RSS Feed for This PostCurrent Article

Ang Tunay na Kalayaan

311

Sabi nila ang kalayaan day ay isang kayamanan kahit kelan ay di matutumbasan ng pera. Sang ayon ako dito sapagkat ang bawat nilalang, maging tao man o hayop ay binigyan ng ganitong biyaya ng maykapal. Ang depenisyon ng kalayaan para sa marami ay ang “Gumalaw, magsalita at gumawa ng anumang bagay ng walang uri ng paghahadlang o pagkitil”

Ngunit tila simula nang tayo ay lumaya sa kamay ng dayuhan isang daan at sampung taon na ang nakakaraan, ay tila inaabuso natin ang ating kalayaan. Makikita natin ito sa ibat ibang aspeto ng ating lipunan.

Sa Telebisyon, malayang naipapalabas ng mga estasyon ang mga malalaswa at bayolenteng panoorin sa harap ng mga bata.

Sa politika, malaya nilang nagagawa ang nais nilang gawin, malaya silang ipitin ang mga nais ipitin, at malaya nilang nakukuha ang mga kayamanaang kanilang nais angkinin.

Sa ating Sandatahang lakas, malaya nilang napapatay ang mga taong tinuturing nilang laban sa gobyerno at malaya din silang nakakapag akusa at kulong ng mga taong sa kanilang wari ay mga subersibo na wala man lang sapat na batayan upang patunayan ang mga ito.

Sa ating mga eskuwelahan at unibersidad, malaya ang mga guro at mga propesor na ibagsak ang mga estudyante sa tingin nila ay mas matalino sa kanila at mas may alam, tila ayaw papatalo sa mga taong likas na biniyayaan ng talino ng higit sa kanila.

Sa ating mga kababayan, malaya silang nakakapagnakaw, nakakapanamantala ng kababaihan, nakakapambugbog ng mga bata at nakakahila pababa ng mga taong umaangat dahil sa sariling kapakanan.

Kung ito nga ba ang ating kalayaan ay ayaw ko na. Sapagkat ang kalaayan ay may kaakibat na limitasyon ayon sa kabutihan ng nakararami. Kung sa sariling pamamahay natin o sa maliliit na mundong ginagalawan natin ay di natin maipatupad ang tunay na ibig sabihin ng kalayaan, ay ano pa at ipinagdidiwang natin ang pambansang araw ng kalayaan? ang kalayaan ay dapat may kasamang “Malayang Isipan” upang maging matatag lalo ang demokrasyang ating pinagpipitagan.

(Ang larawan sa taas ay kuha sa akin ng isang kabarkada sa bundok ng makulot sa Cuenca, Batangas noong taong 1996. Ako’y 3rd year college ng mga panahong yaon.)







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2005-2008 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License









Trackback URL

  1. 15 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By lino on Jun 12, 2008 | Reply

    maligayang araw ng kalayaan…:)

    linos last blog post..kalayaan…(freedom)

    [Reply]

  4. MyAvatars 0.2
  5. By lidie on Jun 12, 2008 | Reply

    oo nga… tama ka… nakakalungkot talaga pag inaabuso ang kalayaan…
    magandang huwebes sa’yo!

    lidies last blog post..LP #11 :: Kalayaan

    [Reply]

  6. MyAvatars 0.2
  7. By ces on Jun 12, 2008 | Reply

    marami talagang kahulugan ang kalayaan ano…maganda ang iyong akda

    cess last blog post..LP #11: i have a tale to tell

    [Reply]

  8. MyAvatars 0.2
  9. By ShutterHappyJenn on Jun 12, 2008 | Reply

    Naku, sana ako rin ay makaakyat ng bundok!

    Ang aking LP ay nakahain na rin sa blog na ito:
    Shutter Happenings

    Sana’y makadaan ka. Salamat!

    ShutterHappyJenns last blog post..Kalayaan

    [Reply]

  10. MyAvatars 0.2
  11. By Pinky on Jun 12, 2008 | Reply

    Kakalungkot nga ang pang-aabuso sa ating kalayaan. :( Kaya naman lugmok pa rin ang bayan sa kahirapan…

    Pinkys last blog post..LP #11: Kalayaan

    [Reply]

  12. MyAvatars 0.2
  13. By Surfergirl on Jun 12, 2008 | Reply

    mukha ngang nakatagpo ka ng kalayaan sa litrato mo!

    Surfergirls last blog post..Thursday Thirteen # 2: 13 Women I Find Beautiful

    [Reply]

  14. MyAvatars 0.2
  15. By Kotsengkuba on Jun 12, 2008 | Reply

    Tama! Ang tunay na kalayaan ay hindi nakikita sa panlabas na anyo lamang. Hahaha, kalayaan ko ‘to right? Don’t judge the book by its cover. ;-)
    Kotsengkubas last blog post..Litratong Pinoy 0824 » Kalayaan

    [Reply]

    Kotsengkuba reply on June 12th, 2008:

    sya nga pala, ang larawang ‘yan ay kuha sa mt. maculot. wag nang ipagkaila dahil may ganyan din kaming fixtures ;-)
    Kotsengkubas last blog post..Litratong Pinoy 0824 » Kalayaan

  16. MyAvatars 0.2
  17. By Thess on Jun 12, 2008 | Reply

    hindi nga magdang klaseng ‘kalayaan’ ang mga nabanggit mo. kahit ako ay aawayan ko.

    ganda ng pic, kapatid!

    Thesss last blog post..LP #11- Kalayaan

    [Reply]

  18. MyAvatars 0.2
  19. By teys on Jun 12, 2008 | Reply

    ang bawat karapatan ay may kaakibat na responsibilidad … nawa’y di natin ipagsantabi ang ating kalayaang mamili.

    happy lp!

    teyss last blog post..LP#11 - Kalayaan

    [Reply]

    bryan reply on October 15th, 2008:

    tama ka dyan :

  20. MyAvatars 0.2
  21. By Buge on Jun 13, 2008 | Reply

    Nakakalungkot ngang isipin na totoo lahat ng sinabi mo. Anyway, pareho tayong 3rd year third year college nung 1996. Una kong naakyat ang Mculot noong 1995 yata. :)

    Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!

    http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html

    Buges last blog post..1st Litratong Pinoy EB: Kodakan Para Sa Kalayaan

    [Reply]

  22. MyAvatars 0.2
  23. By Clicking Away on Jun 13, 2008 | Reply

    Bluep, nakakalungkot ngang isipin kung ano ang nangyayari sa ating lipunan.

    Ang ganda naman ng iyong litrato. Parang ang sarap umakyat sa taas ng bunok at sumigaw lang ng malakas.

    Happy LP!

    Clicking Aways last blog post..LP011 - Kalayaan

    [Reply]

  24. MyAvatars 0.2
  25. By julie on Jun 13, 2008 | Reply

    Masalimuot ang usaping kalayaan, lalo na sa ating bansa.

    Ang ganda sa lugar na iyan, siguro marami nang bahay diyan ngayon :)
    julies last blog post..Kalayaan - Freedom

    [Reply]

  26. MyAvatars 0.2
  27. By christine on Jun 13, 2008 | Reply

    ang sarap naman na pakiramdam yan.. masarap ang simoy ng hangin, maganda ang kapaligiran..

    happy weekend!

    Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
    BusyMom: LP1 Kalayaan

    christines last blog post..LP 1: Kalayaan (Freedom)

    [Reply]

  28. MyAvatars 0.2
  29. By Linnor on Jun 13, 2008 | Reply

    kakatuwa… ala bruce almighty ang pose na yan… :D
    Linnors last blog post..Kalayaan

    [Reply]

  30. MyAvatars 0.2
  31. By scart on Jun 14, 2008 | Reply

    awww mabuti naman at natagpuan mo na ang kalayaan mo :mrgreen: kay ganda ng iyong paksa para sa LP…

    [Reply]

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word