RSS Feed for This PostCurrent Article

Tree Hundredth

300

Sabi nila ang buhay daw nating mga tao ay parang isang puno. Tayo daw ay nagmula sa mga butil ng binhi na minsan dala ng mga ibon sa himpapawid, o kung minsan naman daw ay ka-alinsabay ng ihip ng hangin, lumulutang sa ere at napapalad kung saan man dalhin ng tadhana. At kapag ang hatol ng kapalaran ay dapat na tayong sumibol, magsisimula ang ating pagka-lalang bilang isang binhi na itatanim sa ilalim ng lupa. Mula sa isang mumunting biyaya ng lupa ay tayo ay aahon bilang isang halaman na una pa lang nasilayan ang mundiong ginagalawan. Lilipas ang mga araw at tayo ay madadampian ng mga luha ng kalangitan at ligaya ng kaarawan na magbibigay sa atin ng lakas upang ipagpatuloy ang nasimulang pagkalalang. Sa sal-itan ng panahon, araw man o ulan, dito tayo unti-unti lumalaki, tumataas, at yumayabong. Pagkalipas ng maraming taon, tayo ay magiging isang matayog na Puno, mamumunga, magbibigay lilim at sa kalaunan, sya namang magbibigay ng binhi upang ang iba ay malalang, mabuhay at maging bahagi ng ikot ng ating buhay. Sa “The Hundredth” Nakilala nyo ang Tao sa likod ng blag, samantalang sa “Too Hundredth” nakilala nyo ang mga kaibigan sa likod ng blagista. Dito sa “Tree Hundredth“, masdan at balikan ang buhay ng blagista at may akda bilang isang alegorya ng isang puno- mula sa kanyang pagiging puno pabalik mula sa kanyang pagiging binhi… Bawat gunita ng nakalipas ay mababalikan lamang kung tatahakin ang landas ng nakalipas, hindi pa pa-abante kungdi pa-atras. Samahan nyo ako sa aking pagbabalik tanaw sa aking kabataan…

treehundredth (46)

Kuha noong ako ay mag aanim na baitang na, bakasyon at katutuli ko pa lamang. hehe. Isa ito sa mga pinagkakabalahan ko nung bata pa ako. Kasa-kasama ako ng aking ama sa construction site na minamanage nya. Bakit kaya di na lang ako nag engineer? hehe


treehundredth (44)

Grade 5 ako dito, kasama ko si Jonathan Varquez na kabatchmate namin. Drummer kami sa Lyre Band ng school namin. Habang nagpapahinga kami, sabi ng photographer kukunan daw kami. Pumayag kami sa pagaakala namin na libre. Makalipas ang sabado at linggo, inabot sa amin ito ng aming adviser at pinagbayad kami haha.

treehundredth (43)

Mag-gragrade 5 ako dito, bakasyon ng Grade 4. buhat ko dito ang isa sa mga paborito kong pinsan na nakatira na ngayon sa US. I think she is 3 years old in this pic.

treehundredth (42)

Christmas party ng Grade 4 hehe. Bata pa japorms na LOL. Kita nyo yung relo ko? padala yun ng tita ko sa tate, yun ang pinakauso na relo noon na minomodelo pa nga dati ni Mikey Cojuangco at Alvin Patrimonio. Noong panahon na yon imposibleng makabili ng ganung klaseng relo kaya naman nung Christmas party sinuot ko. Di ko alam na mahal yun noong una kasi wala naman ako pake noon kung mamahalin ba o hindi basta maganda at gusto ko susuotin ko. Haha kita nyo naman tikling na tikling ako noon haha

treehundredth (41)

Ito ay kinuha noong ako ay Grade 3 sa bahay ng aming tinutuluyan sa Pakil Laguna. Parati kami dito tuwing may Lupi sa Pakil. Ang batang kasama ko ay inaanak ng aking ama.

treehundredth (40)

Ako ay Grade 2 dito. Nung time na kinuha ito, galit ata ako kasi pinagbihis na ako ni mudra eh samantalang yung mga kalaro ko ay andun pa sa swimming pool at nagtatampisaw pa sa tubig. Kinunan pa ako ng nanay ko haha. Birthday ko ata ito.

treehundredth (39)

Ito ay noong birthday ko. Kasama ko dito yung mga kababata namin at anak ng mga kabarkada ni Pudra. Kita nyo naman walang makasakay sa timbulan (salbabida) kungdi ako lang. Takot at baka masuntok ko LOL Salbahe ako noon LOL.

treehundredth (38)

Eto yung time na palagi ako pumapanhik ng entablado everytime na may convocation. Pagdating ng HS unti unti nang nawala ang mga pagkakataon na pumunta sa entablado kasi talagang nagloko ako haha. Palaging kulang ng 1 point sa attutude kaya nawawala sa honor roll LOL

treehundredth (37)

Grade 2 ako dito. Pinalaban ako ng teacher ko ng debate. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung papupuntahin ako ng entablado dahil sa totong buhay mahiyaain ako. Ito yung mga situation na wala ako magawa kungdi sumunod sa teacher kahit pa gustong gusto ko na noon na lumubog sa aking kinatatayuan. Nanalo ata ako dito. Ang topic ay kung saan magandang tumira, sa probinsya ba o sa siyudad. Syempre promdi ako kaya nanalo ako LOL Itong kalaban ko na ito ay nakaklase ko noong Grade 6 ako. Sya ang naging presidente namin. At dahil sa magulo ako sa klase at pala tawa, binato ako minsan nyan ng eraser na hindi naman kinondena ng techer ko. Ala pagkatapos ng klase ng alas kwatro, tinambangan ko ang ayuf sa Timbre (tindahan ng mga laruan sa tapat ng school) at binigyan ko ng isang malutong na suntok hahaha. Simula noon di na ako binabato ng eraser, chalk na lang hahaha

treehundredth (36)

Grade 2 ako dito, I think this was during our First Communion. Dapat ble-bless kami kay Father pero ewan ko kung bakit kumamay ako haha. Parang nanalo sa election LOL. Ito yung nagsimula ang fascination ko sa priesthood dahil itong pari na ito ang chaplain namin noon. napakagaling maghomily at napakabait sa aming mga bata.

treehundredth (34)

Isa pa ito sa mga kinaa-asaran ko noon. Pinaganap ako ng teacher ko na Big Bad Wolf sa Little Red Riding Hood play. Hindi talaga ako mahilig sa mga ganyan kaya iyak ako ng iyak noong naatasan ako na gumanap nyan. Ipinagpatahi pa ako ng aking ina ng Buntot haha. Kaya ayaw ko sumali sa mga ganyan noon kasi palagi ako naiiwan sa Classroom para magpraktis samantlanag yung mga kalaro ko ay nagjojolen at nagtetxt na sa field. Di ako makasali kasi nga gawa ng mahadera ko na teacher na palagi kami prinapraktis tuwing hapon ng labasan. haha Kaya simula noong HS noong meron na akong karapatan na tumangi, di na ako nagsasali sa ganyan, sa likod na lang ako taga gawa ng props, at tumigil na rin ako sa pagsali sa mga dramatics club after ko maka-alis dun sa isa pa naming teacher na walang ginawa kungdi magpumilit sa akin na sumali sa club nya at magsabi ng FREEZE! hahaha

treehundredth (35)

Curtain call ito pagkatapos nung play. Kita nyo ba yung girl sa tabi ni Ms. Red Riding Hood? Tawagin na lang natin syang Judy Ann haha. Sya yung crush na crush ko noon Grade two until third year Grade 9 haha (tagal noh?). Before magsimula yung play, palagi ako lumalapit sa kanya at kinukulit ko, until napikon sa akin hinampas ako noong hawak nya na puno haha. di na ako lumapit noon at baka masugatan ang handsome face ko eh di ko pa magampanan ang role ko haha. Kaya ayan, di ako lumapit at sa kabila ako tumayo, ayoko nga madagdagat ang latay ko sa katawan haha.

treehundredth (33)

Eto yung Graduation namin nung Kinder kami. Yung girl na katabi ko ay itago na lang natin sa pangalang Claudine haha. Sya yung crush ko nung kinder na palagi ko kasama sa recess LOL. Anak sya ng kaibigan ng tatay ko at magkaklase kami sa kindergarten. Ang nanay kong intrimitida, pinaupo ako sa tabi nya para kunan kaming dalawa. Hiyang hiya ako kasi yung line nila ay puro babae tapos yung mga katabi nya niloloko kami na “uuyyy may gusto” hahaha. kaya ayan ang mukha namin, pulang pula at tulala hahaha. Hindi ko na nakita pa sy Claudine till College nung malaman ko na isa na sya sa manager ng Jollibee. Nung nagtrabaho ako sa Nestle nung regency ko dati from the seminary, nalaman ko na asawa pala sya nung kaofficemate namin haha. Simula non pag nagyayaya ka-officemate namin sa bahay nila di ako nasama haha.

treehundredth (32)

Eto yung teacher ko nung Kinderny. Kita nyo si mudra mahadera talaga haha. Pati ba naman enemy no.1 ko pinapose sa tabi ko haha. Alam nyo ginagawa ni mam kaya nakatungo? “kinukurot ako sa ikod at binubulong sa akin “wag kang magsusumbong sa mommy mo kundi malilintikan ka sa akin” hahaha

treehundredth (30)

This was when Sor Principal gave me my expulsion letter hahaha Grateful naman ako LOL

treehundredth (29)

Eto ang malas dito eh. Yung teacher ko kasi nung Kinder ako pina-ganap kami sa isang skit ng Student Canteen during graduation namin. Simula noon taon taon na ako pumapanhik sa entablado na yan para labanan lahat ng mga kontest kontest sa academics. Kaya malaki ang galit ko sa Kindergarten teacher ko eh haha

treehundredth (28)

This was during the Christmas party sa Kindergarten sa school namin. Imagin from kinder to grade 10 dun ako nagaral sa Catholic School. Dapat santo na ako ngayon haha Yung santa claus na yan binuking ko pa salaht ng kaklase ko kasi sabi ko bulak lang yung balbas nya tasaka ang payat nya para maging si SC haha. Nakurot tuloy ako ng teacher ko.

treehundredth (27)

Eto yung kaunaunahang pinagawa sa akin ng teacher ko na may HD sa akin haha. Kahit sa Christmas party di ako pinatawad. Isa ako sa gumanap na three kings at suot namin yung mga bath robe ng nanay namin haha. Asar na asar ako kasi ang bigat bigat dalhin ng bathrobe na yun. eh ako pa mandin ka yung estudyante na di mahilig magdala ng gamit sa school. basta nakikinig lang ako o minsan nagdadaldal sa klase. Ang dala ko lang palagi sa skul ay sipa, jolen at mga text ng voltes five haha. The rest iniiwan ko na sa iskul para wala akong dala… Sipag ko ano haha.

treehundredth (26)

Sportsfest nung Kinder kami. Field demo ata ito. Kita nyo panyo na nakasakbit sa short ko. Dun ko palagi nilalagay panyo ko dati para di malaglag kasi ang PE uniform namin noon ay walang bulsa.

treehundredth (25)

Graduation picture namin nung Kinder na kung saan ang premyo sa amin pag ngumiti kami ay yung lalagyan ng film na kulay itim hehe. Uto uto!

treehundredth (24)

Hehe 6 years old ako dito. Bakasyon bago pumasok ng kinder. I always spend my vacation in my Lola’s house. Dun palagi ako natutulog pag weekends. Tuwang tuwa ako sa bahay ng lola at lolo ko kasi ang daming puno na inaakyat namin. ang dami pating salagubang kaya wiling wili ako doon.

treehundredth (23)

Mga pinsan ko sa motherside. Si Edgee (LRight) nasa New York na as Nurse while si Lester naman (Left) ay andito pa sa pinas. Hehe hindi po sya aeta. Ganayan lang talaga hilatsa ng mukha nyan haha magaling sa taguaan yan pag brownout, di kita haha

treehundredth (21)

Ice cream time. 5 years old ako dito hehe

treehundredth (20)

Haha alam nyo ba itong kuha na ito. Ako kumuha nyan sa sarili ko. 5 years old ata ako nito. Very curious kasi ako sa lahat ng bagay noon kaya kahit di ko alam pinagaaralan kong gamitin. minsan naiwan ng Tatay ko yung kamera. Nacurious ako kung pano na flash yung camera. Di ba nakakabano yung flash lalo na sa madilim na lugar haha. hanggang sa natutunan ko yung paggamit ng kamera at kinunan ko itong sarili ko. Nang madevelop na yung film, galit na galit si Mudra kasi ang mga kuha ay puro bintana, kisame, aparador, dingding at syempre itong first ever self shot ko haha

treehundredth (19)

5 years old ako dito kalong ako ng paborito kong tiya na nasa CA na ngayon. Kahit noong bata pa ako pilyo na talaga ako even sa camera hehe. Tuwang tuwa ako pag nagmamaking faces ako tuwing kinokodakan. di pa yan yung malala na icture, may picture talaga ako na matatakot kayo sa sobrang pangit ng make faces ko hahahaha

treehundredth (22)

Eto yung ineskortan ko yung kapitbahay namin na dilag. Tawagin na lang natin syang Matutina hehe. Kami ang escort at muse sa basketball team ni Pudra haha.

treehundredth (16)

Nasabi ko ba sa inyo na mahaba ang buhok ko noon. Yan daw uso noong bata ako eh kaya ganyan buhok ko. Parang gupit “Atoy Co”. Idol kasi ni Pudra ang begees eh. Pero nito ko na lang narealize na di naman sa Beegees at kay Atoy Co ginaya ang gupit ko eh, kay Vincent Dafalong pala haha. Napagupitan lang ako noong pumasok na ako sa Catholic School kasi bawal ang mahaba ang buhok doon.

treehundredth (17)

Would you believe that I modeled for a magazine ad of NIDO when I was a kid? ayun ako o sa slide. hmm malabo, teka ienlarge natin…

treehundredth (18)

O kita mo na? haha joke lang. di talaga ako yan. Kamukha ko lang yang nasa magazine. Nagulat ang mga magulang ko ng makita nila itong ad sa Liwayway. Ginupit nila at itinago nila kasama ng mga picture ko sa album. Nung bata ako madalas ako lokohin ni Pudra na ako daw yung batang modelo. Pero di ko talaga natatandaan na kinunan ako sa slide. Umiinom kasi ako ng Memo plus gold nung bata ako eh kaya tanda ko. Nito na lang nagkaisip ako saka sinabi sa akin na Joke joke lang haha Akala ko nga, mas gwapo ako dun sa bata haha

treehundredth (15)

Isa sa mga earliest picture ko nung ako ay 4 year old pa lamang kasama ang eldest sister ko na naka swimsuiot na orange haha. This was taken in Caliraya Resort circa 1981 na tuwang tuwa ako sa ganda ng lugar noo. akala ko talaga noon nasa america kami sa ganda nung resort at hotel na tinuluyan namin.

treehundredth (14)

Bawal ang basketball sa pool pero nagiiyak ako noon pag kinukuha ng lifeguard yung bola kaya wala nagawa sa katigasan ng ulo ko kungdi pagbigyan na lang ako hehe pasaway. Ganda ng trunks ko ano stripes na pula haha!

treehundredth (13)

I group up with basketball though I didn’t become a basketball player because I was very weak during my early years. Hikain ako noon kaya pinagbawal ng doktor ang mga laro na nakakapagod sa akin. Pati pusa bawal sa akin noon. Kaya hanggang panood na lang ako ng laban ng Ginebra at Purefoods, pati ng Lakers at Bulls noon sa TV. Nung mawala na ang hika ko noong High School, it was too late for me to master the sport. Though I know how to play since my dad is pretty much hooked up with the game, mas madami na magaling sa kin noon sa school kaya dyahe na kung dun pa lang ako magsasanay. I rediscovered my passion for basketball when I entered in the seminary. Doon bawal ang di maglaro ng basketball. Pabor sa akin kasi noon ko pa talaga gustong maglaro ng basketball. Dun talaga sa loob ako nahasa sa aking amater hoop skills.

treehundredth (12)

Eto picture ko kasama yung kapitbahay namin na cute hehe.

treehundredth (11)

This is one is a rare photo. I never had a picture with my dad when I was young except this one because he was too shy to face the camera. Candid shot ito kaya nakunan ang tatay ko ng unguarded. This was taken at during the evening. hehe kita nyo kahit naka panjama bola pa rin ng basketball ang hawak ko.

treehundredth (10)

This is a picture was taken during the New years eve with my two sisters. I think I was 3 or 4 years old here. Parati ako niloloko ng dalawa kong kapatid na ire na ako daw ay ampon. haha Sinasabi ko na lang pag naiyak na ako na “kayo ampon, tingnan nyo nga mga hitsura nyo mukha kayong mga sipay (aeta), ang papangit nyo, eh ako mestizo” hahaha kaya parati bugbog sarado ako sa dlawa na ito nung bata pa kami kasi pilosopo ako haha.

treehundredth (9)

Taken when I was two years old with my two chambermaids on the side. Joke lang mga ate ko yun haha. Pangita na ba kung sino nakaupo sa trono? lol The man at the back is my Great Grandfather.

treehundredth (8)

Hehe Two years old ako nung birthday ko with my cousin Lysander.

treehundredth (7)

My mom holding my hand. Baka daw ako makidnap, sayang wafu pa mandin ka daw ako.

treehundredth (4)

This is one of my favorite photo of me and my mom. Hehe bata pa si mudra o. Atyun ako wafu pa rin kalong kalong ni Mudra. Ayun si ate sa tabi hehe nagsusumiksik. This was taken during my first birthday party hehe

treehundredth (5)

My birthday party with my sisters, neighbors, aunts and two Grandmothers haha. Peborit ng Lola haha! Si Pudra ayun sa labas lashing hehe.

treehundredth (6)

Close up of me and My Grandmudra during my first Birthday. As of this writing, Nanay is confined again in the hospital for the third time this month. She is suffereng from a sickness which I would not disclose. I will be her caregiver this coming days in the hospital. Ang bilis ng panahon. Dati rati lamang ay kalong pa ako ng Lola ko.

treehundredth (2)

My picture when I was six months old. My Sister holding me up in sitting position. This was taken in our great grandmother’s house,

treehundredth (1)

Sabi ng nanay ko nung ipinanganak daw ako saka sila nakabili ng ref, ng tv, ng radyo at saka daw kami nakaahon ng kaunti sa hirap. Di ko alam kung totoo yun kasi ang alam ko, palagi ako pabigat sa magulang ko lalo na nung HS dahil sa mga kalokohan ko.

treehundredth

Kuha ito noong ako ay bininyagan. May 30 - feast of St. King Ferdinand. I was born on May 1 (feast of st. Joseph the Worker) —- a sunday (St. Michael the archangel’s day)

yambo (1)

Ito yung Prutas na kung saan ako ipinaglihi ng nanay ko. Madalang ang prutas na ito. Di ko nga alam kung meron pang nagtatanim nito. Ang tawag dito ay Yambo o Rose apple kasi lasa syang rosas. Pinsan sya ng Makopa (yung pula na hugis kampana) at may scientific name na Syzygium jambos. Tuwing buwan lang ng abril at mayo ito namumunga kaya di kataka takang dito ako pinaglihi ng nanay ko.

Sabi nila ang buhay daw dapat tinitingnan na parang isang puno. Na kung saan kapag nahinog na ang iyong mga bunga, kahit kailan…

yambo (2)

ay di na ito maaaring mahilaw pa o bumalik…

yambo

sa pagiging bulaklak nya spagkat ang panahon ay naglipas na. Ang tangi mo na lang magagawa ay alalahanin ang nakaraan para maging matuwid ang kinabukasan. Pana-panahon lang yan…

NAWAY MAGKITA KITA ULI TAYO SA IKA 400 NA ARTIKULO!

Share and Enjoy:
  • Digg
  • Sphinn
  • del.icio.us
  • Facebook
  • Mixx
  • Google
  • Live
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • Yahoo! Buzz
  • YahooMyWeb


If you like what you read, you can subscribe via email. Enter your email address:



Trackback URL



  1. 13 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By Rebecca on Jun 12, 2008 | Reply

    such a wonderful post regarding your childhood years…

    ang gwafing mo na pala talaga since nung bata ka pa ;) naks!

    Rebeccas last blog post..YOU are THE ONE

    [Reply]

  4. MyAvatars 0.2
  5. By betchay on Jun 12, 2008 | Reply

    so nice… i love this song… sarap lumingon sa nakaraan… (hanggang lingon lang)

    [Reply]

  6. MyAvatars 0.2
  7. By jojitah on Jun 12, 2008 | Reply

    ay naku ka bluep! naalala ko dinang childhood ko. oy! may trono din ako ng kagaya ng sayo nung 2years old ka pa lang. hahahahaha!

    uso yung apple cut na gupit nung araw ganyan din ang buhok ko nun e. hehehehe.

    jojitahs last blog post..talikodgenic

    [Reply]

  8. MyAvatars 0.2
  9. By kamotenista on Jun 12, 2008 | Reply

    wow, ang galing :razz: a nice entry pero na lungkot ako…ang saya maging bata…

    kamotenistas last blog post..Warning: Delta Alert

    [Reply]

  10. MyAvatars 0.2
  11. By reyna elena on Jun 12, 2008 | Reply

    cute mo bluep! hahaha! meztisuhin ang lintekkkk!!! hahaha!

    nung maliit ako blue, jackstone ang laro ko hehehe pramis walang biro, natuto lang ako nang basketball nung high school na ako, too late, mahilig na talaga ako sa jackstone hahaha

    pero di biro bluep, ang gwapo mo talaga nung bata ka! HAHAHA! (WALA AKONG IBIG SABIHIN BAKA YARIIN MO SITE KO! HAHAHAHA)

    reyna elenas last blog post..Akyat Bahay Gucci Gang!

    [Reply]

  12. MyAvatars 0.2
  13. By chuvaness on Jun 12, 2008 | Reply

    shuckssss ang wafffoooooooo hahahahhaa

    tsong, may kamukha ka!!! 50$ sasabihin ko kung sino hahahahahhahaha

    parang mali ang bg music…dapat…KUNG MAIBABALIK KO LANG…..

    HAHAHAHAHHAHA

    chuvanesss last blog post..40 Little Secrets

    [Reply]

  14. MyAvatars 0.2
  15. By brotherutoy on Jun 13, 2008 | Reply

    mukhang andami mo, kapatid, na photo ops nung bata ka ah. ako, wala akong baby pictures. siguro ampon lang ako kaya ganun. hehehe…

    nakakain pala ang yambo?

    [Reply]

  16. MyAvatars 0.2
  17. By haze on Jun 14, 2008 | Reply

    Ang galing mo namang magsulat ng Tagalog :wink: Ilahad and kwento ng iyon buhay at naitago ang iyong mga larawan. Medyo yung iba super lalim na salita, pero marami akong natutunan! Parang feeling ko tuloy nasa Sariaya ako! Ganda ng iyong mga larawan, bakit walang latest ? :lol:
    hazes last blog post..Double BIG T !

    [Reply]

  18. MyAvatars 0.2
  19. By kengkay on Jun 15, 2008 | Reply

    waw, ayan, lumabas na ang kapogian ng little bluepj! ang sarap talaga magbalik tingin ano?

    kengkays last blog post..WPP Joins Wordcamp Philippines 2008

    [Reply]

  20. MyAvatars 0.2
  21. By Jhoen on Jun 15, 2008 | Reply

    Isa lang ang masasabi ko kapatid: “TODO NA ‘TO!”… :mrgreen: Maikli lamang ito at ako ngayon ay ngarag. Flight ko na kasi pauwi sa Pinas sa Martes. So, sa June30 na lamang tayo magkuwentuhan nila Verge may awa ang Diyos. Looking forward to see you both. Huwag na kayo mag-abala ng regalo ha… cash na lang. Ha ha ha! God bless kapatid. Happy Father’s Day sa iyong pudra. Ciao! :lol:

    [Reply]

  22. MyAvatars 0.2
  23. By airwind on Jun 16, 2008 | Reply

    ang kyut …wehehe .. sarap balikan talaga yung kabataan, as in yung bata talaga a.. walng problema at walang pakialam. :) salamat sa pag share ng photos at kwento. :)
    airwinds last blog post..Blabber

    [Reply]

  24. MyAvatars 0.2
  25. By pusa on Jun 16, 2008 | Reply

    hahahha nag wafu mo nga!!!! nun bata ka! hehehehe
    shet me pic din ako na apple cut ang buhok ko bwahahaha uso nga!

    pusas last blog post..insecure me

    [Reply]

  26. MyAvatars 0.2
  27. By ifoundme on Jul 12, 2008 | Reply

    Wow kapatid! photogenic ka rin nung bata ka pa… pero anong nangyari?? hehehe! nadiscover mo ang pagkain no?

    ang daming kababalaghan na mga ginagawa natin nung bata pa tayo no? well at least na experience natin lahat yan… dami mong pics!

    ifoundmes last blog post..who?

    [Reply]

  1. 1 Trackback(s)

  2. Jul 11, 2008: Inggit : OTWOMD | Bluepanjeet.Net

Post comments


*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture.
Anti-spam image



Creative Commons License

© 2009 OTWOMD | Bluepanjeet.Net
This work is licensed under a
Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License


Help us build quality blogs