyan gawa sa mga ipa ng palay na tinatago ng ilan para lang masabi na may krisis nga sa bigas? HaHaHa
  • Sabi ni Madame, pag wala daw VAT, kawawa ang mahihirap… naman? baka kawawa ang mga may pork barrel? HaHaHa
  • Salamat daw sa mga Cellphone networks kasi ngayon, singkwenta sentimos na lang daw ang presyo ng text, yun pala promo lang! HaHaHa
  • Gumamit si Madame ng props. Yung mamang naka brief (LOL), mamang tsuper at batang estudyante ay binangit nya isa isa tapos sabay tayo… at kumaway pa? HaHaHa
  • Isang oras mahigit bago natapos ang litanya ni Madame, pano, ang daming kahihinto, kahihinga at katitigil sa gitna ng espich. Yun pala, nag-aantay ng palakpak… at pumalakpak naman ang mga uto-uto. HaHaHa
  • Sabi ni Mareng Winnie, may sense naman daw talaga sinabi ni madame. Dapat daw pakinggan natin kahit pano. Eh paano yan, eh bagsak ang marka sa survey, sino namang tanga ang makikinig sa report ng kaklase mo kapag kalabasa ang grado nya? Ipakbet na lang HaHaHa
  • Nagpro-protesta daw ang Malacanang dahil sa resulta ng ginawang SWS survey na kung saan BAGSAK ang pangulo. Di naman daw bagsak, pasang awa lang HaHaHa. Kahit nga taasan ng kili-kili, di pa rin mananalo si Madame sa survey eh HaHaHa.
  • Sa ibang Dako naman, Nagkukumahog noon ang ABS CBN sa pagtatangol sa Meralco, sabi nila malinis daw ang hangarin ng Meralco at pulitika lang ang lahat ng bali-balita. Ginamit pa nga si Juday sa commercial para lang maitago lahat ng kabalbalan. May nagkomment pa nga dito na taga Meralco na halos mapatid ang leeg at maubusan ng username kaka depensa sa kumpanya nya. Ayun, pumiyok si CA Justice Sabio, at nangsusuhol daw ang Meralco. Malinis ba kamo? HaHaHa
  • Eto namang si Francis Roa de Borja, na diumano ay nanuhol kay Justice Sabio ay lumantad na at dineny lahat ng paratang ng Hurado. Binaligtad nya ang istorya at sinabing si Sabio daw ang humihingi ng 50 million pesoses. Sa hilaTSA at tabas ng hitsura nitong si De Borja, maniniwala ka ba naman? HaHaHa Tigilan nyo nga ako!
  • At dahil sa eskandalo na yan, nagbabalak ang Senado at Kongreso na magsagawa na naman ng imbestigasyon… walang talagang mga magawa! Bakit ba binoboto pa yang mga yan eh gusto pala na mag imbestiga ng mag imbestiga eh di dun na lang sa NBI mag opisina HaHaHa tamang tama, kulang sa tao ang NBI at 3 oras at 5 kilometrong pila bago ka pa makarating sa window 4 HaHaHa
  • Eto namang si Winston Garcia hindi lang Meralco ang gustong sakupin, pati mga private insurance firm gusto na ring hawakan sa leeg. Pano, ginastos noong 2004 election yung pondo ng GSIS. Wala ngayong maibigay sa mga magreretire, eh pihadong iimbestigahan sya pag wala na si Madame sa 2010 HaHaHa
  • At ayan, hindi lang daw sa Fertilizer fund at GSIS fund kinuha ang pera sa eleksyon, pati pala sa babuyan kinuha din. Nagkakahalaga ng 100 Million ang inutang sa Land Bank na kunwari ay sa swine ek ek project ng Gobyerno para lang masiguro na mananalo si madame. At kapatid pa pala ni Posporo Nograles ang salarin. Ang Bababoy nyo HaHaHa
  • Sa Isports naman, si Manny Pacquiao daw ang flag bearer sa Beijing Olympics, sa tabi nya si Lito Camo at Chavit, taga bitbit ng kanyang sintron de honor HaHaHa
  • Nasa batas pala, na ang bawat makaka-Ginto sa Olympics ay may 5 milyong piso. Tsk Tsk.. kung yang pabuya na yan ay sa training ng atleta gagamitin, eh di sana di kahit sa Olympics ay delegates din yung mga everest climbers at ASF dancers HaHaHa
  • Sa Lalawigan naman, kilala na daw ng mga pulis yung babaeng naglagay ng bomba sa bus sa Digos City. Nasa 30 anyos daw ito, hindi masyado kagandahan, walang sex appeal, mala-plangana daw ang bewang pero feeling mahaba ang buhok.. teka di kaya si Ella V yun? HaHaHa
  • At napagusapan din lang ang Showbiz, sabi daw ni Echo, gumanda daw karir nya nung makipagsplit daw sya kay Heart. Huh? HaHaHa
  • Si Annabelle Rama naman nagmumura nung minsan sa balita, kasi si Richard daw ay di nilagyan ng pangalan dun sa isang fashion show na ginanap kamakailan… Di daw tuloy natilian ng mga fans kasi di napansin. Kawasa di sya nagdala ng plackard HaHaHa
  • Nitong nakaraang linggo, natangal si Penelope sa Pinoy Idol, isa sa mga pinakamagaling (na) sa show.ngayon wala ng magaling na natira sa top 12. Medyo dissapointed daw si jolens sa mga bumoboto. Teka, di ba sila palagi nagsasabi na iboto ang karapat dapat na manatili? HaHaHa

O sya, hanggang dito na lang muna, tumawag na ang doktor ko. May appointment daw ako sa kanya ngayon. Kailangan ko daw umattend ngayon ng psychotherapy ko sa Mandaluyong Ha-Ha-Ha







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2005-2008 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License









Trackback URL

  1. 9 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By reyna elena on Aug 2, 2008 | Reply

    andito ako para ipagtanggol si madame.

    mag-sasampa kami nang reklamo.

    dinaya ang sarvey.

    DAPAT 100% BWISIT ANG MGA PINOY SA NAKA FUSCIA HAHAHAHAHHA

    [Reply]

    bluepanjeet reply on August 2nd, 2008:

    nyahaha sa lagay pala na yon mahal na reyna eh dinaya pa yung result? haha

  4. MyAvatars 0.2
  5. By Jules on Aug 3, 2008 | Reply

    Pag sa Mandaluyong, siguradong dapat sa loob!

    Naku, yang mga yan… Kaya ‘yong mga kasama kong nag-leave parang itutuloy na talaga ang pagre-resign hindi lang sa trabaho dito sa Pinas. Magre-resign na rin sila sa pagiging citizen ng bayan nating sawi :cry:
    Juless last blog post..The Little Prince’s Pandesal

    [Reply]

    bluepanjeet reply on August 3rd, 2008:

    ewan ko nga po ba dito sa ating bayan. Parang lahat na lang ay problema haha

    kaya nga tinatawanan ko na laang LOL

    bluepanjeets last blog post..Ha-Ha-Ha

  6. MyAvatars 0.2
  7. By nanaybelen on Aug 3, 2008 | Reply

    hindi lang naiinis.. NASOSUKA!

    nanaybelens last blog post..‘SILENT BREEZE’

    [Reply]

    bluepanjeet reply on August 3rd, 2008:

    hahaha :lol:

  8. MyAvatars 0.2
  9. By kamotenista on Aug 3, 2008 | Reply

    tama ka po dun tumawa na lang kahit nakakaiyak…

    at tama po kayo ulit na si pacquiao na ang flag bearer sa Olympic…wawa naman si Pao binawi sa kanya (sabagay lumang style na ito pero wala paring nabago)..wahaha tawa ulit

    masakit at napakasakit isipin…pero tawa na lang ulit wahaha

    [Reply]

    bluepanjeet reply on August 3rd, 2008:

    kahit ata bawiin eh stay pa rin yung pesoses ni Pacman diba?

    hehe mas nanatawa ako kay madame.. kasi usngal… wala ba yang dentista? gusto ko sana dalhin sa casa at ipapalo sa latero HAHAHA

    bluepanjeets last blog post..Ha-Ha-Ha

  10. MyAvatars 0.2
  11. By manilenya on Aug 3, 2008 | Reply

    hehehe..pwede ka ng bumandera sa tabloid..palitan ang mga pulitikong may espasyo dun dahil mga nangangampanya lang naman..

    sang bagsak sayo..gawing satirika ang mala komedyang pulitika at negosyanteng mga me ari ng ABS CBN at Meralco..iisa lang naman kasi sila e lol!

    manilenyas last blog post..Weekend in Niagara and my mutterings

    [Reply]

    bluepanjeet reply on August 3rd, 2008:

    LOL pang Abante ba ang dating? LOL

    Sinasabi ko nga sayo ate Melai. Kung nagkataon na mag kaedad tayo at nag aral ako sa maynila baka kapit bisig tayo sa jones bridge LOL

  12. MyAvatars 0.2
  13. By GeLi on Aug 3, 2008 | Reply

    Hahaha :lol:

    I don’t watch news too..cuz most of them are just rubbish. Lalo na pag nagsasalita na si gloria. Arrgghhh those mini-me voice irritates my earlobes :mad:
    Hindi man ako nakakarelate sa mga sinasabi mo dahil nga hindi ako mahilig sa balita eh natatawa ko…The way you narrate is so amazing!
    Thanks for giving a wrap up of whats going on sa pinas…

    Galing!!! :grin:

    [Reply]

    bluepanjeet reply on August 3rd, 2008:

    ang totoo nyan parang kryptonite ang balita dito. Nakakapanghina.

    kinakain kasi ni madame yung bagang nya kaya ganun ang sound ng boses eh haha (posible ba yun?).

    alam mo naman tayo pwedeng pang abante, pwedeng pang inquirer, pwedeng pang kerygma at pwede ring pang xerex hehe Joke lang. Wala lang maisip na istayl ako para tirahin ang mga yan.

    bluepanjeets last blog post..Ha-Ha-Ha

    bluepanjeet reply on August 3rd, 2008:

    nga pala maghapon ka nasa isip ko.. kasi iaadd kita sa blogroll ko kaya lang dami commercial dito sa bahay kaya di ko magawa. maya nga iadd na kita ng di ko makalimutan

    bluepanjeets last blog post..Ha-Ha-Ha

    GeLi reply on August 3rd, 2008:

    Lamo bang till now I am not a registered voter :neutral: Baket kamo? Kasi sayang lang ang boto ko kung sa maling official lang mapupunta diba. So I’d rather stay classified na lang…

    Pero ok talaga mga posts mo..nakakainspire…hindi si gloria ha…yuck. :lol:

    bluepanjeet reply on August 3rd, 2008:

    aba sis buti nakaalis ka. kasi ang alam ko requirement ang voters id sa immigration.

    haha, ang totoo nyan si madame ang inspirasyon ko sa mga ganitong post. Pag umimik yan ayan na dami ko na naiisip na kabulastugan LOL. Minsan nga parang gusto kong sumali por the pers taym sa rally at mag sunog ng effigy. Kaya lang ang effigy ko ay plais (pliers). kasi nangangati kamay ko pag nakikita ko ang ngaipin ni madame hahaha

    Si Madame ay buhay na inspirasyon ng mga dentista at mga gumagawa ng pustiso LOL

    bluepanjeets last blog post..Ha-Ha-Ha

    GeLi reply on August 3rd, 2008:

    Nyahaha! :lol:

    Hindi naman ako hiningan ng voters id nung umalis ako eh…muka daw kasi kong 17 :shock: huwattt!! hahaha!

    Internationally naman…si bugs bunny :grin: wow iba pala si gloria pang world wide hahaha!

    bluepanjeet reply on August 3rd, 2008:

    aba eh di nauto pala ako nung kaibigan ko haha. ayoko din kasi kumuha dati ng voter’s id o registration kasi aksaya din sa panahon. Eh sabi ng barkada ko minsan daw hinihingi sa trabaho sa manila, sa pag abbroad at pagtotourist.

    yari sa akin yung kaibigan ko na yun LOL

    maganda ang impersonation sa kanya ni michael v dati sa bubble gang haha tinitingnan ko pa lang sya natatawa na ako. lalo na pag umimik haha kulang na lang gawing bingot si michael v sa sobrang emphasis dun sa nguso LOL

    Basta pag nakita ko si madame, di autograph hihingin ko. papakagatin ko sya sa braso ko hangdang mag marka ngipin nya LOL

  14. MyAvatars 0.2
  15. By GeLi on Aug 3, 2008 | Reply

    Ahaha! Mejo uto uto ka rin pala :D nyaha!

    pwede bang picturan mo yung kinagat nya sau then forward mo sa email ko…para atleast ako rin may souvenir ahaha!

    btw sensya na kung di ako nagpaalam na niadd kita sa blogroll ko ha…im not into ex links kasi and nabasa ko yung article mo about dun..and it is damn true…may kilala kong ganun. T.H haha!

    [Reply]

    bluepanjeet reply on August 3rd, 2008:

    Oo haha shhhh atin lang yun haha

    oo ba. gusto mo pakagatin ko pa si madame sa marmol, para pag bumakat eh di na kailangang ilaminate haha

    ay no problem sis. I would do the same thing if I was in your place. Actually di ko nga maisip ang logic kung bakit kelangan pa mag paalam na inad mo sya eh, though ginagawa ko ring magpaalam, pero di ko maintindihan hehe kasi the main point of having a domain is to make others link you. kaya nung bago pa lang ako I can’t understand why people are asking me if they could add me in their blogroll. haha eh pabor pa nga pag inaad eh. Pero nakasanayan ko na na magpaalam, hindi para subliminally to tell the person to add me as well, but rather to say to her that I love her blog and I am linking it because I want to read more.

    GeLi reply on August 3rd, 2008:

    Anti spam word: “niyog” hahaha katuwa naman haha

    Wow ang tibay marmol pa :shock: hang tibayyyy!! hahaha

    For me its just a sign of respect…ung iba naman kasi..magrereact lang sa blog mo just to ex links..pathetic.. :mrgreen:

  16. MyAvatars 0.2
  17. By yatot on Aug 4, 2008 | Reply

    damn with fuschia pink gown… hahahhaha…! i hate everything about gloria’s SONA… especially the fifty centavos text… hanggang nga ngayon piso pa din ang text ko… and promo nga lang ito!!! damn!

    btw, thanks for the comments sa love diaries… :)
    yatots last blog post..Chapter 2: A New Adventure Awaits!

    [Reply]

    bluepanjeet reply on August 5th, 2008:

    Haha ewan ba kung bakit yun ang kulay na napili nya. lalo tuloy nangitim LOL

    wag ka maniniwala brods sa mga sinasabi sa sona. Eklat lang yun

    no problem. I had a great time reading the love diaries series mo.

  18. MyAvatars 0.2
  19. By monaco on Aug 4, 2008 | Reply

    Ayaw ko ng magcomment tungkol kay Gloria, tumataas presyon ko eh. Dun na lang sa showbiz.

    Kay Echo: Bakit, may career pa ba siya? Ha ha ha.

    Kay Annabelle: Mahirap na kalaban yan. Basta tungkol kay Rofa, Rechard at Rimond. Palaban yan! Ha ha ha.

    At sa lahat ng politiko, ang masasabi ko lang sa kanila eh, “Anak ng fuchsia silang lahat!” Ha ha ha.

    Peace.

    monacos last blog post..who will light the 2008 Beijing Olympics flame? and how?

    [Reply]

    bluepanjeet reply on August 5th, 2008:

    ayan sige showbiz naman tayo hahaha

    tol ilang sphere na nasasakup ng blog natin, may showbiz, sports at politics haha.

    hahahaha ang taray nyang se besaya ano hahaha

    Fuchsia is the new orange haha

    monaco reply on August 5th, 2008:

    Lam mo naman tayong mga Pinoy magaling sa lahat lalo na kapag politiko at showbiz ang pinagusapan. Sa mga contest nga sa Wowowee at Eat Bulaga, di makasagot ang mga constetants sa general knowledge. Pero tanungin mo kung sina ang ka love team ni Sara, alam! Ha ha ha.

    monacos last blog post..who will light the 2008 Beijing Olympics flame? and how?

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word