RSS Feed for This PostCurrent Article

Ang Mahal na Ina

Ito ang entrada ko ngayon para sa linggong ito. Mabuti naman at naihabol ko kahit panay ang aking silip sa Internet. Malapit na ang araw ng mga Ina at para sa pamilya na intact at pinahahalagahan ang bawat isa, ang araw na ito ay napakahalaga. Sa amin pamilya ay palagi kami nagsasalo-salo ng kaunti para naman magkasama sama ang mga miyembro at maidaos ng matiwasay ang okasyon na ito. Ang Pagiging isang Ina ay lubhang napakahirap sapagkat kailangn nilang patnubayan ng wasto ang kanilang mga anak at gampanan ang kanilang mga tungkulin bilang mga asawa. Kaya naman saludo ako sa mga nanay, lalo na yung mga nanay na full-time sa pagiging ina sapagkat di naman madali ang gawaing bahay. Kung ako ngang lalaki na malakas at mas may porma ang katawan kesa sa mga babae eh hirap na hirap gumawa ng gawaing bahay, ang mga ina pa kaya na hindi lang anak ang dapat atupagin kungdi ang mga asawa nila at ang pagpapatakbo ng mga isang tahanan. Sa mga kablogger kona ina, Maligayang Araw ng mga Ina. Ang larawan ay kuha ko noong umaga na bago ako umalis sa Tanay Rizal. Nakita ko na pinaiinitan nya ang kanyang anak sa may Dike habang sumisikatang araw sa Laguna de Bay. Gamit ko na naman ang aking Malapit ng mautas na Nokia 6630.







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2007 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License










Trackback URL

  1. 25 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By Pinky on May 8, 2008 | Reply

    Salamat sa pagpapahalagang ibinigay mo sa mga butihing “pambahay” na inang tulad ko - tunay na nakakataba ng puso! :)

    Nakita ko sa Cbox na nag-birthday ka pala - belated happy birthday, BlueP!

    Pinkys last blog post..LP #6: Mahal na Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 8th, 2008:

    Bilib ako sa mga nanay kasi mama’s boy ako hehe. Kahit natotorete ako palagi sa sermon ng aking ina, hindi ko lubos maisip kung lumaki ako ng na wala ang gabay nya. Alam mo naman ang mga nanay, maingay lang pero sa kalooban ay punong puno ng pagmamahal.

    Salamt naging busy ako lately sa napakadaming bagay kaya ngayonlang ako nakakabawi sa bloghop hehe

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  4. MyAvatars 0.2
  5. By Dyes on May 8, 2008 | Reply

    naks! ang ganda naman ng pagkakakuha :)

    btw, sa national bookstore ko nabili ang book na I Love You Forever by Robert Munsch :)
    Dyess last blog post..LP # 6 - Mahal Na Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    uy salamat dyes. punta pala ako maya at titingin kung available dito sa amin

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  6. MyAvatars 0.2
  7. By peterahon on May 8, 2008 | Reply

    napakakulay na blog hindi ko alam kung ano ang babasahin…

    hindi ko pa yata nasisilayan ang Sisa-Basilio-Crispin na monumento - sigurado ka sa labas iyon hindi sa loob?

    pagbati sa maganda mong website!

    peterahons last blog post..Personafile - 1000th Twitter Follower

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    pagpasok mo sa main gate sa unahan nandun agad sa loob sa bungad ang kanilang monumento. Maliit lang sya na puti, gawa sa bato, pero malinang ang pagkakagawa tulad ng Oblation sa UP. Noong una kong pasok don (bilang nars haha) iyon agad ang naka-agaw ng atensyon ko.

    salamat. maganda ang nilalaman ng blog mo. pang makabayan. mukhang mapapadaan ako muli doon hindi lang tuwing huwebes.

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  8. MyAvatars 0.2
  9. By alpha on May 8, 2008 | Reply

    sang-ayon ako sa lahat ng sinulat mo. mabuhay ang mga ina! :D

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    Mabuhay!!!

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  10. MyAvatars 0.2
  11. By christine on May 8, 2008 | Reply

    ang ganda ng naisulat mo tungkol sa mga ina. sana ay maraming lalaki ang katulad mo ang pananaw!

    sana ay maging masaya ang celebration nyo. happy weekend! :)

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    bibili lang ako ng pizza, pancitlucban at Ice-cream, ayos na yun haha.tamad kasi kami kumain sa labas eh.

    Advance happy mother’s day!

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  12. MyAvatars 0.2
  13. By Dragon Lady on May 8, 2008 | Reply

    maganda naman ang kuha mula sa iyong camera phone. :)

    isang maligayang LP sa iyo!

    Dragon Ladys last blog post..L.P. #6: Mahal na Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    Natutuwa talaga ako sa handle mo na dragon lady haha. para bang lagi kang handang bumuga ng apoy haha.

    salamat, gayun din sayo maligayang LP

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  14. MyAvatars 0.2
  15. By teys on May 8, 2008 | Reply

    ang ganda…

    gandang lp!

    teyss last blog post..LP#6 - Mahal na Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    teys salamat ng marami

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  16. MyAvatars 0.2
  17. By Munchkin Mommy on May 8, 2008 | Reply

    hi bluep! maraming salamat sa iyong pagbati sa aming mga ina. :) ako’y natutuwa at iyong batid ang hirap maging ina…mahirap din namang maging tatay (baka magalit kasi ang mga tatay!). happy mother’s day sa mga mommy sa iyong pamilya. :)

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    Munchkin Mommys last blog post..LP #6: Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    haha matagal pa ang araw ng mga ama LOL. Nawa’y lahat ng ina ay patnubayan ng maykapal sa araw araw na gawain.

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  18. MyAvatars 0.2
  19. By Meeya on May 9, 2008 | Reply

    hey, na-miss kita sa LP. pakyaw ka this week ha :) like ko yung pic mo, napaka-pinoy ng dating.

    happy mother’s day sa iyong mama, mama’s boy! :)

    Meeya’s Memes: LP Mga Mahal na Ina
    Meeya’s Finds: LP Mahal na Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    Kapati oo nga pasensya na, may inayos ako dine sa blogko. hindi ginoogoogle ng gurgle ang mga pages ko kaya kailangan ko pang itransfer isa isa sa post.

    Haha salamat! totoo ang sinabi mo! Happy Mother’s day din sa iyo.

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  20. MyAvatars 0.2
  21. By kiwipino on May 9, 2008 | Reply

    prang opening scene sa pelikula ang kuha kulang na lang yun may lalabas na movie title.

    [Reply]

  22. MyAvatars 0.2
  23. By sardonic nell on May 9, 2008 | Reply

    mabuhay ang lahat ng dakilang ina sa mundo! di yata biro ang magpalaki ng anak nowadays. as always, your photo’s amazing. it always tell a story…

    sardonic nells last blog post..Litratong Pinoy #: Mahal Na Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    Salamat. Tyamba lang yan. nakaw na larawan yan habang naglalakad ako sa dike. Happy Mother’s day sa iyong cool mommy dear nell. :smile:
    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  24. MyAvatars 0.2
  25. By PinayInTheUS on May 9, 2008 | Reply

    aww i love this shot!

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    salamat sis. pinoy na pinoy nga ang dating.

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  26. MyAvatars 0.2
  27. By Linnor on May 9, 2008 | Reply

    stolen shot ba yan? :) paano mo nakuha ng malapitan?

    happy mothers’ day in advance… and happy salo-salo too ;)
    Linnors last blog post..Mahal na Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    Stolen shot yan kapatid linnor. Naglalakad kami ng pinsan ko. nakaupo ang mag-inang yan sa sidewalk. inantay ko muna na bumaling ang ulo nya sa kanan para di nya ako makita. malapit na kuha yan. mabilisan lang ng kamay kasi baka pag nahuli ako kinukunan ko sila bigla ako sampalin haha.

    Advance Happy Mother’s day Linnor

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  28. MyAvatars 0.2
  29. By lidie on May 9, 2008 | Reply

    ang ganda ng iyong lahok ngayong linggo!
    magandang araw sa’yo!

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    salamat lidie sa susunod na huwebes uli

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  30. MyAvatars 0.2
  31. By Kaje on May 9, 2008 | Reply

    ganda, kahit na cameraphone lang :)

    saludo sa lahat ng mga ina!!

    Kajes last blog post..LP 6 Mahal na Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    salamat kaje, happy mother’s day sa iyo sa araw ng linggo

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  32. MyAvatars 0.2
  33. By nona on May 9, 2008 | Reply

    Bluep, maraming salamat sa pagpugay sa mga inang katulad ko…namin.Ang sarap pakingaan :)
    your photo says it all…simple yet meaningful.
    Happy LP! Happy mother’s day…sa iyong ina.

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    Nona, kulang ang larawan at salita upang maisalabi ang kadakilaan ng mga ina.

    Mabuhay po ang mga Inang tulad nyo

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  34. MyAvatars 0.2
  35. By brotherutoy on May 9, 2008 | Reply

    nahihiya akong mag-comment kasi puro nanay yata ang makakahilera ko dito. hehehe… kapatid, pinaghalong classic at modern ng iyong dale sa madonna and child. may lalim. at ang background ng mag-ina, nagdulot ng ibang flavor sa larawan. ang galeng!

    brotherutoys last blog post..My Top Five Coolest Low-Profile Chicks in the Old Testament

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    ayos lang yun kapatid. mas maganda nga ang katayuan natin kasi puro nanay sila. alagang alaga tayo. I always believe in the Wisdom of the Moms. Ewan basta secured ako emotionally pag mga nanay ang kausap ko haha. Lumalabas tuloy pagiging Mama’s boy ko LOL

    Ang totoo nyan Brother aksidente lang yan. para ako si Gambit mabilis ang mata at kamay. Nadaanan ko lang yan. nagulat ako ng itransfer ko na sa pC yung litrato eh ganyan kinalabasan. Binawasan ko lang saturation para magmukhang rustic (middle of sepia at black and white).

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  36. MyAvatars 0.2
  37. By ettey on May 9, 2008 | Reply

    napakagandang pagmasdan ng iyong larawan :) happy mother’s day sa yong mahal na ina!

    [Reply]

  38. MyAvatars 0.2
  39. By Leap of Faith! on May 9, 2008 | Reply

    Bluep, talagang iba ang role ng mga nanay sa ating buhay. Ang mga babae, sa totoo lang, ang nagbibigay ng lakas na pang emotional sa buong pamilya (kahit na maiyak sila).

    Lalong mahirap nga ang kanilang mga responsibilidad ngayon lalo’t-lalo at kailangan nilang magtrabaho sa bahay at opisina. Ngunit, kahit ganito pa man, eh patuloy pa rin ang kanilang pag-aruga sa kanilang pamilya.

    Ang ganda ng litrato mo, kitang-kita sa mga yakap ng ina ang tunay na pagmamahal sa anak.

    Belated happy birthday pala.

    Leap of Faith!s last blog post..Ep-alis!

    [Reply]

  40. MyAvatars 0.2
  41. By komski kuno on May 9, 2008 | Reply

    iba talaga ang lakas ng isang ina. parang superhero na hindi napapagod basta para sa kanyang pamilya’t mga anak. kaya naman saludo ako sa knila. :)

    Happy Mother’s day din sa iyong nanay.

    [Reply]

  42. MyAvatars 0.2
  43. By mousey on May 9, 2008 | Reply

    saludo rin ako sa mga nanay!

    magaling ang iyong lahok.

    maligayang araw ng mga ina sa iyong mamy!

    [Reply]

  44. MyAvatars 0.2
  45. By Thess on May 10, 2008 | Reply

    kapatid kasali ba sa binati mo kung ang anak ay tulad ni charlie? :D

    sang ayon ako sa sinabi mo, sadyang napakahirap ng maging isang ina, asawa at tagalinis ng bahay, tagaluto, labandera at taga-plantsa pa ..pinapak na eh, ano?

    Happy Mother’s Day sa iyong nanay at sa lahat ng nanay sa iyong pamilya!

    Thesss last blog post..LP #6 : Si Christa…mahal na Ina

    [Reply]

  46. MyAvatars 0.2
  47. By fortuitous faery on May 11, 2008 | Reply

    ang ganda ng kuha ng mag-ina sa tabi ng dike. :)

    salamat sa pagdalaw sa aking pahina.

    fortuitous faerys last blog post..isn’t it IRONic?

    [Reply]

  48. MyAvatars 0.2
  49. By Rebecca on May 12, 2008 | Reply

    ah may misteryo nga yang camera phone mo at maganda lahat ng mga kuha :D

    Happy Mother’s Day sa iyong mommy dear bluep!

    Rebeccas last blog post..A WONDERFUL World of MOTHERS

    [Reply]

  50. MyAvatars 0.2
  51. By MegaMom on May 13, 2008 | Reply

    I love this photo, napaka-Pinoy!
    Salamat sa dalaw, at belated Happy birthday sa yo. Tunay palang nag-labor ang iyong ina noong labor day. ;)
    MegaMoms last blog post..Of Mice and Mentors

    [Reply]

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word