RSS Feed for This PostCurrent Article

Wrong Send

342

I was busy with a lot of things lately that I seldom use my cellphone for forwarding text messages or contacting purposes. Since I started my blog as a sideline and moonlighting between the real world and the cyberworld, I had no time to entertain Jokes, irrelevant questions and senseless messages on my sms inbox. Kaya nga ako nagpalinya sa Sun para tatawagan ko na lang yung contact pag may importante. My contacts know that I don’t engage anymore in useless conversation on sms because time is really precious to be wasted on pushing the buttons for a character to appear. Pero my number in globe haven’t been changed for 5 years now. Yun pa rin gamit ko na number. And unfortunately may mga estudyante pa rin ako na walang habas magtext and kapag walang magawa sa freetime nila ay textmode pa rin kahit minsan talagang istorbo na.

Since last year I stopped replying to text messaging because sometimes it ends up in useless waste of money. Mga Kakosa, piso ang text, sa isang usapan, maswerte na namaka 30 send ka, swerte mo pa pag di busy ang network. pag ka minsan pa pag unlimited ang may ari ng number, di lang isa o dalawang beses ka itetext, as in tone-tonelada na same messages. Parang sa bulletin ng friendster, di makuha ng isang post, gagawin lima agad ang ibubulletin na iisa lang naman ang laman. Ang kulit ano?

Pero sa lahat ng ayaw ko sa cell phone user ay yung i-mimiscall ako o kaya sasabihin sa akin wrong send. Sometimes I wait for very important calls, kaya nga ako nagcellfone eh di para pang lamyerda o pang liwaliw, pang emergency kakosa, but oftentimes, some of my contacts miss call my number. Ang tanong ko bakit naman kailanagan pang i-miss call? Pwede namang tumawag na lang. Kung wala din lang naman sasabihin na matino, at wala din lang naman importante na message, eh bakit naman mag mimiscall pa?

Di ba nakakainis yung natutulog ka ng mahimbing tapos magigising ka sa tunog ng cell mo only to find out na miss call lang pala? O kaya naman may inaantay ka na importante na tawag tapos hunos dili ka sa pag sagot, yun pala miss call lang?

Kalimitan di ako sumasagot sa mga generic messages like “musta”, “asan ka”, “hello” at “oist”. Pakiramdam ko kasi sayang sa reply. Mahal na kaya gasolina ngayon at bawat piso ay mahalaga! kaya pag ako nagtetxt sinisigurado ko na mahaba ang sagot ko para tapos ang usap at klaro. Minsan nga kahit binubluff ako na importante di ako nareply kasi kung talagang importante kahit wala ka pang load, gagawa ka ng paraan para matawagan ako. May landline naman diba? at alam naman nila landline ko.. nakasulat naman sa directory ang napakalaking pangalan na Bluepanjeet Pogi 574-0809.

Pero kanina medyo nagpanting ang tenga ko sa palitan ng text namin nung isa ko estudyante dati.

Nagising ako ng tanghali kasi nagtunog ang cell ko na may Transformers ringtone— “(Tunog Soundwave) Autobot Invader! Autobot Invader!” so sa pagaakala na importante eh binuksan ko at eto ang mesahe:

SIYA: I mean It… sori poh!!wla n aq pride, 4gv me n plz!!…. sorry! sorry!!

Nagtaka ako. Hindi kasi ako nagrereply sa text so inakala ko na akala nya na galit ako sa kanya kaya di ako nareply sa text. So nag-atubili ako magreply para lang ba na i-assure na wala sya dapat ikabahala…

AKO: “Huh saan? Wala ako load kaya d na ako ngttxt. 4 emergency purposes lang ito. Db inadd kita sa YM? Nu ba kau, okay lang ako. D ako galit. BC lang.”

SIYA: “Ah… naku sori poh! wrng sent lng poh… ah sbra po b bc? cenxa n po n diz2b q kau… ingat po lge… Godbless…

AKO: “Palagi ka wrong sent hehe. Ganyan din cnasabi ko pag di nagrereply ktxt ko. Di lang 20 times ka nagwrong sent. D aksidente un.

SIYA: “Ahh yung dati po cguro d accdnt… ung kanina po accdnt tlga… s bf q po un eh… sori po tla… ahm bka bc kau ngaun bka naka2is2rbo aq!!”

AKO: “Yes lalo na pag ‘accident’ ang txt hehe. Try mo i-rename ang pangalan ko (sa phonebook mo) as xerex baka kako sakali di ka na ma-wrong send.”

SIYA: “Opo Xerex!! sori po ulit… d na po mault!… gudday!! Godbless…

Isa siguro rin sa dahilan kung bakit ako nagresign sa pagiging professor ko sa university ay dahil sobra ako nakukulitan sa mga estudyante lalo na sa text. Dumating yung time na tinawagan ako ng estudyante kong babae ng alas dos y media ng madaling araw para lang sabihin sa akin na di sya makakapagsubmit ng project kinabukasan. Meron ding times na minuminuto tinetext ako ng mga estudyante sa kung ano anong bagay na kaya ako napilitan noon na magunlimited ay dahil na rin sa talo ako sa load. Di mo naman pwedeng i-ignore kasi minsan problema nila sa pamilya o love life ang tema ng text. Minsan pa nga suicide ang topic sa text eh.

The probability of wrong sending a message to a same recipient is 1 is to 1,100. Of course with the innovation of today’s cell fones it is very unlikely that you commit the same mistake over and over again. This same person sent me over 20 wrong messages for the past 2 years and I always tell her that you sent it wrong. Except this one because I really thought it was for me. Ikaw? if you have sent a wrong message for over 20 times, do you still need a manual of instructions on how to avoid the same mistakes again? Sometimes kasi sa buhay, yung mistakes na ginagawa natin ay hindi coincidence o accident. Sometimes we do it over and over again just to get attention or to drive on a point which is not anymore relevant to the current situation. We do it on purpose so that we can gain more sympathy towards our peers. Which in some cases you don’t have to solicit any pity because we are capable of standing for our own. In psychiatric parlance, this is a defense mechanism.. very unhealthy especially when you are growing up but your mental and emotional age aren’t?

Ikaw naniniwala ka ba na wrong send yun?







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2007 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License










Trackback URL

  1. 10 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By Leap of Faith! on Jul 9, 2008 | Reply

    Bluep, mukhang ang dami mong nakukuhang wrong text ah. I suggest for you to just ignore the text message especially if it comes from mga acquaintances lang who don’t usually text you. As you said, if they were serious to talk to you they would call you ke may load sila o wala.

    Tingan mo yung text mo sa taas, you wasted P3 kaagad doon at naasar ka pa sa huli. Maraming tao na wala lang magawa.

    [Reply]

    bluepanjeet reply on July 9th, 2008:

    Ignore mode talaga ako. kanina lang kala ko sa akin. pwede naman kasi itxt ako at sabihin na wrong send po. haha. Minsan kasi style nila yan. di nila masabi ng diretsahan gusto nila sabihin kaya dinadaan sa wrong send na ang totoo sinadya LOL. Mga bata pa kasi. Kala mura pa load ngayon.

    bluepanjeets last blog post..Wrong Send

  4. MyAvatars 0.2
  5. By Mahalia on Jul 9, 2008 | Reply

    if you can’t relate to my motherhood, i can’t relate to the cellfone era. when cellfones became popular in the Phil. I was on my way to Palau. No cellphones there. When all the name brands became affordable, i was ready to get married and move here. Now, I don’t need it. I rarely go out, hermitanya na ako. Make me do Photoshop or operate the HD camera but not the cellphone. I’d me be lost. All that said, the real reason is that i simply don’t have friends to call… :razz:
    Mahalias last blog post..Snippet of a Birth Day

    [Reply]

    bluepanjeet reply on July 10th, 2008:

    haha oo nga pala ano, year 1999 siguro ka umalis no? that was the time unang lumabas yung nokia 5110 eh. dun din nauso ang text

  6. MyAvatars 0.2
  7. By ifoundme on Jul 10, 2008 | Reply

    naalala ko tuloy yung friend ko na nagwrong send din ng message backbiting another officemate and sending it to that officemate.. hehehe! ayun… patay sya…

    if it’s really sent wrongly, kulang sa focus yang taong yan…. hmmmm…. i think may crush sayo yung student na yun… di mo ba naisip yun? yihiiii….

    ifoundmes last blog post..2 quotes

    [Reply]

    bluepanjeet reply on July 10th, 2008:

    LOL hindi ko iniisip yun. sa akin lang sana kung may sasabihin diretsahin. ilang beses na kasi yun. medyo naiinis ako pag madami kyeme. mas simple mas okay sa akin.

    ganito kasi mechanism nyan eh. pag tinanong ko kung sino ba sinasabihan nya, ayun magsasabi na sya ng problema nya. napakadali ako kausap. pero hindi lang naman kasi isang beses, madami na hehe. and sometimes kasi ang siang gimik ginamit mo ng paulit ulit, gas gas na yun. kumbaga wala ng dating. magtatanong ka na kung sadya ba o hindi. LOL

    jindi naman siguro kasi di naman ako yummy LOL

  8. MyAvatars 0.2
  9. By chuvaness on Jul 10, 2008 | Reply

    eh pano pag load ang na wrong send sayo anong gagawin mo?

    a. mag reklamo ka kaya
    b. magpasalamat kase may mga mali mali

    nyyyyyyyyyahahahaha

    ganun talaga. no one is perfect. pwedeng magkamali. pwede din maulit ang pagkakamali. kaya nga may HONEST MISTAKE eh. besides, PERFECT is BORING.

    so feeling mo nagpapapansin yung estudyante sayo?? uyyyyyyyyy…may gusto hahahahahaha baka yan na si ovaltine. wohoooooooo!!!

    hoy wag kang masyadong assuming. buti nga sayo may nag t-txt eh ako gusto ko na itapon tong cellphone ko puro 2346, 2861, 2327 bwiseeeeeeet

    o sya sya. wrong send ito. hinde para sayo. LOL

    [Reply]

    bluepanjeet reply on July 10th, 2008:

    ibang level yun. You cannot compare a cat to a dog, most likely, an honest wrong send and a deliberate one.

    Kung may natangap ako na load na wrong send, to be honest, binabalik ko. yan totoo. and sinasabi ko sa nag wrong send ng load na mali yung number na sinend nila para di na maulit.

    pero yung more than 20 times ka mag wro-wrong send, its bull. five times pwede pa, pero more than twenty, siguro dapat na icorrect kasi its an obvious defense mechanism. in nursing it can be categorized as “acting out”

    I beg to disagree bords, there is no such thing as honest mistake done 20 times or more. Stupidity tawag dun. Direct avoidance to change. That’s true that we are not perfect but we are given the intellect and will power to change. Pag ganyan lagi dahilan na no one is perfect at ginagamit na rationalization, then we are all in big trouble. wag na nga namang magbago kasi di naman pala tayo perpekto eh. haha

  10. MyAvatars 0.2
  11. By Amor on Jul 11, 2008 | Reply

    “Ikaw naniniwala ka ba na wrong send yun?”

    Kung ilang beses na nangyari, wrong send pa ba yun? I think sinasadya na nya yun para lang maka- usap ka, hehe!

    Kapag may nagwrong send sa akin, fwd ko sa number nya, sabay type ng malaking wrong send! Tamad din akong magtext kaya hindi ako naglo-load. Naranasan ko ngang ma expire-ran ng 300 na load eh.

    Amors last blog post..Sean’s First Day at Nursery

    [Reply]

    bluepanjeet reply on July 13th, 2008:

    natumbok mo kapatid. pwede naman ako diretsahin eh. I’m very approachable and accomodating even sa text, syempre lang kailanagn naman sensible. Ayoko kasi madaming eklat. Ako yung tao ba na walang ka-arte arte sa katawan. I am easily turned off pag KSP at Obsessed hehe. Not that Im saying that she is, just saying my piece here. gusto ko derechahan. ang arte ko lang ay pagdating sa blog ko haha

    bluepanjeets last blog post..Inggit

  12. MyAvatars 0.2
  13. By airwind on Jul 11, 2008 | Reply

    LOL subrang natawa ako dun sa palitan nio ng text .. hahaha xerex??? wahahahha

    airwinds last blog post..Fun Post

    [Reply]

    bluepanjeet reply on July 13th, 2008:

    haha para walang katulad na pangalan sa phonebook. dahilan nya kasi kalapit daw ng pangalan ko ang bf nya eh ilang beses na sya na wrong send at ang dahilan ay kalapit ng pangalan ko si ganire, si ganito. maniniwala ba ako na lahat na lang ng katext nya eh kalapit ng pangalan ko haha. kasi ako pag lasing minsan nagkakamali din ng send pero sinasabi ko agad at di na nauulit yun kahit kelan. kaya sa phonebook ko, iba iba ng characters para maiwasan ang wrong send.

    bluepanjeets last blog post..Inggit

  14. MyAvatars 0.2
  15. By Kotsengkuba on Jul 11, 2008 | Reply

    suplado! hahaha

    actually nasend nya naman sa tamang tao yun then sinadya nyang isend sayo to make you curious and then. tapos ihihinga nya na sayo ang problema tapos hihindi ng opinion, tapos hindi naman nya susundin because the point of sharing the issue with you is not actually to ask your opinion whatsoever but just to share to you the problem. yun lang, para maglabas ng sama ng loob and at the same time, to let you know that the person exists as a “normal” human being just like every “normal” human being in that age bracket experiences. [read: yeah! i'm having hearth-aches, you're not. i'm normal, you're not]

    actually, ako yung nagsend sayo nun. hahaha ;-)
    Kotsengkubas last blog post..Litratong Pinoy 0827 » Tatak Pinoy

    [Reply]

    bluepanjeet reply on July 13th, 2008:

    hahaha syempols haha wafu eh LOL Joke.

    natumbok mo haha. yan nga yung sinasabi ko sa taas ke malen eh haha.

    bata pa kasi. naiintindihan ko naman kaya nga lang sobra naman yung twice a month.. read: more than twenty times haha.

  16. MyAvatars 0.2
  17. By manilenya on Jul 11, 2008 | Reply

    kapatid na panjeeeeeeeeettt baka may crush sayo lol…o baka stalker mo na yan lol!

    manilenyas last blog post..US$700 goal for Nikon D60 and my mutterings

    [Reply]

    bluepanjeet reply on July 13th, 2008:

    LOL di ko iniisip yan ate bebe. LOL di naman kasi ako yummy sa personal LOL

    manilenya reply on July 13th, 2008:

    Yummy o hindi yummy sa personal yummy ka pa rin para sa kin lol!

    bluepanjeet reply on July 13th, 2008:

    labs na labs talaga kita ate bebe haha you made my day

    bluepanjeets last blog post..Inggit

    manilenya reply on July 13th, 2008:

    labs na labs din kita..pakasal na tayo daleeeeeeeeee lol!

    manilenyas last blog post..Bubbly

    bluepanjeet reply on July 13th, 2008:

    haha loko ka talaga haha. sige ate bebe para maging immigrant na ako sa canada. Magpaimmigrant ka muna saka ako papakasal sayo haha joke lang. papalamunin mo ako ate bebe ha dakilang tambay kasi ako. allergy ako sa trabaho LOL. Pramis pag nakarating ako sa tate kung kelan man yun at mukhang hindi na, eh date tayo sa niagra falls para naman nasa border ng US at canada haha

    bluepanjeets last blog post..Inggit

    manilenya reply on July 13th, 2008:

    hehehe sige i blueprint natin yan lol! naghahanap kasi ako ng boypren e lol! kahit na palamunin okey lang kaya nga ako nagtatrabaho e lol!

    mwahahahaha! naloloka nga yata ako kapatid na panjeeeeeeeeeeeeeeettttttttttt! lol

    manilenyas last blog post..Bubbly

  18. MyAvatars 0.2
  19. By Meeya on Jul 11, 2008 | Reply

    ako naman peeve ko ang magbasa ng text lingo! alam ko kailangan mag-save ng space pagnagt-text, pero kung mahaba yung message at di kasya ng isang send lang, sana tumawag na lang para sabihin.

    ang mas nakakainis pa, yung gumagamit ng text lingo kapag nage-email! hello, email na nga pwede mo na isulat yung message mo kahit isang milyong karater pa, pero text lingo pa rin. kung di ko lang mahal yung nagse-send di ko babasahin, haha!

    at oo, konting konsiderasyon man lang sana mula sa mga texters at callers. ay ako pag di ko kilala ang number, hindi ko sinasagot (lalo na dito na may bayad ang outgoing AT INCOMING sa cellphone! hello, di ako riche.)

    ang ginagawa naman ng aking kaibigan na isa ring guro, meron siyang dedicated na smart (or sun) number para sa mga estudyante niya. yun lang yung number na binibigay niya dahil nadala na rin siya dati sa kakakulit ng mga estudyante, hehehe. yung globe number niya naman ay specifically para sa pamilya at friends lang. kaya alam niya pag nag-ring or may nag-text ng “family” phone, alam niyang importante. pag yung isa naman, alam niyang makakahintay. at, napapatay pa niya yung “school” phone pag tutulog na siya, kaya di siya maiistorbo hehehe. wala lang, tip lang. :)

    [Reply]

    bluepanjeet reply on July 13th, 2008:

    “sana tumawag na lang para sabihin”

    korek. kaya nga ako nakapagpakabit ng SUN cell para tatawag na lang ako hehe

    maniwala ka o hindi, napupuno inbox ko dahil sa mga anonymous texters. ang nakakainis dun di mo na nga kilala, magmimiscall pa. kaya never ako nagbibigay talaga ng number simula non. sa mga talagang ka close ko at family members.

    may spare ako number, yun ang binibigay ko simula noong natauhan ako. pinapatay ko talaga lalo na sa gabi. minsan nga di ko na binubuhay eh. yung iba matalino na eh, pag nagbigay ka ng number imimiscall agad nila. kaya hindi ako minsan makapagbigay ng fake number haha.

    bluepanjeets last blog post..Inggit

  20. MyAvatars 0.2
  21. By kamotenista on Jul 13, 2008 | Reply

    aray, tinamaan ako…san galing ang bato na yun?
    isa akong tamad sa gawaing text kaya kadalasan may wrong send ako… kaya col na lang ang ginagawa ako….

    pero hindi naman gaya dun sa wrong send na yan…obvious na yan!

    kamotenistas last blog post..Kuya Jesus, Be My BMW

    [Reply]

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word