RSS Feed for This PostCurrent Article

Malungkot? Di mas-shadow

Isa pang larawan na gusto kong ihabol para sa LP. Ito yung larawan na hindi ko nailathala para sa aming ika 5 linggo na entrada na pinamagatang malungkot. Sa totoo lang ang araw na dapat na nakalathala ito ay hindi naman talaga dapat malungkot sapagkat iyon ang aking kaarawan pero dahil nga sa kailangan naming sumunod sa mga tema bawat linggo ay wala ako nagawa kungdi ilathala ito. Ito ay Kuha sa Dike (dee-keh) ng Tanay Rizal na kung saan kaming magpipinsan ay nagkaroon ng mumunting salo salo ng nakakalasing na inumin. Napakaganda ng tanawin. Ang totoo nyan hindi ako nalulungkot sa kuha bagkos ay natutuwa ako sa kagandahan ng panahon ng mga oras na yaon. Madalas ay pumupunta ako sa ilang na lugar para lamang masilayan ang mga ganitong tanawin. Napakaswerte ko sapagkat nakuhaan ko ang napakagandang manipestasyon ng mga nilikha ng Panginoon. Op Kors kuha ito muli ng aking inaamag na N6630 na Phone Cam.







Creative Commons License

BluePanjeet Interactives 2007 This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 License










Trackback URL

  1. 2 Comment(s)

  2. MyAvatars 0.2
  3. By Rebecca on May 8, 2008 | Reply

    not bad at all taken from a camera phone…na-captured mo talaga yung mood–somber and yet para din na a very relaxing spot. I like this one…maganda sya.

    Rebeccas last blog post..Back in the Saddle again…

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    I really don’t know why my camera take shots that way. kahit ako nahihiwagaan din kung anong espiritu meron ang phone cam ko at nagagawa ang mga ganyan haha

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

  4. MyAvatars 0.2
  5. By Meeya on May 9, 2008 | Reply

    belated happy birthday bluep!!!! di mo ko sinama sa blow-out mo, hayan malungkot tuloy ako. huhuhu!

    Meeyas last blog post..LP06: Mga Mahal Na Ina

    [Reply]

    bluepanjeet reply on May 9th, 2008:

    haha salamat meeya. Wala ako blow out actually. nahihiya kasi ako iblog dito ang birthday ko kaya pinabayaan ko na lang kung sino ang makaka-alala. yaan mo next year bili tayo cake taz post natin dito haha

    bluepanjeets last blog post..Ang Mahal na Ina

Post a Comment

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word